DAWSON Kahit umiikot ang paningin ko ay pinilit kong maupo sa sofa. Napailing na lang ako ng makita ang madilim na mukha ni Zandro na alam kong maikli na naman ang natitirang pagtitimpi nito. Alam ko kung gaano kaiksi ang pasensya ni Zandro lalo na at may kinalaman ito pagdating sa asawa ko. I wonder kung bakit tahimik ito at hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang pangil knowing na hindi niya mahagilap si Cyria at sigurado akong ako ang pagbubuntunan nito. Hindi na ako magtataka ko kung bakit umuwi siya agad ng bansa at ngayon ay narito sa harap ko. Wala namang bago, eh. Kapag kasi si Cyria ang pinag-uusapan ay nagkukumahog talaga ang isang ito. "Hindi ka ba magpa-paliwanag o baka wala kang balak sabihin sa akin ang totoo ha, Dawson?" mariin na tanong nito. Saglit na pumikit ako pa