CHAPTER SEVEN

745 Words
IVAN POINT OF VIEW "Baka naman kasi natakot mo?" "O kaya ayaw niya lang talaga sa'yo." Nagtatawanan na sabi nila Clyde sa akin habang nag-iinuman kami sa bar. "Ano naman ang aayawan niya sa akin? Gwapo ako, mabait at mayaman." Pagmamayabang ko. "Baka ayaw niya sa gwapo. Gusto mo basagin natin 'yang mukha mo?" kadarating na sabat ni Jericho. "Hindi ba magagalit ang asawa mo? Nandito ka pa, gabi na." Pang-aasar ko rin sa kanya. "Hindi, 'no! Saka kasama niya ngayon 'yung kabarkada niya dati. Nagkita sila sa restaurant at ayon, napagkatuwaan na doon na sa amin patulugin para raw magka-bonding sila." "Wawa naman pala ng bata. May abala sa kanila," natutuwang biro ni Clyde kay Jericho. "Hindi, 'no. Ayos nga 'yon at may nakakausap siya ngayon. Ay, alam niyo bang maganda rin 'yung kaibigan ni Eliza? Gusto niyo ipakilala ko kayo? Nang magkaroon naman na kayo ng girlfriend." Pagmamayabang niya pa sa amin. "May girlfriend kami, 'no! Itong si Ivan na lang ang ipakilala mo kesa hinahabol pa 'yung secretary niya." Tulak sa akin ni Christian. "Grabe naman! Makahabol ka naman! Ginawa mo kong aso!" angal ko sabay lagok ng alak. JERICHO POINT OF VIEW "Uy, Jericho! Sa'yo mo na isama 'tong si Ivan," utos ni Clyde. "Sa'yo na!" angal ko. Nagpakalasing kasi hindi naman pala kaya. "Sa akin na nga 'tong si Christian, e! Kung gusto mo sa akin si Ivan at sa inyo si Christian. Ano?" angal niya pabalik at binigyan ako ng mapang-asar na ngisi. Syempre, ako na naman ang talo. "Oo na! Sa akin na si Ivan. Mamaya gapangin pa niyang si Christian 'yung asawa ko," bulong ko sabay irap sa kanya. Hinila ko papuntang sasakyan si Ivan. "Grabe, ang bigat," angal ko nang maisakay ko na si Ivan. ELIZA POINT OF VIEW "Sa itaas ka na matulog. May extra room naman kami doon." Pagpilit ko sa kanya habang naglalatag siya sa sala ng mahihigaan. "Ayos lang talaga ko dito. Mukhang bago pa 'yong kwarto. Nakakahiyang basalan," nakangiti niyang sagot. "Sige, ikaw ang bahala," walang magawang sabi ko at tinulungan na lang siyang maglatag. JERICHO POINT OF VIEW "Hon, gising ka pa?" tanong ko habang yumayakap mula sa likuran niya. "Oo, buti naman at nakauwi ka na," nag-aalala niyang sagot at hinarap ako. "Good night, hon," sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Napagod ako kay Ivan -_- Uminom-inom kasi ng marami. Hay, nako, tuloy wala na kaming time ni Piglet ko. ZARINA POINT OF VIEW "Eliza, sige na, iwan mo na ko. Pumanik ka na sa kwarto niyo," naalimpungatang sabi ko nang may yumakap sa akin. Hay, eto talagang babae na 'to ang sweet-sweet. Ayaw pa kong iwan dito. Tinabihan pa talaga ako. "Eliza... Hahaha! Lubayan mo nga 'yan..." nakikiliting angal ko sa kanya. "AAHHHHHHHHHHH!!!" sabay naming sigaw. "Aray! Aray!!!" angal niya nang sapok-sapukin ko siya. ELIZA POINT OF VIEW "AAAHHHHHH!" "Ano 'yon?!" Mabilis kaming napatayo ni Jericho nang may sumigaw nang malakas. Bumaba kami sa sala at nakita namin si Zarina na sinusuntok si Ivan. "Jericho, bakit nandito si Ivan?" nagtatakang tanong ko. "Ano kasi . . . teka lang." Nagmamadali siyang tumakbo at pinaglayo 'yung dalawa. "Bakit nandito 'yan?!" naiinis na sigaw ni Zarina kay Ivan. "Kilala mo?" nagtatakang tanong ko. "Ikaw, bakit nandito ka?!" sigaw pabalik sa kanya ni Ivan. "Teka, teka!" Pagpapahinahon naming dalawa ni Jericho sa kanilang dalawa. ZARINA POINT OF VIEW "Bakit ba nagsisigawan kayo?" mahinahong tanong sa amin ni Eliza. "Paano kasi minamanyak niya ko kanina!" sigaw ko habang nakatingin nang masama kay Ivan at tinatakpan ang sarili ko. "Ano?! Wala akong ginagawa sa'yo, ah!" kunyari pang walang alam niyang sagot kaya lalo akong nainis. "Ikaw!" nagtitimping sigaw ko. "Insan, ba't kilala mo siya?" tanong ni Jericho sa amin. JERICHO POINT OF VIEW "Oo, siya nga ang dahilan kaya naglasing ako, e!" walang kaalam-alam na sigaw ni Ivan sa amin. Ang hirap ng lasing, 'di ba? Hindi mo napipigilan ang sarili mo. "Anong ako?! Tingnan mo, Eliza! Sinisisi niya pa ko!" angal naman ni Zarina. Tumingin ako kay Piglet na nag-aaya na pabalik ng kwarto. "Teka, saan kayo pupunta?!" sabay nilang tanong sa amin. "Ahm, umiiyak kasi si Elize, e. Ipagtitimpla lang namin ng gatas," palusot ni Piglet sa kanilang dalawa. "Sure ka bang ayos lang kung iwan natin silang dalawa lang do'n?" nag-aalangan na tanong ko. "Oo, hayaan natin silang makapag-usap," natutuwang sagot niya kaya napatango na lang ako habang sumusunod. Grabe, tadhana nga naman. Kapag nagbiro talaga, hindi mo matatakasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD