#ThatGuy EPISODE 35 Nagtungo ako sa dining area kahit na medyo masakit pa rin ang ulo ko. Nakaramdam kasi ako ng gutom kahit na parang wala akong ganang kumain. “O Anak… Halika na at kumain ka na. Sabayan mo na kami ng Papa mo...” ang sabi ni Mama ng makita niya akong nakarating na sa dining area. Kasama nito si Papa na kasalukuyang kumakain na rin ng almusal. Pareho ng nakasuot ng mga office attire ang mga ito at after ng almusal ay ready ng umalis ng bahay. “Oo nga anak…” sabi ni Papa na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Tipid akong napangiti sa kanila. Umupo ako sa upuan na nasa kanang bahagi ng mesa, katabi ko si Mama habang si Papa naman ay nasa tapat namin. Napatingin ako sa mga nakahain na pagkain. Parang hindi ko gusto ang mga pagkaing nakahain kahit