CYRIA Hindi ko mapigilan at nagawang pigilan ang emosyon ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Masaya ako knowing na ligtas na ako at na rescue ng kung sino dahil hindi pa malinaw sa akin ang lahat ng mga nangyari hanggang sa mga oras na ito. Masaya rin ako na ligtas na si Zandro dahil alam kong habang buhay na dadalhin ng konsensya ko kung may masamang nangyari sa kan'ya dahil lamang sa naging padalus-dalos ako. "Calm down, Cyria. Hindi makabubuti sa iyo ang umiyak ng gan'yan," mahinahon na sabi ni Dawson na naupo na pala sa tabi ko. Panay ang hagod ni Zandro sa likuran ko. Kinabig niya ako kanina kaya napasandal ako sa balikat niya dahil katabi ko lang naman siya dito sa sofa sa paanan ng kama. "It's okay, Ria. Nandito lang kami, I promise hindi ka namin pababayaan. I'm so sorry, baby