C 2

1134 Words
Ang bawat araw ko ay masaya salat man kami sa materyal na bagay ang tanging mahalaga sa akin ay makatapos ng pag-aaral para maiahon ko ang pamilya ko kahit paaano. Gusto ko nga rin sana maka jackpot ng afam katulad ng anak ng kapit bahay namin sa nayon na si Aling Maritess, 'di hamak naman na mas maganda ako sa anak non. "Nay, Itay sasama po ako sa bukid." paalam ko sa mga magulang ko. Kaso sinabi ni Itay na; "Hwag na anak mag-aral ka na lang dyan ha. Kaya wala na lang akong nagawa kundi sumunod sa palaging gusto ng aking mga magulang. Hanggang sa isang araw nagkaroon ng malubhang sakit ang Itay at dinala sa ospital. Malaki laki ang kailangan naming pera para sa kan'yang operasyon at hindi alam ni Inay kong saan niya kukunin ang perang gagamitin sa pagpapa ospital ng aking Itay. Nang minsang galing ako sa paaralan nakasalubong ko si Aling Doris na patungo sa Nayon. Pinakatitigan niya ako hanggang sa nag alok ito sa akin ng trabaho abroad pagka graduate ko ng High School. Saka ko na iisipin ang Kolehiyo kapag nakaipon na ako ng malaking pera sa abroad. Ang tanging mahalaga sa akin ngayon ay matustusan ko ang pangangailangan ng aking Itay at mga kapatid. Araw nang aking pagtatapos sa High School at katulad ng pagtatapos ko noon ng elementarya bilang Valedictorian muli akong pinangaralan ng aking mahal na paaralan na nagtapos nang may mataas na karangalang banggit. Masaya ako na malungkot, dahil wala ang mga magulang ko para saksihan nila ang aking pagtatapos. Mabilis na lumipas ang mga oras at araw hanggang sa naging buo na ang pasya ko na sumugal sa abroad sa tulong ni Aling Doris. Ayaw man ng Inay ko, pero kailangan kong gawin ito. Ako na lang ang makakatulong sa kanilang lahat. Nang gabing kumakain kami ng hapunan nila Inay at ng aking mga kapatid, nabanggit ko dito ang plano ko. "Inay, hindi na muna ako magkokolehiyo ha. Magta trabaho muna ako bilang baby sitter sa abroad. Para makatulong ako sainyo sa gastusin sa bahay at sa gamutan ni Itay." ani ko. "Mera, anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Mahirap magtrabaho sa abroad anak, baka mapahamak ka lang." nag-aalalang wika ni Inay. "Naku! Inay, hindi mangyayari sa akin po 'yan. Ako pa ba, hindi nila ako maloloko ng ganon ganon na lang. At isa pa Inay kaya ko ho ang sarili ko." sagot ko kay Inay para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "Anak, mag-iingat ka don. Palagi kang tatawag sa amin ha." bilin ni Inay at sa wakas pumayag na rin siya. Araw ng linggo ngayon ang araw na susunduin ako ni Aling Doris sa bahay gamit ang sasakyan nitong Van. Nagpaalam na ako kay Inay at niyakap ko siya ng mahigpit maging ang mga kapatid ko. "Magpapakabait kayong lahat kay, Inay ha. Ikaw Miling makikinig parati kay Inay. Hwag munang magnonobyo ha." naiiyak na bilin ko sa dalagita kong kapatid. "Inay, kayo din po mag-iingat kayo ha." wika ko. Bago tumalikod at walang lingon lingon na sumakay ng Van. Nagulat ako na halos lahat kami mga kabataan na nasa loob ng Van. Medyo kabado ako, pero iwinaksi ko na lamang ang mga agam-agam ko. Nang tumigil ang Van at umihi ang driver naiwan kami sa loob at rinig na rinig ko ang sinabi ng naiwan na lalaki may kausap kasi siya sa cellphone. "Madam mga sariwa ito at batang bata panigurado tiba tiba kayo dito sa mga parokyano." nakangising wika ng lalaki na sa kutob ay may masamang balak sa amin. "Oo, madam mga disi otso lang ito kaya titirik at maglalaway ang mga mata ng parokyano." dagdag pa niya. Hindi ako tanga sa mga naririnig ko. Hindi abroad ang punta namin kaya bago pa nila kami madala sa kong saan pa man kailangan ko ng kumilos. Kaya naka isip ako ng paraan. At tamang tama nauutot ako kaya walang pakundangan akong umutot sa kanila. "Prrrrrrtttttttt!" "Ano 'yon?! Bakit ang baho?" pagalit na tanong ng lalaki. "S...Sorry po kuya, 'di ko na po napigilang mapautot at natatae na rin po ako." prangkang wika ko. At wala akong paki alam sa iisipin pa niya o ng iba ang tanging mahalaga sa akin ng oras na 'yon at makatakas. "Ano ba yan ang baboy mo naman. Ke ganda mong bata ang baboy naman." reklamo nito. Sabay sama ng tingin sa akin. Nang pumasok na ang driver paalis na sana kami ng sumigaw ako. "Waaaaaah! Ang sakit ng tyan ko kuya natatae na talaga ako." paki usap ko at sinadyang yumuko kasabay ng pag hawak ko sa tyan ko para mas kapani paniwala ang sakit na nararamdaman ko. "Ano!??? Tiisin mo muna yan, mahuhuli na tayo." bulyaw nito sa akin kaso hindi ako nagpatalo dito mas nilakasan ko pa ang iyak ko hanggang sa marinig ko na sinabi nito; "Sige, sige, bilisan mo lang. Toni, paki samahan nga 'to kong saan ka nag cr." utos niya sa driver. Pakamot kamot naman ng ulo ang driver na mukhang nainis pa. Kaso wala siyang magagawa kasi inutusan siya. "Sige, bilisan mo lang bata." yakag nito sa akin. Nagmamadali akong bumaba at sumunod dito. Nakita kong pumasok siya sa sa isang eskinita imbes na sumunod ako dito inantay kong tumalikod ang lalaki sa Van sabay kumaripas ako ng takbo at nagtago sa mga puno sa gilid. Narinig ko pa ang malutong na mura ng driver. "Putang-na! Nasaan ang bata, natakasan ako." malakas na sigaw nito. Ngunit hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy ako sa pagtakbo palayo sa lugar na 'yon hanggang sa nakarating ako sa kabilang dulo. Naglakad lakad ako palayo sa nilabasan ko hanggang sa nakalayo na nga ako. Napaupo ako sa batuhan at nagpahinga muna sandali. Medyo gutom na rin ako, dahil magda dalawang oras na akong naglalakad. Nang maka kuha ng energy ulit tumayo ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa mapadpad ako sa isang karinderya. "Ate, pahingi po ng pagkain. Maawa na po kayo at gutom na gutom na po ako." paki usap ko sa tindera. Kaso masama pala ang ugali nito at sinabuyan pa ako ng tubig. "Tsuuu! Alis, umalis ka mamalasin pa ang mga tinda ko sayo. Alis, don ka sa malayo." masungit na wika nito sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi umalis ng itaboy ako nito. Naiiyak ako sa nangyayari sa buhay ko kaso wala akong magagawa. Hindi ko naman alam pauwi sa amin at lalong wala akong kapera pera kaya nagtatakbo ako hanggang sa hindi ko namalayan ang sasakyan na parating kaya nabangga ako.. Tumilapon ako sa kalsada at bago ako mawalan ng malay isang magandang ginang ang nakita ko na sumisigaw. "Help, help meeeee!" wika nito hanggang sa mawalan na ako ng ulirat at hindi ko na alam ang nangyari pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD