CHAPTER SIX

501 Words
ZARINA POINT OF VIEW Kinabukasan ay umalis agad ako sa kumpanya. Hindi ko pala kaya maghiganti. Hindi pala madali 'yung pinapanuod sa TV, na kapag maghihiganti sila ay nagagawa nila nang maayos. Mahirap pala sa totoong buhay. Mabuti na lang at bumukas na agad 'yung elevator noong mga oras na 'yon. Nakalabas agad ako nang hindi sumasagot. Shemay na Ivan na 'yan. Haysssssttt! Makabalik na lang sa pagiging waitress. Mas matatahimik pa ang buhay ko. Best, Lily, sorry. IVAN POINT OF VIEW "Siya ang bago kong secretary?" taka kong turo sa babae sa harapan ko. "Yes, sir," sagot ng HR head. Napakunot ako ng nuo sa pagtataka. "Si Zarina nasaan?" masungit kong tanong bago tumayo nang maayos sa harapan nila. Nasindak silang dalawa at nagkatinginan. Natakot ba kahapon sa akin si Zarina? "Nag-resign po siya kahapon," sagot niya. "Ano?!" gulat na sigaw ko at napaatras naman silang dalawa. 'Yung babae na 'yon. Pagkatapos niya kong hindi patulugin gabi-gabi kakaisip sa kanya tapos konting kibot lang nag-resign siya agad?! "Sige, lumabas na kayo." Pilit kong pinahinahon ang sarili ko habang naglalakad pabalik sa table. "Teka lang, pwede mo bang alamin kung saan na siya nagtatrabaho ngayon?" utos ko. "Si Zarina po?" tanong niyang pabalik. "Ay, hindi! Ikaw! Sige, alamin mo kung saan ka nagtatrabaho ngayon," sarkastiko kong sagot dahil sa sobrang inis kay Zarina. "Sorry, sir. Sige po, aalamin ko po agad," takot na sagot niya at lumabas na. ZARINA POINT OF VIEW "ZARINA!" Masayang yakap sa akin ng babaeng customer namin kaya nagulat tuloy ako. "Eliza?!" gulat kong sigaw at nagtatalon kaming dalawa sa tuwa. "Wahhh! Mukhang asensado ka na, ah!" biro ko sa kanya. Magkatrabaho kami dati ni Eliza sa isang fast food chain. Kaya naman nakakatuwa talagang makita siya ngayon. "Hindi naman! Ikaw talaga!" pa-humble niyang sagot habang ngiting-ngiti. "Ay, nga pala! Si Jericho, asawa ko," pakilala niya sa kasama niya. "Wow, ang gwapo naman pala ng napangasawa mo," hangang-hangang sabi ko sa kanya. "Hindi naman mukha nga siyang unggoy, e," pabiro niyang bulong na ikinatawa ko nang mahina. Tumawa rin siya at tinapik ako. "Grabe ka naman sa asawa mo. Kagwapo tapos tatawagin mo lang na unggoy?" nakatawa kong sabi. "Buti pa siya naa-appreciate niya ang kagwapuhan ko," kunwaring mataray nitong sabat at inirapan si Eliza. Hahaha. Nakakatuwa silang dalawa. "Tapos pala, ito naman si Kaizer, panganay namin. Si Elize naman ang prinsesa namin," pakilala niya ulit. "Grabe, nakaka-inggit ka naman. Kay cu-cute nila," tuwang-tuwang sabi ko. "Mag-asawa ka na rin kasi," suggest niya sa akin kaya naman napatigil ako sa pagpisil ng pisngi ni Kaizer at bumalik ng tingin sa kanya. "'Yon na nga, e. Hindi pa dumadating 'yung para sa akin. Naligaw yata kaya natagalan," nakabusangot kong sagot. "Choosy ka lang kamo! Hahaha!" IVAN POINT OF VIEW "Waitress sa isang restaurant?! Pinagpalit niya ang trabaho niya para maging waitress?!" gulat kong sigaw habang nagda-drive. Grabe ka talaga, Zarina. Iba ka talaga. "Ipinagpalit ang trabaho sa isang magandang kumpanya para lang maging waitress ulit?!" naaasar kong ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD