EPISODE 49 Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos ng mga tagpong iyon. At tulad ng inaasahan, tuluyan na kaming hindi nagpansansinan ni Timothy. Tuluyan na siyang lumayo hindi lamang sa akin kundi pati na rink ay Sophia na lagi ko namang kasama ngayon. Siguro nga, masyado siyang nagalit sa akin dahil sa naging kami nga ni Sophia dagdagan pa na nagtapat ako sa kanya ng totoo kong nararamdaman. Napabuntong-hininga ako. Nakatingin ako ngayon kay Timothy na nakaupo na sa ikaapat na row at mag-isang nagbabasa. Hindi ko alam kung wala lang ba rito ang nangyari o sadya lang siguro nitong kinakalimutan ang lahat. Pansin ko rin kasi na parang nanumbalik ito sa dating siya, tahimik at laging nag-iisa. Iyon ba talaga ang gusto niya? ‘Yung wala na ako lagi sa tabi niya. Muli akong na