Humiga na muna konti si Reden upang magpahinga para makapaghanda sa lakad nila ni Martha. Hindi pa man naipipikit ang mga mata nang pumasok ang isa nilang kasamahan na si Pimentel. "Kumusta ang anak mo?" usisa niya rito. "Ayon, na-confine sa ospital," wika nito. "Sana nga hindi malala ang sakit," anito kasunod ng malalim na paghinga. "Sana nga, brad," aniya na puno ng pakikisimpatya sa kanyang tinig. "Balita ko ay may kliyente ka?" usisa nito. Nahiya si Reden at napatungo sa sinabi ng kasama. "Sus, huwag ka na mahiya, ako rin naman kapag may nagre-request. Wala, e, kailangan ng pera lalo na ngayon at may sakit ang bunso ko," bulalas nito. Napangiti na lamang ng pilit si Reden. "Balita namin kay Intong ay may sakit ang kapatid mo kaya pumasok dito," kuwento pa nito. "A, oo, nagpa-la