DAWSON Mabigat ang talukap ng mga mata at mahapdi ang lalamunan ng magising ako. Nanlalabo ang paningin na sinuyod ko ang buong paligid at napagtanto ko na wala ako sa loob ng penthouse ko kung saan malinaw pang natatandaan ko ang nangyari doon bago ako nawalan ng malay at ngayon ay bumungad sa akin na nasa isang hindi pamilyar na silid pala ako. "Mabuti naman at gising ka na," seryoso na sabi ni Zandro na nakapamulsa ang dalawang kamay habang nakasandal sa dingding na pinagmamasdan ako. "Yeah, nasaan ako?" tanong ko na ang mga mata ay gumagala sa buong silid. "Narito ka sa safehouse ko," pormal na sagot ng kaibigan ko. "Paano ako na punta dito?" nagtataka na tanong ko dahil ang huling naalala ko ay nagdilim ang paningin ko matapos masugatan ng patalim na nasa sapatos ng babaeng nakal