Lander Miles POV...
"Okey, next scene is magkikita na kayo ni Prince Won sa kagubatan!" Sigaw ni Miss Pres.
"Lights, Camera, and Action!" Sigaw niya.
Naglalakad ako grabe mukhang nasa past na nga ako. Wait dito yung....
*ROAR!*
Nanlaki ang mata ko.
"Waaaa!!" Paano sila nagkaroon ng ganitong kalaking tigre!
Napaupo ako sa sahig dahil natisod daw ang paa ko. Ganitong ganito ang nangyari saakin noon.
Palapit na saakin ang tigre... kakainin na niya ako!!!
Napapikit ako ng makarinig ako ng ingay ng espada. Kaya napamulat ako.
Nakita ko ang lalaking gusto kong makita. My Won...
My knight and shinning armor!
"Salamat..."
"May sira ba ang ulo mo? Bakit ka lumalabas sa bahay niyo na ganitong oras at dito ba talaga sa kagubatan ha." Sabi niya. Ganito ba talaga ang sinabi niya noon? Mukhang hindi eh...
Aish... nakalimutan ko.
"Eh sa napadpad... teka wag mo kong talikuran."sabi ko susundan ko sana siya nang napatumba daw ako mabuti nasalo niya ako. Ang bilis ng t***k ng puso ko...
Nabigla ako ng binuhat niya ako. Kaya napahawak ako sa leeg niya at ang lapit ng mukha namin.
Dubdubdub...
Nagtitigan lang kami... walang imikan.
Napahawak ako sa mukha niya... sana totoo nalang ito.
Wala ito sa script ha...
Nagulat naman siya ng hawakan ko ang mukha niya.
Gusto ng tumulo ang luha ko pero pinipigilan ko ito.
"My Won..." mahinang sabi ko.
"Hey! Diba wala yan sa scene!" sigaw naman ni Marga sa gilid.
"Tsk... cut muna." Sabi ni Miss Pres.
"Panira ng moment oh. Okey na yun eh." Sabi naman ni Stephanie. Pero di padin ako binababa ni Blaze.
"Ibaba mo na ako." Sabi ko sa kanya.
"Ah..." binaba na niya ako.
"Sayang maganda na yun eh." Mahinang sabi ni Miss Pres.
"Are you okey?" Tanong ni Blaze. Tumango lang ako at ngumiti ng pilit.
"Okey lang noh..." sabi ko at yumuko.
"Okey guys mukhang pagod na kayo. Bukas ulit tayo magte taping!" Sigaw ni Miss Pres.
"Salamat po!" Sabi namin at nagbow sa mga cast.
"Good job, the two of you." Sabi ni Miss Pres. Ngumiti lang kami at nagpaalam na kami.
Hotel...
Nandito ako sa labas ng sasakyan... sa sasakyan kasi kami natutulog at katabi ko si Stephanie. Ako'y nagpapahangin. Di kasi ako makatulog.
"Hay, di ko na maintindihan ang sarili ko. Mas lalo ko tuloy siyang minahal." Napatingin ako sa kalangitan.
"Full moon pala ngayon." Ang ganda dito dahil makikita mo talaga ang full moon.
*1 message recieve*
Eh? Sino naman toh?
From: 0909....
Sana matulog ka na para may energy ka bukas sa taping. I love you.
Lublublub...
Teka lang sino ba talaga toh? Si JR lang siguro toh.... di ko alam kung mapagbibigyan ko ba talaga si JR sa hiling niya na maging kami... wala naman akong nararamdaman sa kanya at ang nararamdaman ko lang sa kanya ay gusto ko lang siya bilang kapatid.
Hay ang hirap naman... ayoko siyang umasa.
Naglalakad ako hanggang makarating ako dito sa parang garden ng palasyo.
Umupo ako dito.
"Nice..." nanigas ako sa kinatatayuan ko sino yun?
Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang isang lalaking nakahiga sa damuhan.
"S-sino ka?" Sabi ko. Napaupo naman siya.
"It's me, Blaze." Nakahinga naman ako ng maluwag akala ko multo eh.
Pinat niya ang gilid niya means pauupuin niya ako doon.
Kaya umupo ako doon.
"Alam mo... may mga alaala na nawala saakin. At nung dumating ka doon naglabasan ang ibang alaala ko pero ang weird lang... baka di ka maniniwala." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko. Wow! Ang taas nun!
"A-ano naman ang mga naalala mo... teka lang Nice ang tinawag mo saakin kanina... Eh Miles pangalan ko." Sabi ko.
"Lumabas lang sa bibig ko."sabi niya.
"Hmmm... baka Nice na ang matawag mo saakin diba yun ang name ko sa Script?" Sabi ko. Tumango siya.
"Pero may kakaiba... parang nangyari na ito saakin noon at may isang babae akong napupusuan.... at tinatawag ko siyang My Nice." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya... don't tell me siya si Won?
"Ano pang naalala mo?" Sabi ko kaagad.
"At iyong palasyong toh... ito ang nasa memories ko at.... arrgg!" Napahawak siya sa ulo niya. Agad ko siyang hinawakan. Anong nangyayari sa kanya?
"Okey ka lang ba?" Sabi ko sumasakit ang ulo niya. Niyakap ko nalang siya. Hanggang sa nafeel ko na natutulog na siya.
"Para di na magsakit ang ulo mo o bumalik ang alaala mo... lalayo na lang ako sayo once na wala tayo sa taping." Mahinang sabi ko at niyakap siya nang mahigpit.
"Ito na ang last na magkasama tayo na wala sa taping." Napapikit ako at doon na tumulo ang mga luha ko.
Gagawin ko ito para wala ka nang problema.
Kinabukasan... nagbihis nako ng pang sinaunang damit. Ang taping ngayon ay magkasama kami ni Darien mukhang wala naman si Red dito baka iba ang gaganap.
"Miles, gusto mo makita kung sino ang gaganap na Darien? Tadaa!" Nanlaki ang mata ko kasi si Red ang lumabas kasama si Ranz.
"Hello Miles." Si Red.
"Waaaa! Miles!" Sigaw ni Ranz at niyakap ako.
Natawa nalang ako sa kanya.
"Kasama kami dito! Ang saya!" Sabi pa niya.
"Masaya akong nandito kayo." Sabi ko.
"Okey let's start the taping! Pumasok na ang mga a acting ngayon." Sabi ni Miss Pres.
At ang scene ngayon ay sa pauwi na kami ni Derien galing nung nakita daw niya ako sa bayan.
"Salamat dahil hinatid mo ko at dinala mo ko sa bahay niyo." Sabi ko sa kanya. Assume na nanggaling nako sa bahay nila at nakilala ko na ang mama niya.
"Okey lang yun. Kinagagala kitang makilala. Lady Nice." Sabi niya.
"Ako rin." Sabi ko sa kanya.
At pumasok na ko sa bahay.
Nang makita ko si Kuya Lester...
"Kuya Lester?" Takang tanong ko.
"Nice, anong nangyari sayo? At di Lester pangalan ko dito noh Kuya Leslie mo ko dito sa story." Mahinang sabi niya sa huli. Natawa nalang ako.
"Ah nawala ako sa kakahuyan... mabuti nakita ako nung lalaking nakakapa ng itim at si Derien." Sabi ko. Napatango lang siya at niyakap niya ako.
"Salamat at ayos ka lang." Sabi niya.
Forward...
Graduation....
Sinundan ko yung rabbit para akong si Alice in Wonderland nito oh. Bakit rabbit ibang hayop yun eh... nakalimutan ko.
Sa kakasunod ko hanggang sa mapunta ako kung saan nandun si Blaze na natutulog sa ilalim ng puno.
Nagkatitigan kaming dalawa. Wag kang magpapaapekto!
"A-anong ginagawa mo jan? Magnanakaw ka noh?" Sigaw ko kaya napamulat siya.
"Oh, ikaw nanaman?" Sabi niya.
Tumayo siya kaya napaatras ako siya naman umaabante. Naalala ko yang mask niya sa baba niya at ang kanyang mga mata lang ang nakikita ko.
"Di ko pa nakakalimutan yung iniwan mo ko doon sa bayan." Sabi ko sa kanya. Hanggang sa napahinto siya dahil na corner na niya ako. Ang lapit ng mukha naming dalawa.
Lublublub...
Please... lumayo ka saakin.
"Ginawa ko yun dahil alam ko na may makakita sayo doon at hindi doon sa kagubatan." Sabi niya at eye to eye contact kami ha.
Ang lalaki ng pawis ko....
"Cut! Good job guys!" Sabi ni Miss Pres.
Napalayo nako sa kanya. Tumalikod nako tinawag niya kasi ako pero di ko siya pinansin.
"Ito tubig oh." Binigyan ako ng tubig ni JR. Nagpasalamat naman ako. Nakita ko na nakatitig si Blaze saakin at masama niyang tiningnan si JR. Inaasikaso din pala siya ni Marga.
"Gusto kong magpahinga. JR." Sabi ko tumango naman siya.
At lumakad na kami paalis doon at humiga nako sa kama ko dito sa loob ng sasakyan.
"Ayos ka lang ba?" Sabi niya saakin. Tumango ako at humiga sa lap ni JR.
"Hayaan mo kong matulog... pwede ba?" Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at hinaplos ang mga buhok ko.
Napag isip isip ko na bibigyan ko ng chance si JR.... pero feeling ko parang pinapaasa ko lang siya.
Pero gusto ko na siyang kalimutan.
Hanggang sa makatulog nako.
Mga ilang araw na kami dito sa palasyo at ang taping ngayon ay ang pagiging crown princess ko at ipapakasal na ako kay Prince Won.
Naglakad nako at nakasout ng wedding gown. Yung gown noung unang panahon dito sa korea.
At kitang kita ko na si Blaze na nakatingin saakin ng diretso walang kurap kurap.
Inaalayan ako ng mga maid ko kuno.
Hanggang sa nasa harapan ko na si Blaze. Ganitong ganito yun bago ako nawala di ko na alam ang susunod na mangyayari at nalaman ko lang yun nang dahil sa script.
Lumuhod na kami at yumuko mukhang alam na alam talaga namin ang ginagawa namin dahil di man lang kami tinuruan ng mga tao dito. Follow lang ako kay Blaze. Alam niya talaga ang ginagawa niya.
Pero ang hindi ko maintindihan... may naalala siya sa nakaraan? Ano toh namatay siya tapos nabuhay tapos nagka amnesia?
Hindi naman pwede yun... baka natulad saakin na pumunta sa padt then na aksidente then nagka amnesia.
Pwede...
Natapos ang kasal namin at kinut na yun ni Miss Pres.
"Bagay talaga kayo!" Tili ni Miss Pres. Napangiti nalang ako. Nagrest muna ang ibang characters at ako nagpasyang pumunta sa may garden at umupo doon.
Masaya ako dahil nakasout muli ako ng damit na ito yung pangkasal sa past.
"Ito ang sout ko bago ako bumalik dito sa future." Napaisip ako nung nangyari noon.
"Nice..." nanlaki ang mata ko dahil sa may tumawag saakin.
"Ikaw si Nice tama... ang totoong Nice?" Sabi niya. Dahan dahan akong napatingin sa kanya.
At nasa harapan ko na siya. Aatras sana ako ng nahawakan niya ang bewang ko kaya napalapit ako sa kanya kaya heto magkadikit ang katawan namin.
"W-wala tayo sa taping bakit mo ko tinatawag na Nice?" Kinakabahang sabi ko.
"I know na ikaw yan.... My Nice." Nanlaki ang mata ko. Naalala na niya ako....
"Anong pinagsasab...." nanlaki muli ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Dahil hinalikan niya ako sa labi.
"Magsinungaling ka pa." Banta niya.
Napayuko ako.
"Ikaw si Queen Nice tama?" Sabi niya at tumango ako. Nabigla ulit ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.
"Di na kita bibitawan pa..." hindi pwede toh. Tinulak ko siya kaya napahiwalay kami. Nagulat naman siya sa ginawa kong pagtulak sa kanya.
"Wag ganito... masasaktan lang tayo pareho... iba ang ngayon sa nakaraan. May fiancee ka na wag mo na akong isipin.. kalimutan mo na ako." Sabi ko sa kanya. Di padin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko.
"Ikaw ang mahal ko noon pa man, hindi si Marga. Mahal mo pa ako diba? Diba?" Hinahawakan na niya ang kamay ko. Napapikit ako at umiling.
"Hindi... nagmove on nako." Sabi ko.
"Kahit anong gawin mo... akin ka lang at walang ibang magmamay ari sayo. Akin ka lang." Sabi niya at hinalikan muli ako.
Napatulo ang luha ko dahil aaminin ko mahal na mahal ko talaga siya.
Humiwalay ang mga labi namin at tiningnan ang isat isa.
"I love you so much..." sabi niya at niyakap niya ako. Pero aaminin ko mahal ko din siya kaya ko ito ginagawasa kanya. Di ko alam ang mangyayari saamin nito...
Bumalik kami sa taping area at siya parang walang nangyari at ako nakayuko lang.
Naalala ko ang sinabi niya saakin bago kami pununta dito.
"Wag mong sabihin sa iba na bumalik na ang alaala ko. Ako na mismo ang sasabi sa kanila. May tinitingnan lang naman ako." Sabi niya. Tumango nalang ako.
"Okey ka lang?" Tanong ni Ranzzel saakin. Umiling ako.
"Ranz, ano ang mas pipiliin mo ang utak mo na nagsasabi ng makakabuti sa inyo o ang pusong may mga masasaktan." Sabi ko sa kanya.
"Saakin lang... kung ano ang ikakasaya mo. Ang magmahal o ang masaktan." Sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. At napansin ko na tumingin si Blaze saakin.
Ano nga ba ang pipiliin ko? Ayokong may masaktan ng dahil saakin... pero kung yun lang naman ang ikakasaya ng puso ko... di ko na iisipin ang mga masasaktan dahil sa simula palang ako na ang nasasaktan sa ginagawa ko sa sarili ko.
****
LMCD