Kinabukasan ay maaga pa lamang ay nasa opisina si Dom. Kailangan niyang maghanda dahil nalalapit na ang gagawin nilang quarterly conference with the share holder ng kompaniya nila. Kahit paano ay hindi na niya problema ang nawala nilang kliyente sa kapabayaan ng ilang tauhan niya. Nakakuha ulit siya ng isang endorsement. Kainaman pa ay mas malaki ang offer ng bago nilang kliyente. Kampante naman siya sa research team niya na magagawa nila ng maayos ang hinihingi ng kanilang kliyente lalo pa at nakikitaan niya ng talento ang bagong graphic artist. Nang maalala ang lalaki ang hindi niya maiwasang mapangiti. Naalala kung paano siya nito pinaligaya sa nagdaang gabi. "Mukhang may nagpapangiti sa Kuya ko ah," basag na tinig na nagpapalis sa matamis na ngiti sa labi. Nakita si Maine na noon ay