When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Mabuti na lamang at saktong paparating na ang in-order niya at nagtataka man ang waiter ay agad na sinalubong ito. "Ma'am, S—sir?" habol nito na hindi malaman kung paano siya tatawagin nito nang kunin ang dala nito. Wala siyang time para makipag-usap pa rito. "Ma'am," habol pa rin ng waiter. "Kuya, bayad na ako!" turan pa dito. "Ma'am," ulit nito na hawak ang kamay niya. "Ano ba Kuya, hindi tayo talo! Lalaki ako!" giit rito na kinakamot ng batok nito. "S—sir," alanganing turan nito. "Hindi po kasi inyo iyan. Iyon pa lang po ang inyo," anito sa kasamang palabas sa counter. "Bakit hindi mo agad sinabi!" aniya rito saka mabilis na binalik ang dala at sinalubong ang isang waiter na may dala ng order niya. Gaya ng una ay mabilis din iyong kinuha sa tray na dala nito at agad na sumibad.