MAY BAGONG bukas na boutique sa mall na pagmamay-ari ng Cosa Nostra. Imbitado ang magkakapatid kaya naririto kami ngayon. Isang designer cosmetic brand ang nagbukas. Nang mag-open ang store, hindi ko rin mapigilan ang tumingin sa mga naririto. Ang gaganda ng mga cosmetics nila. Naisip ko kasi na bumili ng mga ganito dahil gusto kong matuto na mag-ayos ng sarili. Kinuha ko iyong isang foundation. Maliit lang siya at mukhang bagay sa isang kagaya ko na beginner. Tiningnan ko ang prize at mabilis kong ibinalik iyon sa lagayan niya. Nasa 5,000 pesos para sa isang maliit na foundation? Baka tatlong beses ko lang magamit iyan! Ang mahal naman dito. Tumingin ako ng lipstick pero nagulat lang din ako sa presyo. Bakit ang mahal? Kapag ba nilagay ko iyan sa mukha ko ay instant akong magiging mag