Zoe POV
“Nay Luz tingin mo magugustohan na eto ni Doc sungit?” Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kinain ni Doc Vince ang luto ko kahit sobrang alat at sunog eto. Ang pagkakamali ko lang hindi ko tinikman ang niluto ko kaninang umaga.
“Okay na Zoe. Ang sarap na kahit marami kang nasayang na gulay at karne sa kaka-praktis mo magluto” pang-aasar ni Maria.
“Tigilan n’yo si Zoe” pagsaway ni Nay Luz kay Maria at Lily na kanina pa ako inaasar na hindi ko naman kinaiinis, natutuwa pa nga ako. They helped me prepare the vegetables and pork. Makailang beses nila akong pinagtawan dahil sa pagmumura ko tuwing hindi ako nasasarapan sa niluto ko.
Buong araw akong nagpaturo kay Nay Luz na magluto. I can’t believe that I enjoy cooking and being Doc Vince's personal maid. Unang araw ko pa lang pero nagugustohan ko na ang simpleng buhay ko. Masaya ako sa mga kasama ko sa bahay; Nay Luz, Maria at si Lily ay masayang kasama.
“Zoe mukha ka talagang anak mayaman. Saka mas bata ako sa’yo pero magaling na ako magluto. Ang kutis mo napakakinis, panay English ka pa” turan ni Lily. Kanina niya pa ako pinagmamasdan.
“Mukha lang pero hindi ako mayaman”
Tanging si Doc sungit lang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Ayaw ko man na magsinungaling but I started loving to be Zoe na personal maid ni Doc Vince Mendez. Isang araw pa lang ako sa mansyon na eto pero kakaibang saya ang naramdaman ko sa simpleng mga bagay na ginawa namin nila Maria at Lily maghapon.
“Mas maganda ka pa kay Ma’am Agatha na ubod nang arte akala mo asawa na ni Señorito Vince kong umasta” turan ni Maria.
“Who’s Agatha?”
“Girlfriend ni Doc”
Natigilan ako sa ginagawa ko. Binitawan ko ang kutsarang hawak ko at humarap ako kay Maria at Lily. Hindi ko man lang inalam kong may girlfriend siya.
“What if hindi siya pumayag na magpakasal kami dahil sa girlfriend niya?” sigaw nang isip ko.
“Zoe ayos ka lang ba? Bakit nakatulala ka na?”
“Okay lang ako. May girlfriend talaga si Doc Vince?”
Gusto kong masiguro kong tama ang narinig ko.
“Bakit selos ka Zoe?” tanong ni Lily at malakas etong tumawa.
Sumimangot ako. Nakakaramdam na ako nang inis. I need to talk to Doc Vince. Ako na ang aalam kong may girlfriend na siya. Umalis ako nang kusina nang walang paalam. Malalaki ang hakbang ko patungo sa aking silid. Hindi ko alam kong bakit ako nagagalit na malamang may girlfriend si Doctor Mendez.
“Nakakainis dapat sinabi man lang niya na may girlfriend siya. Paano kami magpapakasal kong may girlfriend siya?”
Pabalibag kong binuksan at isinara ang pintoan ko. Nang makapasok ako sa loob ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Humiga ako patalikod sa pintoan,hinila ko ang kumot hanggang sa kalahati nang katawan ko. Maghapon akong naging abala sa loob nang mansyon ni Doc Vince, Alam kong marami akong nasayang na pagkain sa kagustohan kong mag-aral na magluto para sa kanya. I even cleaned his library.
“I better sleep, I’m tired. Maybe I’ll tell Daddy na may girlfriend na si Doc Mendez for sure hindi niya na gugustohin na maging asawa ko siya” I uttered.
Sa kaisipan na hindi ko siya magiging asawa nakaramdam ako nang lungkot……
“What the hell is happening to me?”
Sa buong buhay ko hindi ko pa nagawang mag-silbi sa isang tao at gumawa nang mga gawaing bahay. I was surprised that I like to be just in the house and do house chores. All my life wala akong ginawa kundi gumala kasama nang mga kaibigan ko.
Narinig ko ang pag-bukas nang pintoan ko. Pumikit ako at nagkunwaring tulog. Ayaw kong makipag-usap kahit kanino. Naririnig ko ang yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. Ilang sandali pa gumalaw ang kama, tanda nang pag-upo nang kong sino……
“Doc Vince” sigaw nang isip ko. Alam kong siya ang nasa silid ko dahil naamoy ko ang scent niya. Lumakas ang kalabog nang puso ko nang haplosin niya ang pisngi ko.
“I know your awake, Zoe”
Agad akong nagmulat nang mata. Nabungaran ko ang mukha ni Doc sungit na mariing nakatingin sa akin. Ang aga niya palang umuuwi. Bumangon ako at umupo sa kama. Bigla akong nakaramdam nang hiya, hindi ko alam kong ano na ang amoy ko. Hindi pa ako nakakapag-shower buong araw dahil naging abala ako……
“Kanina ka pa umuwi Sir Vince?” Ang nanulas sa bibig ko.
“I just got home” turan niya at tumitig sa labi ko. Lalong lumakas ang kalabog nang puso ko sa titig niya sa akin.
“Gusto niya na naman ba akong halikan?” sa isip ko.
“How’s your day?” tanong ko sa kabila nang malakas na kalabog nang puso hindi ako nautal na magsalita.
“It was good—except I miss someone”
Napasimangot ako. Na miss niya siguro ang Agatha na sinasabi nila Maria at Lily. Bigla akong nakaramdam nang inis.
“Lumabas ka na sir. Maliligo lang ako. After you eat I want to talk to you” Seryoso kong turan. Naiinis ako bakit kailangan niya pang sabihin na namimiss niya ang girlfriend niya.
“How’s your day?” tanong ni Doc Vince. Parang hindi nito narinig ang sinabi ko. Nakaupo pa rin sa kama at nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kong anong iniisip niya.
“I’m tired” turan ko dahil ‘yon naman ang totoo.
“I know. They told me you cleaned the library……And you learned to cook all day……Sabi din nila naubosan nang stocks kaya kailangan nilang mamili bukas”
An amused smile played across his lips kaya napatitig ako sa kanya……Hindi ko akalain na pabago-bago din pala nang mood ang isang Doctor Mendez.
“Bakit kinain mo pa rin ang niluto ko kaninang umaga kahit sobrang alat at sunog na ang longganisa?” tanong ko nang maalala ko ang nangyari kaninang umaga.
“Because you cooked it for me and I don’t want to hurt your feelings”
“Why is he so mabait and sweet today?” sa isip ko. Nakakakilig naman ang sinabi niya. Para akong teenager na nakarinig nang magandang salita mula sa hinahangaan ko. Hindi ako sanay na sa kabaitan niya……
“What the hèll is happening? Dapat ba lagi ko siyang ipagluto nang maalat na sinangag at sunog na longganisa para mabait siya?” Lihim akong napapangiti sa naiisip ko.
“Take a shower now. I’ll wait for you downstairs, I want to eat the food you cooked” He uttered.
Bago pa ako makapagsalita inabot niya ang labi ko at inangkin nang mabilis na nagpatulala sa akin. Tumayo si Doc Vince mula sa pagkakaupo sa kama. Ngumiti eto bago naglakad palabas nang silid ko. Nasundan ko pa ang bawat pag-hakbang niya……
“Nakakakilig ang ka-sweetan niya” turan ko nang makalabas si Doc Vince. Hinawakan ko ang labi kong hinalikan niya at pumikit ako……
“I’ll kiss you again if you don’t take a shower now”
Agad akong nagmulat nang mata. Bumalik si Doc at na nakatayo sa may pintoan na may nakakalukong ngisi……I felt a hot blush settle over my cheeks……