LII: Earth Spirit

2129 Words
“Xavier, mauna tayo sa pagsugod. Aika, manatili ka lang sa likod namin,” sambit ni Jerome at sumang-ayon naman kami. Nauna sila ni Xavier na sumugod at kasunod lang nila ako. “Dancing Blades of Hell,” sabay wasiwas ni Jerome ng kanyang scythe at naglabas ito ng maliliwanag na arkong blades na kulay purple. Tinamaan naman ang magkabilang braso at binti ng Unholy. “Crash of Earth Bound!” sabay hampas ni Xavier ng kanyang Warhammer sa lupa at nagbitak ito hanggang do’n sa Unholy sabay naipit ito ng dalawang higanteng bato. Mukhang nanghina na ang Unholy at papatumba na sana ito dahil sa mga pinsalang natamo nito mula sa mga pag-atake nina Jerome at Xavier. Ngunit nagulat kami nang biglang nag-regenerate ang mga napinsalang parte nito sa mga kamay at binti. “Paano nangyari ‘yon?” pagtataka ni Xavier. “Sa tingin ko, malapit na maging Chaos ang isang ‘to,” tugon naman ni Jerome. “Anong gagawin natin?” tanong ni Xavier. Mayamaya’y bigla na lang kaming inatake ng Unholy. Nagbuga ito ng itim na apoy sa’min na nagdulot ng pagsabog kaya’t tumalsik kaming tatlo. Dumausdos ang katawan ko sa lupa kaya’t napadaing ako sa sakit. Dahan-dahan akong kumilos upang abutin ang espada ko ngunit nagulat ako nang bigla akong dinampot ng Unholy. Nasa kamay niya ako ngayon at kahit anong piglas ko ay hindi ako makawala dahil malakas ito at napakalaki ng kanyang kamay na mas malaki pa sa’kin. “Aika!” sigaw no’ng dalawang lalaki mula sa baba. Ipapasok na sana ako ng Unholy sa kanyang malaking bunganga na may matutulis na ngipin at pangil. Nang bigla akong nabitiwan ng Unholy dahil naputol ang kanyang kamay kung saan niya ako hawak. Akala ko naman ay sa lupa ako babagsak ngunit sinalo ako ni Jerome. Pagkatapos ay ibinaba niya rin ako agad. “Crash of Earth Bound!” sabay hampas ni Xavier sa lupa ng kanyang Warhammer at nagbitak muli ang lupa papunta sa Unholy at naipit itong muli ng dalawang higanteng bato. At habang nakaipit pa ang Unholy sa dalawang bato ay nagsagawa agad ng pag-atake si Jerome. “Dancing Blades of Hell,” sabay wasiwas ng kanyang scythe papunta sa Unholy at naglabas itong muli ng mga paarkong blades na nagliliwanag ng kulay purple. Hinati ng mga blade na ito ang Unholy sa tatlo. Pagkatapos ay wasak-wasak itong nalaglag sa lupa. Akala namin tapos na ang lahat. Ngunit biglang kumilos ang pira-pirasong katawan nito at nagdikit-dikit kaya’t nabuo itong muli na parang walang nangyari. Halos manlumo kami habang nakatingala sa Unholy na ito. Para bang kahit anong atake ang gawin namin, hindi uubra sa kanya. Hinihingal at tagaktak na ang mga pawis namin. Pagod na pagod na rin ako. “Kailangan nating hanapin ang weak point ng isang ‘to,” sambit ko. “Oo. Pero saan? Nasaan ang kanyang weak point?” tanong ni Xavier. “Ulitin niyo ni Jerome ‘yong pag-atakeng ginawa niyo para makawatak-watak ang katawan niya hangga’t sa makita natin,” sagot ko. Tumakbo ako papunta sa Unholy at agad namang sumunod sa’kin sina Jerome at Xavier. “Divine Edge,” sabay wasiwas ng espada ko sa direksyon ng Unholy at tinamaan ito ng light daggers sa lahat ng parte ng katawan nito. “Ngayon na!” sigaw ko nang manghina ang Unholy dahil sa pag-atake kong ‘yon. “Crash of Earth Bound!” “Dancing Blades of Hell.” Sabay na nagsagawa ng pag-atake sina Jerome at Xavier. Nang maipit ng dalawang higanteng bato ang Unholy ay sabay rin itong nahiwa sa apat na parte. Nakatitig lang ako sa Unholy mula nang atakihin siya nina Xavier at Jerome hanggang sa pagbagsak nito. “Nasa noo niya,” sambit ko. May nakita akong kuminang sa bandang noo no’ng Unholy. Parang bilog na kulay berde ito na naglalabas ng aura. “Talaga? Sigurado ka?” tanong ni Xavier. “Oo,” sagot ko. Nabuo na naman ang Unholy na parang walang nangyari. Aatake na naman itong muli nang biglang umatake ulit sina Jerome at Xavier. “Crash of Earth Bound!” sabay hampas ni Xavier sa lupa. “Flame of Raging Hell,” sabay wasiwas ni Jerome ng kanyang scythe. Nang maipit ang Unholy ng dalawang higanteng bato, sabay tinamaan ito ng purple flames ni Jerome at nagliyab ang Unholy. At nang unti-unti na itong natutupok ng apoy ay nanghina ito at natumba sa lupa. Dahil sa pagkatupok nito sa purple na apoy, nakikita kong muli ang weak point niya sa bandang noo. Agad naman akong sumugod sa Unholy para samantalahin ang panghihina nito. At nang malapit na ako sa kanya ay bumuwelo ako ng talon at hinawakan ang grip ng espada ko gamit ang pareho kong kamay. Malapit ko na sanang masaksak ang kanyang weak point nang biglang mawala ang purple flames na bumabalot sa kanya na para bang in-absorb niya ito. Natulala ako sa gulat kaya’t hindi na rin ako agad makaiwas. “Aika!” Narinig kong sinigaw ni Jerome ang pangalan ko. Ngumanga bigla ang Unholy nang nasa tapat na niya ako at bigla siyang bumuga ng itim na apoy. Pero biglang sumulpot si Jerome sa harap ko at humarang sa apoy. Nandilat ang mga mata kong nakatingin sa kanya. “Jerome…” Pagkatapos ay tumalsik kami at magkasamang sumadsad sa lupa. Malayo-layo rin ang itinalsik namin. “Aika! Jerome!” Narinig kong sigaw ni Xavier. Halos hindi naman ako makagalaw dahil sa sakit ng tinamo ko. Nakita ko naman si Jerome na nakahiga sa tabi ko. Sinubukan kong kumilos para lapitan siya dahil parang nawalan siya ng malay. Pero napadaing ako sa sakit nang sinubukan kong gumalaw. “Jerome?” tawag ko sa kanya. Pero hindi siya gumagalaw o sumasagot man lang. Pinilit kong iunat ang isa kong braso para abutin si Jerome at tingnan kung anong nang nangyari sa kanya. Pero pagtingin ko naman kay Xavier ay papalapit na sa kanya ang Unholy. Gustuhin ko man siyang tulungan do’n pero nahihirapan na akong makagalaw sa sakit ng katawan. Tapos si Jerome mukhang walang malay. Ano nang gagawin ko? Napansin kong malapit na ang Unholy kay Xavier at aabutin na siya nito. Pero nakatayo lang do’n si Xavier habang nakayuko ang ulo. Lalo naman akong nag-alala dahil baka napagod na siya. Mayamaya’y napansin kong itinaas ni Xavier ang kanyang Warhammer. “Earthquake Spirit!” Narinig kong sigaw niya sabay hampas nang malakas sa lupa. Pagkatapos no’n ay biglang lumindol nang malakas. Nag-angatan ang mga bato sa lupa, malalaki man o maliliit. Nagkaroon ng mga bitak ang lupa, halos lahat ng parte kahit dito sa’min ay nagkaroon din ng mga bitak. Bumuka nang bahagya ang lupa sa tapat ni Xavier at mula sa bitak na ‘yon ay may lumabas na espiritong may kulay dilaw na aura at higante rin ito na kasinglaki no’ng Unholy. “Isang oso ang third skill ni Xavier?” bulong ko. Umungol nang pagkalas ang Earthquake Spirit na siyang umalingawngaw sa buong paligid at dumagundong din ang paligid nang dahil lang do’n. Tumakbo ang spirit papunta sa Unholy at kinalmot niya ito gamit ang mga matutulis nitong kuko. Naghati-hati sa maraming piraso ang Unholy at nakita kong muli ang maliwanag na kulay green na bilog sa bandang noo nito. “’Yong green na bilog! Durugin mo!” sigaw ko bigla. Dinurog ng spirit ang buong ulo no’ng Unholy at nakita kong nabasag na ang green na bola. Pagkatapos no’n ay naglaho na ang Earthquake Spirit sabay hinimatay naman ni Xavier. “Xavier!” sigaw ko. Mayamaya lang ay lumindol na naman ang paligid at unti-unti nang nawawasak ang void. Nataranta naman ako dahil hindi ko na alam ang gagawin. Parehong walang malay ang mga kasama ko at masisira na ang void. Malayo rin mula sa’kin si Xavier. Ilang sandali lang ay nakita kong gumalaw si Jerome. “Jerome!” Dahan-dahan siyang bumangon sabay hawak sa kanyang batok. Pagkatapos ay nilibot niya ang kanyang paningin. “Nasaan na ‘yong Unholy?” tanong niya. “Natalo siya ni Xavier gamit ang third skill niya kaya wala siyang malay ngayon,” sagot ko sabay turo sa gawi ni Xavier. “Xavier,” sabay tumayo si Jerome at mabilis na tumakbo papalapit kay Xavier. Tumayo na rin ako para sumunod kay Jerome. At nang hawakan ni Jerome ang braso ni Xavier para akayin ay biglang nawasak ang buong void kaya’t nabalot ng liwanag ang paligid. At sa sobrang liwanag ay halos nakakasakit na ito sa mata kaya’t napapikit na lang kami. --- Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita kong nandito na kaming muli sa coliseum. Nagkakagulo pa rin ang paligid dahil nilalabanan ng ibang hunter student ang ibang Unholy. