CHAPTER 7: FRIED RICE

1502 Words
I woke up early in the morning. Paggising ko'y gising na rin ang mga kasambahay para magluto ng agahan ni Rage. While me, gusto ko sanang tumulong. Si Aling Sonya ay maaga pa lang ay naglilinis na nang mansyon kaya wala akong makausap. I just went to the kitchen to help some maid. Lahat ng tao sa kusina ay napatingin sa'kin sa pagpasok ko. Nanlilisik ang mga mata nila sa galit at si Manang Beth naman ay matalim akong tiningnan. "Umalis ka rito," walang emosyon na wika niya. Napayuko ako. "G-gusto ko lang sana na tumulong sa inyo ngayong araw," sabi ko. Mabigat ang dibdib. "Wala kang matutulong dito! At baka kung anong ilagay mo sa pagkain ni Rage katulad noon! Umalis ka na!" Natigilan ako. Lasunin? May balak akong nalusin noon si Rage? Bakit? Ganoon ba ako kasamang tao para lasunin ko si Rage tulad ng sinasabi ni Manang Beth? Hindi ako makapaniwala kahit na halos isang buwan na ako rito. I couldn't still process how evil I am before I lost my memories. Umiling-iling ang isang katulong. "Maang-maangan na naman siya! Ang galing talaga nitong umarte!" Humalakhak ang mga kasambahay sa loob ng kusina. Mas lalo lang akong nanliit sa sarili ko. Alam kong kailangan ko ng masanay sa mga sinasabi nila, pero masakit pa rin. Masakit pa rin na hanggang ngayon, ayaw nilang maniwala sa'kin. Ang tingin nila'y nagsisinungaling lang ako. Nangilid ang luha ko dahil sa sakit ng dibdib. Kahit ako'y hindi makapaniwala na masama ang ugali ko noon. Kasi hindi ko ramdam na may ginawa ako sa kanilang masama para lang magalit ng ganito. O sadyang in denial lang ako. Naaksidente ako at walang maalala, pero kung bumalik ang alaala ko'y baka bumalik din ang pagiging masama ng ugali ko? Pero imposibleng mangyari 'yon. Because up until now, wala pa ring improvement ang alaala ko. The only thing that I remember was my dream when we were in Greece. The nobody's letter. That's it! Hanggang doon na lang dahil hindi na ako nanaginip pang muli tungkol sa tao na 'yon. "Idadaan pa kami sa paiyak-iyak effect! Luma na 'yan!" I quickly wipe my tears. Hindi ako nagsalita dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko. Ramdam ko rin ang paghilo ng kaunti. Everytime na gusto kong maalala ang nakaraan, sumasakit ang ulo ko. "Let her help here, Manang Beth." Napatingin ako sa maboritong boses na nagsalita. I saw Rage walking towards the dining table. Umupo siya ng prente at sumandal sa upuan. "Rage!" asik ni Manang Beth. "That's her job," ani Rage sa malamig na tono. "she's maid here, so let her do her job properly." "Baka kung anong gawin na naman niya sa'yo kung papabayaan namin! Nakalimutan mo na ba—" "I remember everything, Manang Beth. This is her job. Her job is obey me and this is the part of it. If she does something, I'll make her punished immediately…" anang Rage bago matalim ang mata na tumingin sa'kin. "right, Anastasia? You know my rules." Mabilis akong tumango. "Yes… I won't do any silly things here. I promise!" He nodded. "Good. From now on, ikaw na ang magbibigay ng coffee ko sa'kin sa opisina ko. That's your job." Tumango ako ulit. "Okay-okay… ahm…" napalabi ako. "anong paborito mong kape?" tanong ko pa. "Brewed coffee." I nodded once again and a smile crept on my lips. I don't know why I'm happy, but this is what I'm feeling right now. I know it's weird, but like what I've said. Feeling ko connected talaga kami ni Rage. I have this feelings for him that I didn't know. Sinasabi na lang ng isip ko na galit siya kaya niya ginagawa 'to, pero in some ways ramdam ko na may kaunting pagmamalasakit siya sa'kin. "The fried rice with ham and green beans," aniya pagkuwan. Kumunot ang noo ko. "Huh?" "I want to eat it again…" napalunok siya. "'yong niluto mong fried rice noong nasa Greece tayo. 'Yon ang gusto kong agahan ngayon." Umawang labi ko. I didn't expect him to say those words. Nagustuhan niya ang niluto ko? "Rage!" suway ni Manang Beth. "Manang Beth, it's fine," tugon ni Rage bago ngumiti sa matanda ng marahan. "I already tried it." Bumuga na lang ng hangin ang matanda bago sumang-ayon. I was smiling the whole time while cooking the fried rice. Nakakagaan lang sa pakiramdam na nagustuhan nga ni Rage ang fried rice ko! Galit man ang mga katulong dahil sa nangyari, pero wala silang nagawa. Ako ang nagluto ng agahan ni Rage at mas nasiyahan pa ako dahil naubos niya ang niluto ko. "Baka kailangan lang ng lambing ni Sir. Rage galing sa'yo," humahikgik na wika ni Aling Sonya. "Whatever it is, I'm happy today," nakangiti na saad ko. "Si Ma'am Anastasia! Kinikilig ka!" Tumingin ako kay Aling Sonya bago maliliit na hagikhik ang lumabas sa labi ko. Siguro nga kinikilig ako. "Maganda nga 'yon para maayos agad ang kung anong problema niyo! Panget kung magkaaway kayo. Saka sobrang bagay niyo ni Sir. Rage sa isa't-isa." Kinagat ko ang pang-ibabang labi para itago ang nararamdaman na kasiyahan. I couldn't understand my feelings too. I'm just too happy today. Nang dumating ang hapon ay agad akong nagtimpla ng kape ni Rage. Kagaya ng sinabi niya'y, isang brewed coffee ang ginawa ko. Talagang ginalingan ko ang pagtimpla sa kape niya para hindi siya magalit. I don't want him to get mad again. I don't like it. Nakakatakot siya paggalit. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at dumiretso sa opisina niya. Ngayon lang ako nakapunta sa parte ng mansyon niya na 'to. I noticed, just a few meters away from his bed, the masters bedroom. May isa pang kwarto roon na nililinis ng mga kasambahay. Kulay pink ang kwarto na 'yon. Nagpatuloy ako sa opisina niya. Kumatok muna ako. "Come on in!" rinig kong sigaw niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. I couldn't help but to roam my eyes inside his office. Kagaya ng kwarto niya'y, black ang interior design ng opisina niya. May bookshelf na dalawa sa gilid, nasa gitna ang table niya at sa likod no'n ay ang malaking bintana na nakasara. "Here's your coffee, Rage." Dahan-dahan kong nilagay ang kape niya sa lamesa niya habang siya'y busy sa laptop niyang nakabukas. Tumuwid ako ng pagtayo bago pinagsiklop ang mga kamay. "A-ahm, Rage… may ipapaalam sana ako sa'yo," mahina ngunit dahan-dahan na sinabi ko. "What it is?" tanong niya na nasa laptop pa rin ang mga mata. Napalabi ako. "Pwede bang humingi ng isang araw na day off? Bibisitahin ko sana si Nash, 'yong kapatid ko sa bahay nila Lesley. Isang buwan na rin kasi…" Tumigil siya sa ginagawa at nagtaas ng tingin sa'kin. "Lesley…" he murmured. "ito bang kaibigan mo na 'to ay matagal mo ng kaibigan?" tanong niya pagkuwan na kinakunot ng noo ko. "Sabi niya matagal na kaming magkaibigan," sagot ko na naguguluhan din. "siya ang nagbantay sa'kin noong naaksidente at naka-comatose ako ng pitong taon… I know, Rage, it's hard to be believe, but I am telling you the truth. I was 7 years comatose and I couldn't remember everything from my past. Nagising ako at si Lesley ang nagsabi sa'kin ng lahat." He looked at me. Ayoko sanang tingnan siya pabalik, ngunit nakakita ako ng pag-aalala at lungkot sa mukha niya. Napalunok ako. "Maniwala ka sa'kin," dugtong ko pa. "hindi ko talaga maalala kung ano ang nagawa kong kasalanan sa'yo noon. But, it's fine. I'm willing to do everything para lang mapatawad mo sa lahat ng kasalanan ko sa'yo noon. Hindi kita tatakbuhan… I just want to see my brother… if you just let me." Napayuko ako pagkatapos. Gusto kong maiyak dahil ngayon ko lang nasabi sa kanya ang matagal ko nang gustong sabihin noon. Hindi ko alam kung maniniwala siya… pero sana… sana maniwala siya. Nang hindi siya nagsalita, unti-unti akong kinabahan. Natatakot na rin dahil baka nagalit ko siya ulit sa mga sinabi ko. I raised my head to see him. Nakakunot pa rin ang noo niya at nakatingin sa'kin. When I saw his jaw clenched, I shiver. "P-pero, kung hindi ka pumayag. Okay—" "Thursday," putol niya sa sabihin ko. "every Thursday is your day off. You can visit your brother on that day and came back here again." Dahan-dahan, gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Thank you, Rage! Maraming salamat talaga! Babalik din ako rito pag gabi na." Tumango siya. "Get out now… I still have a lot of work to do." Nakangiti akong tumango bago tumalikod sa kanya at lalabas na sana ng magsalita siya ulit. "I don't know if I can believe you, Anastasia. I don't know if you're just pretending again like you always do before. You've done a lot of things not just to me… but also to our…" malamig na wika niya na kinatigil ko. When I turned around, nakita ko siyang mariin na nakapikit at hawak ang sintido. Tila ba malalim ang iniisip. "Umalis ka na sa opisina ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD