HINDI AKO MAKATULOG. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ako hindi makatulog. Iniisip ko na naninibago ako dahil wala ako sa apartment pero alam ko na hindi iyon ang kaso ngayon. Sanay rin ako sa bahay ng mga Montecalvo dahil dito ako nanirahan ng ilang taon. Alam ko na ibang dahilan kung bakit ako nagkakaganito at hindi dinadalaw ng antok. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang nangyari kanina at kung paano titigan ni Gabriella Mancini si Yvo. Kung hindi lang siguro siya hinila papaalis ng kanyang ama, panigurado akong gugustuhin niyang makausap si Yvo. Pinilit ko ang sarili ko na makatulog subalit hindi talaga ako magawang makatulog. Kailan ba ako huling nagkaganito? Napansin ko ang pag-ilaw ng cellphone ko. Mula sa side table ay kinuha ko iyon at sinilip kung sino ang dahila