Lalong nag-init ang gabi gawa ng laro ng mga matrona, lahat gustong makuha alinman sa kanila ni Alfred. "Naku, Lovely, magaling pa ring gumiling itong boy mo, sabihin mo at turuan itong si Reden ko para naman lumambot-lambot konti," natatawang saad ni Martha sa amiga nito. "Dapat kasi ay gabi-gabi mong pagilingin, mukhang malaki pa naman an kargada," bulalas naman ng babaeng tinawag nitong Lovely. Nagtawanan ang mga ito maging mga kasama pa. 'Sige lang, Reden, para sa minamahal mong si Katarina,' anang ni Reden sa isipan habang pinapalambot ang katawan sa ginagawang paggiling. "Masunurin naman pala itong boy-toy mo, amiga, look lumalambot na ang katawan," palatak ng isang katrona. Natawa si Martha rito. "Well, swerte talaga ako sa mga napipili ko Helen, bukod roon, tingnan mo naman,