CYRIA Iniwan ako ni Dawson matapos na bitawan at pakawalan ang katawan ko na mahigpit na yakap nito kanina lang habang gigil na hinalikan ako. Habol ang hininga na lumabas ako ng tinawag niyang red room kahit hindi ko alam kung bakit pula since blue naman ang kulay ng ilaw sa loob. Daig ko pa ang bagong silang na sangol na hubo't hubad na naglakad palabas ng silid na pinasok ko at binalikan ang room kung saan unang pumasok si Dawson na may connecting door pala na connected galing sa silid na ito. "Nasa kabilang silid na ang mga gamit mo. Pinadala na dito ni Daddy," sabi ni Dawson ng abutan ko itong naghuhubad ng damit. "Bakit nasa kabila? Bakit hindi dito since ito naman ang silid mo?" nagtataka na tanong ko. Tinitigan lang ako ni Dawson ng matalim at itinuloy ang paghuhubad sa harap