CHAPTER 6: TIIS

1430 Words
Wala na yatang mas sasakit pa na sinasaktan ako ng sariling Asawa ko kesa sa mawalan ng alaala. Rage treated worse than the usual. I am really his slave. Dito natutulog sa maid's room. Katabi si Aling Sonya. Lagi siyang galit sa'kin kahit na wala akong ginagawa. Even his maids are angry at me especially Manang Beth. Ang mayordoma ni Rage ay galit na galit din sa'kin sa kadahilanan na hindi ko alam. I've tried to talk to them para maliwanagan ako sa kung anong kinakagalit nila pero walang nangyari. Tulad ni Rage ay hindi sila naniniwala sa'kin. Para bang sawa na sa sinasabi ko. "Ma'am Anastasia, kumusta na ang sugat niyo sa kamay?" may pag-aalalang tanong ni Aling Sonya sa'kin. Umupo siya sa tabi ko. Nasa loob lang ako ng kwarto naming dalawa, dahil walang gustong kumausap sa'kin sa labas. Kung meron man ay sisigawan lang ako. Malungkot akong ngumiti sa kanya. "Okay lang," tugon ko bago marahan nahinimas ang sugat ko sa kamay. Kanina gusto ko sanang tumulong sa pagluluto kaso nagalit sa'kin si Manang Beth. Ayaw na ayaw niyang nakikita ako. Hindi ko alam bakit. Hawak ko ang babasagin na pinggan at tinulak niya ako ng malakas kaya natumba ako at nasugatan sa kamay. Hindi naman malaki ang sugat pero masakit 'yon dahil may maliliit na bubog ang sumusok sa kamay ko. "Mamaya ulit gamutin natin 'yan, ah?" "Ako na lang, Aling Sonya. Mabuti kung tumulong na lang kayo sa labas. Dito lang muna ako." Ngumuso siya at lumungkot ang mukha. "Ma'am Anastasia, ayoko man pong mangialam pero bakit po ganito ang trato sa inyo hindi lang ni Sir. Rage pati ang mga kasambahay dito sa mansyon?" Malungkot akong umiling. "Hindi ko rin alam, eh," sagot ko bago huminga ng malalim. "actually, I don't even know myself. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit nila sa'kin." "Baka po may nagawa kayong masama sa kanila noon?" tanong niya bago umiling. "pero imposible 'yon dahil ang mabait-mabait niyo naman po. Sobrang hinhin at mukhang sila pa nga po ang may ginawang masama sa inyo." "I don't know, Aling Sonya. Even if I did something to them before, I couldn't remember it right now." "Wala po kayong maalala? Ano pong nangyari sa inyo?" "Naaksidente ako at na comatose ng 7 years, Aling Sonya," sagot ko. "kaya ngayon hindi ko talaga alam ang nangyari sa amin ni Rage noon. Kung matagal na kaming magkilala ay hindi ko rim alam. Pero siguro matagal na kaming magkakilala kaya siya galit sa'kin ngayon." "Naku, Ma'am Anastasia! Grabe naman pala ang dinanas niyo! Babalik pa po ba ang alaala niyo? Kasi po, mabait naman talaga 'yan si Sir. Rage." Umiling akong muli. "I don't know… hindi ko alam kung babalik pa ang alaala ko..." "Ma'am Anastasia, gusto sana kitang tulungan kung bakit galit sa'yo si Sir. Rage, kaso alam niyo naman pong bago lang ako katulong niya. Nalilito rin po ako dahil Asawa ka niya at kasal kayo pero katulong ka rito sa mansyon niya ngayon. Mabait naman siya sa ibang tao, pero sa'yo iba ang ugali niya." A lonely smile crept on my lips. Nakikita ko ang pagiging mabait ni Rage sa mga katulong niya rito sa mansyon lalo na kay Manang Beth, pero sa'kin hindi. He was rough and ruthless to me while he's nice to others. Lalo lang tuloy akong napaisip kung ano ba talaga ang kasalanan ko sa kanya para parusahan niya ganito. Kung magsasabi naman ako sa kanya'y hindi niya pinapakinggan at sa tingin niya'y nagsisinungaling ako. Dumating ang gabi na tulad pa rin ng nangyayari ay mag-isa akong kumain. Ayaw akong makasama ng ibang maid kahit na kumain lang. Masakit dahil pati sila iba ang trato sa'kin, pero anong magagawa ko ngayon? Wala na. Naiisip ko tuloy kung masama ba talaga ang ugali ko noon para maparusahan ng ganito ngayon? Kasi kung oo, baka nga. Baka nga... iba ang ugali ko noon. Nang masiguro ko na wala ng tao sa buong mansyon ay lumabas ako para gamutin na ang sugat ko. I went to the kitchen to clean my wound in my hand when I saw Rage's maid. Natigilan ako sa pagpasok. "A-ah… gagamutin ko lang sana ang sugat ko," mabilis na sinabi ko nang makita sila. Nanlilisik