Lander Miles POV...
"At sino ka?" Walang buhay na sabi ni Blaze.
"Ako si JR... manliligaw ako ni Miles." Seryosong sabi ni JR. Hala seryoso silang dalawa anong nangyayari?
"Manliligaw?" Tiningnan niya mula ulo hanggang paa. Anong ginagawa mo Blaze?
"Oo... bakit sino kaba? At kaano ano mo si Miles?" Galit na sabi ni JR.
Napatingin ako kay Blaze... kaano ano ba ako ni Blaze sa buhay niya? Importante ba ako sa kanya?
"Hindi ako nagpapakilala sa mga di ko pa masyadong kilala. And about kay Miles.... she's nothing to me." Malamig na sabi niya. Napayuko nalang ako...
Tumalikod na siya at lalakad na sana nang huminto siya.
"Baka nakakalimutan mo may practice pa tayo." Sabi niya saakin. Oo nga pala nakalimutan ko.
"Susunod lang ako." Sabi ko at lumakad na siya.
Humarap ako kay JR.
"May practice pa kami. Sige see you JR!" Sabi ko aalis sana ng hawakan niya kamay ko.
"Sama ako." Malababy niyang sabi. Napangiti ako at tumango.
Sabay na kaming pumunta sa Drama Club.
"Nandito ka na pal... who that boy, miles?" Tanong ni Ms. President.
"Si JR nga pala Ms President...."
"Mangliligaw niya." Napatingin lahat sa kanya.
"Ha!" Gulat na sabi nila. Grabe maka react naman sila.
"Ate Miles!" Napayakap saakin si Stephanie.
"Bakit?" Sabi ko.
"Halika!" Sabi niya at dinala malapit sa inuupuan ni Blaze.
"JR, umupo ka muna doon." Sabi ni John kay JR. Ngumiti lang ito at umupo sa tinurong upuan.
"May importante akong sasabihin ngayon... iniba ng judges ang story. At ang sabi nila gawin natin yung Video at magte taping tayo sa Korea!" Sabi ni Ms. President. Nanlaki ang mata namin.
"Po?!" Gulat na sabi ko.
"Ang gagawin natin ay... itutulad natin ang drama natin sa nangyari noon sa Joseon Dynasty na pinamumunuan ni King Leo. Diba nasa history niyo yun?" Sabi ni Ms. President. At ako nakatulala lang sa nangyayari.
Nakatingin ako kay Miss Pres parang may pinahihiwatig ang kanyang mga ngiti.
"Okey! Ito ang mga script ninyo." Kinuha ko yung script at agad binasa.
Nanlaki ang mata ko. No... di maaari toh. Di ko na siya pwedeng mahalin... dahil alam ko na di naman magiging kami sa isat isa.
"At natanggap ko na ang permission sa Dean at bukas na bukas lilipad tayo papuntang Korea!" Masayang sabi ni Miss President.
Ayun nagdiwang sila.
Di ko alam kung sasaya ako o malulungkot sa nangyayari.
Napatingin ako kay Blaze. Nakatingin lang siya saakin.
"May problema?" Sabi niya. Napailing ako at ngumiti.
"Excuse me lang ha." Sabi ko at tumakbo palabas ng Drama Club.
Dumiretso ako sa Rooftop at doon tumulo ang luha ko.
"Kapalaran ba ang may gawa nito? Grabe naman oh.... nag aadjust pa ako eh. Nagbibigay agad ng problema wala bang pahinga muna?" Wala na akong pake sa mga sinasabi ko wala namang makakarinig saakin eh.
"Nagmo move on pa tong puso mo eh... sana wala nalang ako napunta sa nakaraan kung ganito lang ang nangyayari." Tumutulo padin tong luha ko. Napaupo nalang ako sa sahig at nabigla ako ng may tao sa harapan ko.
"JR..." sabi ko. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Shh... nandito lang ako para sayo. Di kita iiwan promise."sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Waaaaaa!!" Inilabas ko na lahat.
******
Kinabukasan...
"Anak, mag iingat ka doon sa Korea ha." Sabi ni Mom. Tumango lang ako.
"Don't worry tita nandoon naman ako eh." Sabi ni JR. Oo kasama siya sa amin. Di nga niya ako iiwan.
"JR... ikaw na bahala sa Princess namin ha." Tumango lang ito. At niyakap ko na sila Dad and Mom.
"Anak... Fighting lang!" Sabi ni Dad. Napangiti ako at nag aja sign din.
*peep peep*
Napatingin kami sa labas.
"Una na kami." Sabi ko at nagpaalam na sila.
At sumakay na kami sa Bus at syempre tabi kami ni JR. At sa gilid namin ang pwesto ni Blaze at Marga. At tung malanding marga na ito nakalagay pa ang ulo niya sa balikat ni Blaze..... at si Blaze naman malamig na nakatingin sa harapan na walang pake aish di na... di ko na sila papansin kung ano ang ginagawa nila. Bahala sila sa buhay nila.
"Miles, ilagay mo ang ulo mo sa balikat ko." Sabi niya. Inilagay ko nalang ang ulo ko inaantok pa kasi ako eh.
Nilagyan niya ang kumot ang katawan ko para di ginawin mga dalawang oras pa kasi bago kami makarating sa Airport.
Napamulat ako kasi ginising na kami ni Miss President.
"Nandito na tayo. Kaya gising na. Ihanda na ang mga gamit niyo." Sabi niya. At ayun nag ayos na kami tinulungan naman ako ni JR sa mga gamit ko hanggang sa makapasok na kami sa Airport...
Aiplane...
Hinahanap ko ang upuan ko at ayun.... teka bakit nandun si Blaze katabi sa upuan ko?
At ang upuan ni JR.... ang layo sa upuan ko.
Umupo nalang ako. Nako naman sa may bintana ang upuan ko paano ako makakadaan?
Ah! Lumakad ako at dahan dahan akong lumusot sa harapan niya ng may bumangga sa kaharapan na upuan at tumama sa likod ko kaya ayun napayakap ako ngayon kay Blaze at napamulat siyang napatingin saakin.
Nanlaki ang mata ko at ang bilis ng t***k ng puso ko sa nangyayari. My god!
Agad ko siyang binitawan at agad umupo sa gilid niya.
At iniwas ang tingin sa kanya.
"Pasensya na." Sabi ko sa kanya. No response naman tung lalaking toh.
Napatingin ako sa kanya nakapikit lang naman.
Napabuntong hininga lang ako at pumikit nalang din. Nang maramdaman ko ang isang kamay na nakahawak sa ulo ko at inilagay papunta sa balikat niya. Ang bilis ng t***k ng puso ko nilagyan din niya ako ng kumot.... nakaramdam din ako ng paglagay ng ulo niya sa ulo ko.
Di ko na kaya.... bakit siya nagkaganito? Wala na akong maintindihan. Napamulat ako at nakita ko na siya talaga ang may gawa nun si Blaze.
Sa sayang nararamdaman ko ngayon pumikit nalang ako kung panaginip ito di na ko gigising pa.
Hanggang sa makatulog na ako.
"Welcome here in Korea!" Masayang sabi ni Miss President. Wow feel na feel ni Miss Pres?
"Mukhang nandito na ang sundo natin." Sabi ni Stephanie.
"Annyeonghaseyo, Tito!" Masayang sabi ni Stephanie.
"Namiss kita... oh hello everyone." Sabi nung Tito ni Stephanie. Napabow nalang ako.
At sumakay na kami sa bus at balik sa dati magkatabi kami ni JR.
"Ang ginaw dito." Sabi ko. Nakajacket naman ako.
"Sigurado ako once makauwi tayo puti nako. Hahaha." Pero sa totoo puti naman ako noh.
"Hindi lang puti. White lady na siguro." Sabi naman niya.
"Hahaha oo nga ikaw para ka nang vampire hahaha." Sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya.
"Once magiging vampire ako ikaw ang una kong kakagatin. Hahaha." Sabi niya at kinurot ang pisnge ko.
"Aray naman." Sabi ko at nagpout ako.
Parate kaming nagkulitan kanggang makarating na kami sa hotel.
"Magpahinga muna kayo. If gusto niyong mamasyal masyal na kayo." Sabi ni Miss Pres. At ayun nagliparan kahit saan.
Napangiti nalang kami.
Pero may isang lugar akong gustong puntahan at yun ang Palace.
Pero mamaya na yun. Mamamasyal muna kami.
Boung araw kaming namamasyal ni JR. At napaupo ako sa bench at sabi niya bibili siya ng drinks baka nauuhaw na daw ako.
Habang naghihintay nag selfie nalang ako habang nakaupo. Ipapakita ko ito kina Dad and Mom.
Habang nakatingin sa cellphone may napansin akong may umupo sa gilid ko. Nagulat ako kung sino ito.
"B-blaze.." gulat na sabi ko.
"Parang nakakita ka nang multo." Sabi niya. Napaayos naman ako ng upo.
"Pasensya... asan si Marga? Kasama mo siya diba?" Sabi ko. Napa tsk siya at tumayo bigla at hinawakan ang wrist at kinaladkad ako papunta sa ferris wheel. Anong ginagawa namin dito?
"B-bakit tayo nandito?" Sabi ko. Nakatingin lang siya sa labas.
Napapout nalang ako anong problema niya?
Napatingin ako sa tinitingnan niya. Nanlaki ang mata ko kasi magkausap si Marga at si JR.
"Mukhang hinahanap nila tayo..." Sabi ko.
Mukhang wala lang sa kanya ang sinabi ko.
"Bakit mo ko dinala dito?" Sabi ko.
"Mahal mo ba yun?" Sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"B-bakit mo naman natanong? Anong pake mo... di ba wala kang pake alam saakin." Sabi ko kaagad sa kanya. Di ko kasi siya maintindihan eh.
