C4

1014 Words
One week later at tuluyan na akong gumaling at tulad nang gusto ng batang si Sammy na ako ang maging Nanny niya tinupad ko ang hiling niya. Ngayon nga tinawag ako ni Auntie Aurora para kausapin daw sa magiging sahod ko at benipisyo. Kumatok muna ako ng tatlong beses at nang marinig ko ang boses nito. "Pasok ka, Mera." Pumasok naman ako sa loob at naupo. "Salamat sa pagtanggap ng trabaho. Siya nga pala gusto kong malaman mo na ang sahod mo sa pagiging Nanny kay Sammy ay 30,000 at may benefits ka pa. Anyway, ako ng bahala doon at hindi naman siya ikakaltas sa sahod mo at may Christmas bonus ka din na 15,000 kalahati ng sahod mo sa isang buwan. At sick leave kong may sakit ka. Okay ba sayo?" tanong nito sa akin. Hindi naman agad nakapagsalita si Mera sa gulat. "Heto ang aggreement and contract natin pakibasa at pagkatapos paki pirmahan kong okay na ba sayo ang lahat." tanong nito sa akin. Kinuha ko ang papel at binasa ko ito at pagkatapos agad na pinirmahan. "Opo, okay na po sa akin ito." sagot niya. "Okay, good. Welcome to our Mansion, Mera. And I hope hindi ka din lumayas katulad ng mga Nanny ni Sammy." sagot ng ginang. Kaya bigla akong na curious kong bakiy nga nagsisipag layasan ang mga Nanny ng bata. "Auntie, pwede po bang mag tanong kong okay lang po sainyo?" tanong ko dito. Habang inaayos niya ang mga papers ba pinirmahan namin kanina. "Oh! Sure. Ano bang tanong mo, Mera?" balik na tanong sa akin nito. "Maitanong ko lang po tungkol kay Sammy, kong bakit nalayas ang mga Nanny niya noon?" "Ah! Yon ba, pasaway kasi siya. Ang unang Nanny niya ay nahulog sa hagdan sa ika apat na baitang pababa. Sabi ni Sammy tanga tanga lang daw ito. Pero, sabi ng Nanny niya tinulak daw siya ni Sammy. "Ano po bang totoo talaga?" tanong ko at ngayon pa lang kailangan ko na pa lang ihanda ang sarili ko sa bata at magbaon ng maraming pasensya dito. "Hindi ko rin alam kasi wala ako nang nangyari. Nalaman ko na lang ng gusto ng umalis ng Nanny niya. At nasundan pa ng dalawa, tatlo, at apat na hindi nagtatagal ng isang buwan sa pag-aalaga sa kan'ya. Kaya ikaw ang pang lima sana lang hija hindi ka umalis. Hwag mong sukuhan ang apo ko. I think she's longing for her Mommy care, alam mo bang maagang kinuha ng nasa itaas ang Mommy ni Sammy kaya nga kami na ni Dominique ang nag palaki at nag-alaga kay Sammy." sagot ng ginang sa akin. "Sino po si Dominique, Auntie?" curious na tanong ko dito. Baka kasi asawa niya o lover. Ano bang alam ko, mas mabuti ng mag tanong kesa magkamali." ani niya sa isip. "Ah! He is my youngest son, sunod siya sa eldest daughter ko na namayapa na." sagot ng ginang na parang nagpipigil ng luha base sa boses nitong pumiyok pa. "Sorry po, kong naitanong ko pa, Auntie. Siya nga po pala nasaan si Sammy?" tanong ko. Hindi ko kasi siya nakita sa labas kanina. "Ah! Pumasok sa school mamaya parating na din 'yon." sagot ng ginang. "Ganon po ba, bakit po hindi siya hinahatid ng Nanny niya. Hindi ba trabaho niya po 'yon at magiging trabaho ko na din po." sagot naman niya. "Naku! Ayaw ng apo kong si Sammy na hinahatid sa school tanging driver lang nito ang nasama sa kan'ya. Ibaba lang siya ng gate pagkatapos aalis na rin kaagad." sagot ng ginang. "Ganon po ba, bakit daw po ayaw niyang magpahatid?" tanong niya ulit. "Because, she says that she's already a big girl now. Kaya ayaw niya at hindi ko na pinilit pa. Mahirap naman kasing pilitin ang bata ng ayaw nito." sagot ng ginang at hindi na rin nag tanong pa si Meracle dito. "Mauuna na po ako, Auntie." magalang na paalam nito sa ginang. Tumayo at naglakad palabas ng pintuan. Diretso ako sa kwarto ko para makapag ayos ng gamit ko na mga pinamili ni Auntie sa akin. Wala kasi akong kagamit gamit at naiwan ko sa Van. Hindi ko na rin binalikan pa 'yon. Ang mahalaga ay naka takas ako sa mga halang ang kaluluwan na 'yon. Pag may sahod na lang ako bibili ng telepono at para matawagan ko si Percy na sumunod sa amin siya ang may telepono kasi sa aming anim na magkakapatid at may galante siyang Ninang na nagta trabaho sa Canada. Nang matapo kong maisalansan ang damit ko at malagay sa mga lalagyan nila naupo muna ako at nag munimuni. Mamaya pa naman darating si Sammy ayon kay Auntie. Kaya nahiga ako at pumikit ang mga mata hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa ingay ng katok ng batang si Sammy. Napatayo ako ng biglaan. Naglakad para pag buksan ito. Nagulat ako ng yumakap bigla ang bata sa akin. "Ate Mera. I Miss You." wika ng bata. Hinaplos haplos ko naman nag ulo niya at sinabi na; "I Miss You, too." sagot ko. "Halika pasok ka at maupo ka dito." yakag ko kay Sammy at naglakad naman ito at umupo sa kama ko sabay nag talon talon gamit ang pwet-an niya. Naaliw naman akong tingnan siya sa ginagawa niya. Nakakatuwa talaga si Sammy sa kakulitan nito. Naalala ko tuloy si Cristy ang bunso kong kapatid na kaedaran niya rin. "Ate Mera, nag eat ka na po? I want to eat please join me?" alok nito sa akin. Hindi ko alam kong pag bibigyan ko ang batang si Sammy. Medyo naguguluhan kasi ako sa inaakto niya, sabi ng lola niya na masungit si Sammy sa mga Nanny niya kaya medyo naninibago ako sa pakikitungo ng bata sa akin. "Ate Mera, are you okay now? Nag heal na ba amg wounds mo?" tanong ng bata sa akin. "Opo, galing na sila. Sammy, mag eat ka na at mamaya pa kasi ako kakain. Bawal kaming sumabay sa mga amo namin." wika ko sa bata at bigla itong sumimangot na lang sa akin. Haixt!!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD