MATAPOS ang nangyaring aksidente noon sa aming school at nakansela ng ilang araw ang aming pasok, balik-eskwela na kami. Nag-announce last week ang aming school na pwede nang i-resume ulit ang klase ngayong linggo. Hindi kami sabay ni Yvo na pumasok. Muntikan ko nang makalimutan na nagtuturo nga pala siya sa school ko. Pinipilit niya ako kanina na sabay na kami pero ayoko dahil baka may makakita sa amin at kung ano pang isipin. Hindi mawala ang sayang nararamdaman ko dahil sa nangyari sa amin nitong mga nakaraang araw, lalo na iyong nangyari sa lumang mansyon na pag-aari ni Yvo. Binabalik-balikan ko talaga iyon sa alaala ko. “Chia!” Sinalubong ako ni Angeline. Kakawayan ko na sana ito nang tumalon siya sa harapan ko at niyakap ako. Ikinabigla ko ang contact dahil hindi ako sanay na m