"Alam mo... kahit di mo alam minahal na kita pero nung nalaman ko na ipapa kasal kana kay Marga napaisip ako na mag move on nalang ako. Mukhang wala nang pag asa." Sabi ko kahit nakakahiya sinabi ko na para mabawasan na tinik sa puso ko.
"Kakalimutan na ki...." nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa labi ko.
Nabigla ako ng may fireworks na sumabog. Pero di ko na inalala yun napapikit nalang ako. At napahiwalay siya at napamulat ako. Nakatulala padin akong nakatitig sa kanya.
"Subukan mong kalimutan ako." Sabi niya. Nabigla ako nang lumabas na siya. Nasa baba na pala kami.
Agad akong tumayo kahit loading pa ang utak ko sa mga nangyayari.
Napahawak ako sa bibig ko... did he kiss me?
"Miles! Kanina pa kita hinahanap saan kaba galing?" Sabi ni JR.
"Sa... sa cr." Sabi ko.
Napatango nalang siya.
"Mukhang pagod ka na... umuwi na tayo." Sabi niya. Napatango lang ako at umuwi na kami.
Di ako makatulog dahil sa nangyari. Paulit ulit sa utak ko ang sinabi niya.
"Subukan mong kalimutan ako."
"Subukan mong kalimutan ako."
"Subukan mong kalimutan ako."
"Subukan mong kalimutan ako."
"Waaaaa!!! Kalimutan na kita!" Di naman siguro ako maririnig dito diba?
"Hay... ang tanong makakalimutan ba agad kita?.... kung magkapares tayo sa movie na gagawin namin."
Hay...
Kinabukasan....
"Nakatulog ka ba ng maayos Miles?" Sabi ni Miss President. Napailing ako.
"Bakit naman? Maghanda ka na pupunta na tayo sa palasyo." Sabi niya. Napalaki ang mata ko. Palasyo!
"Opo!" Sabi ko agad tumakbo papunta sa kwarto ko.
Palace....
Nandito na kami gusto kong pumunta sa Moon Pavillion malapit lang dun yung binungkal ko noon at inilibing ang pin.
Dahan dahan akong tumakas at tumakbo. Alam ko kung saan ang daan papuntang Moon Pavillion. Hanggang makarating ako doon.
At doon ko inilibing ang pin.
Agad kong binungkal ang lupa at nang may naramdaman akong kahon agad ko yung kinuha at masaya akong makita muli na nandito tinago ko ang binigay saakin ni Won.
Itinago ko ito sa bulsa ko at ibinalik ang lupa. At napatingin ako sa Moon Pavillion.
Pumasok ako doon at inilibot ko ang paningin ko. Kagaya noon ganitong ganito ang itsura ng kwarto ko.
"Bakit ka pumasok dito?" Sabi ng isang boses. Agad akong napalingon kung sino ang nagsalita.
Isang babae....
Mukhang nagulat ito nang makita ako.
"Q-queen Nice!" Agad siyang napayuko.
"Uhmm... ano... s-sino ka... Hindi Nice pangalan ko. Miles." Sabi ko.
"Ha? Po... eh kayo po yung rey..."
"Byen, anong ginagawa mo dito... bawal kayo pumasok dito."sabi nung isang babae. Agad akong tumakbo palabas. Nako naman oh!
Bumalik agad ako sa lugar kung nasaan sina Miss President.
"Saan ka ba galing, Miles." Sabi ni Miss Pres.
"Naghahanap po ako ng cr." Sabi ko. Napatango nalang siya.
"Aayusan ka na nila." Sabi ni Miss Pres at binigay nako sa mga bakla.
Forward..
Ganito ang itsura ko noon... grabe mukhang kuhang kuha talaga ha....
"Wow! Bagay talaga sayo ang role! Tara na magsisimula na. Nabasa mo na ba ang Script?" Sabi ni Miss President. Tumango ako.
Lumakad na kami nang bigla akong napahinto dahil sa nakita ko.
My Won....
Napahinto siya at napatingi saakin. Bigla nalang siyang napahawak sa ulo niya.
"Okey ka lang, babe?" Sabi ni Marga. Napayuko ako at nagpatuloy sa paglakad di ko na pinakinggan ang sasabihin niya nang napahinto ako kasi may humawak sa braso ko at iniharap ako sa kanya.
"Your beautiful." Nagulat ako sa sinabi niya. Maganda daw ako?
"S-salamat.... ikaw din bagay yang sout mo sayo." Sabi ko nalang.
"Thank you.... see you in the scene." Sabi niya at umalis na. Anong nakain nun?
Please lang wag mo na akong pahirapan... kakalimutan na kita eh.
Ayoko nang masaktan ka...
"Kaya mo yan Miles!" Napatingin ako kay JR.
Ngumiti lang ako.
Mabuti pa si JR pinapakita niya kung gaano niya ako kamahal... gusto ko ganun sana siya. Sana siya nalang si Won.... sana....
******
LMCD