C 1
MERACLE
Mera
Meracleeeeee!!"
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ng aking Inay na ginigising na rin pala ako para sa unang araw ng pasukan ko sa High School. Huling year ko na sa Malolos High School kaya dapat pag igihan ko kasi kong hindi wala akong scholar na matatanggap na magiging susi ko para makapag aral ako sa Kolehiyo. Pangarap ko pa naman maging isang guro kaya kailangan kong pag igihan ang pag-aaral ko, dahil ako ang panganay sa anim kong mga kapatid. Hindi naman mahilig ang mga magulang ko sa pag gawa ng bata. Parang mga pimples ko lang rin ang pag dami naming magkakapatid. Sabi pa nga ni Inay taon taon raw siyang nanganganak kaya nga sunod sunod kami mabuti na nga lang ay may minana ang Itay sa mga magulang niya na kaunting lupain para sa pagsasaka at ilang pananim na aming pang kabuhayan.
"Inay, nar'yan na ho." malakas na sagot ko para marinig ako ni Inay, sapagkat nasa itaas ako ng second floor ng bahay namin. Joke lang! Wala kaming second floor may double deck lang at nasa itaas ako. Inayos ko muna ang mga higaan ko at isinalansan ko ang mga unan at kumot na ginamit ko sa pag tulog. Bago ako bumaba ng makipot na hagdan na gawa sa kahoy ng aking masipag na Itay.
Nagtungo ako sa likod palikuran para maligo. Nasa likod ang aming liguan at kailangan pang mag bomba sa poso. Ganito kahirap ang buhay na meron kami sa Bulacan. Kaya nga hindi ako basta basta nagpapaligaw sa kahit sinong mga taga bukid na taga sa amin. Hindi naman sa ang papangit nila may ilan namang gwapo kaso hindi talaga sila ang pangarap ko.
Pangarap kong maka bingwit ng kano para naman maka ahon kami sa kahirapan. Hindi naman siguro masamang mangarap basta hindi naman sa masamang paraan. Sa edad na disi syete anyos sabi nila may kakaiba na raw akong hubog nang pangangatawan na halos lahat yata ng kalalakihan ay mapapalingon sa angkin alindog at karisma na aking taglay. Madalas nga akong pinag mumulan ng away ng ilang kalalakihan kapag nalalaman ng ilan na pinopormahan ako ng kaibigan o kamag anak nila.
Pag tapos kong maligo nag bihis na rin ako ng uniporme ko sa paaralan. Kahit mahirap ang buhay na meron kami likas pa rin sa akin ang pagiging masiyahin at palangiti. Bless pa rin naman maituturing na may buo akong pamilya at nakaka kain rin naman kami ng tatlong beses sa isang araw at may pa meryenda pa naman na mais o 'di kaya'y saging na saba ang Inay kapag maraming aning palay na naibenta sa bayan.
"Inay, papasok na ho ako." paalam ko sa aking mahal na Inay.
"Sige anak, mag-aral kang mabuti ha." paalala ni Inay mula grade one pa lang ako at hindi ko na nga nalimutan pa.
"Oho, Inay, alam ko na ho yan. Memoryado ko na po." nakangiting sagot ko.
Matapos kong magpaalam kay Inay isinukbit ko na ang bayong kong gamit sa pagpasok sa paaralan. Ayan lang ang tanging meron ako sa ngayon para pag lagyan ng mga gamit ko sa eskwelahan na gamit ko pa yata mula first year high school ako.
Lumabas ako ng bahay namin at naglakad patungo sa aking paaralan. Mahigit isang oras ang lalakarin ko makapasok lang sa paaralan. Wala naman kasi kaming sasakyan at mas wala akong pamasahe para sa sikad sikad kaya hinayaan ko na lang rin at exercise ko na lang rin ito.
Panay takbo ko na nga nang malapit na ako sa gate ng aming paaralan. At tanaw ko na si Tonyo na security guard ng aming paaralan na may gusto rin sa akin. Nasa bente anyos na ito, mabait naman siya kaso hindi talaga pwede.
"Mera, late ka na yata. Naglakad ka na naman ba?" tanong nito sa akin.
"Oo e, alam mo naman maraming gawain sa bahay." sagot ko dito. Pero ang totoo alam naman nito ang dahilan. Kanina kasi nakita niya ako na naglalakad sakay ng motor niya inaya naman niya ako kaso ayoko. Ayokong pakitaan siya ng pag-asa na katiting, dahil ayokong paasahin siya sa wala.
"Hmmm! Kanina kasi inalok na kita ayaw mo pa din. Hindi naman na ako manliligaw pa sayo. Sa katunayaan niyan may nobya na rin ako si Jen-Jen." sagot nito at mukha naman na masaya siya.
"Talaga ba. Mabuti naman may nobya ka na. Masaya ako para sainyong dalawa Tonyo. Sige na at mauuna na rin ako at baka mahuli na talaga ako sa klase kong magtatagal pa akong kausapin kita." paaalam ko rito. Sabay lakad papalayo sa kan'ya.
Pagpasok ko sa classroom. Wala pa ang teacher namin. Kaya naupo na ako sa upuan ko at heto na naman si Migo na makulit rin. Alam ko na mayaman ang angkan nito kaya lang naman ito nag enroll sa aming paaralan kasi pinarusahan ng magulang niya. Bolakbol kasi ito at naka dalawang ulit na sa fourth year high school kaya umaasa ang kan'yang magulang na magtitino na siya, dahil nilipat na siya sa public school.
"Hi! My pretty Mera. How is your day?" bati nito sa akin.
"Hmmm! Hindi maganda kasi tumabi ka sa akin." masungit na sagot ko sabay bukas ng bag at kuha ng libro. Mag aaral na lang muna ako habang wala pa ang guro namin at baka biglang magpa recitation ito at may maisagot man lang ako.
"Sungit mo talaga. Mayaman naman ako, bakit ba ayaw mo sa akin. Gwapo rin naman at matalino." mayabang na wika nito at talagang nag buhat pa ng bangko. Ibang klase rin talaga ito.
"Migo, wala akong paki alam kong mayaman, gwapo, matalino ka. Ang gusto ko umalis ka sa tabi ko at ini istorbo mo ang pag-aaral ko." masungit na sagot ko rito. Nakita ko naman na sumimangot ito at tumayo sabay lakad pabalik ng upuan niya.
Nang maka alis na ito sa tabi ko bumalik ako sa pag-aaral hanggang sa dumating na rin ang guro ko at nag lecture na rin.