CYRIA Simula ng ikasal ako kay Dawson ay malaking pagbabago ang naganap sa buhay ko. Nasanay na akong maging butihing asawa niya na naghihintay sa pag-uwi araw-araw mula opisina pero iba ngayon. Nagbago ang lahat dahil dalawa na silang hinihintay ko dahil bahagi na ng buhay namin si Zandro. Simula ng may nangyari sa amin at pumayag ako sa set up ni Dawson ay pinili nito na dito na tumira kasama namin. Akala ko magiging awkward ang lahat sa pagitan naming tatlo pero hindi pala. Naging dahilan pa nga ito para mapalapit ako sa asawa ko na na-appreciate niya ang desisyon kong pumayag sa agreement kahit pa hindi ito normal para sa aming mag-asawa. Tinanggap ko na ang mundong ginagalawan ng dalawa. Dominant si Dawson pero higit sa kung paano siya kumilos si Zandro. Although hindi naman niy