#ThatGuy EPISODE 33 Tahimik ako habang inaayos ko ang mga gamit ko at ipinapasok sa may bagpack ko. Nasa loob na kami ngayon ng hotel room namin. Ako ay nakaupo sa kama habang nag-aayos habang si Timothy naman ay nakaupo sa isang upuan at nakikita ko mula sa periphial vision ko na nakatingin siya sa akin. “Galit ka pa rin ba?” narinig kong tanong niya. Hindi ko siya pinansin. Talagang pinanindigan ko na kunwari ay galit ako kaya kanina ko pa siya hindi pinapansin. “Uy! Pansinin mo naman ako…” sabi nito. Again, hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan. “Sorry na… Gusto ko lang naman kasi na marinig kang kumanta kaya pinilit kitang pakantahin…” “At sa harap pa ng maraming tao? Iyon ba ang gusto mo?” malamig ang boses ko na tanong ko sa kanya. Whew!