CYRIA Maaga ang flight ni Zandro kaya two o'clock pa lang ng madaling araw ay nagbihis na siya. Ako naman pinanood ko lang ito tutal naihanda ko na rin naman ang dadalhin niya kanina. "I'm gonna miss you big time, Ria," malungkot na sabi nito ng ihatid ko sa pintuan. "Ano ka ba, five days ka lang doon. P'wede naman tayong mag-video call lagi kapag free ka. Ayos lang sa akin since dito lang naman ako sa bahay so anytime na tatawag ka, sure masasagot ko," nakangiti na sagot ko. Ayaw ko kasing iparamdam kay Zandro na ramdam ko rin ang bigat sa dibdib ko ngayong aalis siya, bagay na 'di ko maipaliwanag kung bakit, dahil bago ito sa akin. Siguro kasi nasanay na ako sa presensya niya sa paligid ko. Simula kasi ng tumira siya dito, kasama namin ay ito ang unang pagkakataon na aalis siya ng