ang mga mata na tumingin sila sa'kin. Pagkuwan ay hinila ng isang kasambahay ang kamay ng kasama. "Halika na, Joy. Huwag tayo rito at baka sigawan na tayo ng isang nagbabait-baitan ngayon. Wala pa namang tao na." Tumawa ang isa bago ako tiningnan ng masama. "Huwag ka ng magsinungaling pa at magbait-baitan, Anastasia dahil hindi bagay sa'yo. Mas lalo mo lang ginagalit si Sir. Rage!" "Kung ako sa'yo, tigilan mo na 'yang acting mo 'yan at bumalik ka na sa demonyo mong ugali dahil kahit kailan hindi mo na mabibilog pa ang ulo ni Sir. Rage! Dalang-dala na 'yon sa mga ginawa mong kademonyuhan sa kanya." Umawang ang labi ko pero hindi na ako nagulat pa. Dahil simula nang dumating ako rito, ganito na sila sa'kin. "H-hindi ko naman talaga alam ang nagawa ko noon sa inyo para magalit ng ganito sa'kin," tanging na sabi ko lang. Joy scoffed. "Hindi bagay sa'yo ang bait-baitan dahil demonyo ang ugali mo! Halika na nga!" Mabilis silang umalis sa kaharapan ko. I took a deep sighed and walk all the way to the dining table. Nilapag ko ang first aid kit bago umupo. Tinanggal ko naman ang benda ko sa kamay para magamot na ang sugat ko at isasama ko na rin ang sa noo ko. After I clean my wound, I grabbed my phone from my pajamas pocket. It's been weeks since I moved here and I still haven't talk to Lesley. Kailangan ko ng kumustahin ang kapatid ko. After three rings, mabuti at sinagot ni Lesley dahil pasado alos dose na. "Lesley, kumusta na si Nash?" agad na tanong ko sa kanya. "Mabuti at napatawag ka na ngayon! Okay lang naman si Nash. Gusto mo bang tawagin ko?" I smile. "P'wede ba? I want to talk to him." "Oo! Teka at ibinigay ko sa kanya. He's been waiting for your call actually." Saglit na walang umimik sa kabilang linya at maya-maya, narinig ko na ang boses ng kapatid ko. "Ate Anastasia! Akala ko hindi na po kayo tatawag! I missed you, Ate!" Tears slid from the corner of my eyes when I heard my brothers voice. Sobra na akong nangungulila sa kanya sa totoo lang. Kung wala siya baka matagal na akong sumuko sa buhay. I wiped my tears. "How are you? Pasensya ka na kung ngayon lang napatawag si Ate. Naging busy lang ako rito." "Bakit po ba hindi pa kayo umuuwi?" malamyang tanong niya. Bakas ang pagka-miss sa'kin. "I thought you'd be going home immediately? It's been weeks Ate, saan po ba kayo nagtatrabaho?" "M-mukhang matatagalan pa si Ate rito sa trabaho, Nash," anang ko bago pinunasan ang luha. "kailangan ko kasing magtrabaho para mabayaran ang utang na naiwan nila Mommy at Daddy." "Can I visit you there instead sometimes?" he asked again softly. "Ate, 7 years ka pong comatose tapos ngayon naman nagtatrabaho ka. Baka mapano ka riyan. Ano bang trabaho mo at hindi ka muna uuwi sa bahay nila Ate Lesley?" Pigil ang hikbi ko para lang hindi niya ako marinig. I don't want him to know that I'm a maid. Ayokong malaman ni Nash ang paghihirap ko dito dahil mag-aalala siya. Sobrang bata pa niya para malaman ang kalagayan ko. "I-I'm… working here with some papers," tugon ko na lang. "magpapaalam muna ako sa Boss ko para mabisita kita, okay?" "Okay! Just please be careful there. Don't work too hard and don't stress yourself. You're still recovering from the accident. Magaling na po ba ang sugat niyo?" Malungkot na lang akong napangiti sa kapatid ko. Kahit na sampung taon lang siya'y sobrang mature na niyang mag-isip pero bata pa rin siya. No matter what happens, hindi ako p'wedeng bumitaw dahil kawawa siya kung pati ako mawawala. And I want to know what happened to me 7 years ago. Bago ako maaksidente at mawalan ng alaala. I want to know what happened to me before. Lalo na si Rage. Kailangan kong malaman bakit siya galit sa'kin. Hindi ako p'wedeng mag-give up ngayon dahil kahit na galit sa'kin si Rage, I feel like I have known him for a long time. I feel so attached to him somehow even though he's hurting me. Kailangan ko lang maalala kung anong kasalanan ko sa kanya noon. Kung anong nagawa kong masama sa kanya. For now, kailangan kong magtiis sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD