CYRIA Walang araw na hindi ako kinausap ni Zandro at Dawson. Malimit ko rin silang marinig mag-usap ng mga bagay na nagpapagulo sa isip ko. May mga pangalan silang binabanggit na ngayon ko lang narinig sa kanila. Kahit naririnig ko lang ay natatandaan ko na nga ang pangalan na James Miguel Suarez na nawawala at pinoproblema nila ang system na hindi ko alam kung para saan. May something sa dalawa, I mean my tinatago silang sekreto. Alam ko na hindi naman talaga ako pamilyar sa mga taong nasa paligid nila pero kakaiba ang mga pinag-uusapan ng dalawa tungkol sa organization, which is alam ko na walang kinalaman sa negosyo. "Hey, Ria, kailan ka ba magigising? Nag-aalala na ako ng husto sa 'yo. Kahit pa sabihin na stable na ang kondisyon mo hangga't hindi ka nagigising ay hindi ako mapapana