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko makita sina Klein, Gunner, at Ryker. “Nasaan na ‘yong tatlo?” pag-aalala ko. “Malamang nasa loob pa rin sila ng void ni Ernesh,” sagot ni Jerome. “Aika! Jerome!” Tumingin kami sa tumawag sa’min. “Mr. Smith!” “Anong nangyari kay Xavier?” usisa nito nang makalapit siya sa’min. “Ginamit niya ang third skill niya kanina para matalo ‘yong Unholy at makalabas kami sa void ni Iorghu,” sagot ko. “Gano’n ba. Sige, ako nang bahala kay Xavier,” sambit ni Mr. Smith pagkatapos ay inalalayan niya ito nang kinuha niya siya mula kay Jerome. “Dadalhin ko muna siya sa university hospital. Kayo na muna rito,” bilin niya. “Sige po,” sagot namin. Pagkatapos ay umalis na si Mr. Smith dala ang walang malay na si Xavier. “Nagawa niyong wasakin ang aking void.” Napatingin kami ni Jerome sa biglang nagsalita. “Iorghu.” Bigla na lang siyang lumitaw sa harapan namin. Pagkatapos ay pinalabas naming muli ang aming artillery. “Simple lang naman ang gusto namin. Ibigay niyo sa’min ang artifacts, at aalis kami nang maayos sa school niyo,” alok niya. “Gamitin ko na kaya ‘yong third skill sa kanya?” bulong sa’kin bigla ni Jerome. “Hindi puwede. Alam mo namang isang beses lang puwedeng gamitin ‘yon ‘di ba?” pabulong ko ring tugon sa kanya. Isang beses lang puwedeng gamitin ang third skill ng isang Artillery of God dahil inuubos nito ang halos kalahati ng mana ng vessel nito. Napaisip naman ako sandali sabay tingin sa espada ko at sa kamay ko. Inangat ko ang isa kong kamay, “Void.” Pagkatapos ay naging kulay indigo ang buong paligid at hindi na naman kita at rinig ang mga nasa labas ng void na ginawa ko. Naramdaman kong hinawakan ni Jerome ang braso ko. “Anong gagawin mo?” pag-aalala niya. “May susubukan lang ako,” sagot ko sabay dahan-dahang bumitiw mula sa pagkakahawak niya. Itinaas ko ang Hades Sword sa ere. “Orb of Divine Light.” Pagkatapos ay biglang may namuo na bola ng liwanag mula sa dulo ng espada ko. At nang mapansin ‘yon ni Iorghu ay nakita kong kinumpas niya ang isa niyang kamay at biglang may lumitaw na malaking pader na umangat mula sa lupa. Lumaki pa ang bola ng liwanag hangga’t tuluyan itong sumabog. Napapikit naman ako dahil sobrang nakakasilaw ito at masakit sa mata. Habang narinig ko naman bigla ang pag-alingawngaw ng sigaw ni Iorghu na tila nasasaktan. Nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang buong paligid dito sa loob ng void ko habang patuloy lang sa pagsigaw si Iorghu. Ilang sandali pa ang lumipas at nang maramdaman kong wala na ‘yong liwanag ay dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Naririnig ko pa rin ang pagdaing ni Iorghu at nadatnan ko siyang nakaluhod na sa lupa habang kinukuskos ang kanyang mukha at mga braso. Napansin ko rin ang pag-usok ng kanyang katawan. “Iorghu!” Tumingin kami sa biglang tumawag sa kanya. Si Ernesh pala ‘yon. Galing siya mula sa ere at bumaba siya sa tabi ni Iorghu. “Umalis na tayo rito! Ang hapdi ng mga mata at balat ko!” daing nito na halos mangiyak-ngiyak. “Sige, halika na,” tugon naman ni Ernesh. Pagkatapos ay nilingon niya kami ni Jerome nang may matatalim na titig. “Babalik kami,” banta niya. Pagkatapos ay naglahong parang bula sina Ernesh at Iorghu. Sabay napansin din namin na wala na ‘yong mga Unholy na kinakalaban ng ibang hunter students. Pero nasaan na sina Gunner? “Iyon ba ang second skill ng Hades Sword?” tanong sa’kin ni Jerome. Tumango lang ako bilang tugon. Mayamaya’y nakaramdam ako ng pagkahilo. Para bang umiikot ang paningin ko at kumikirot ang ulo ko. Tila nanghina din bigla ang mga tuhod ko. Pagkatapos ay nawalan ako ng balanse. “Aika!” Huli kong narinig ang pagtawag sa’kin ni Jerome bago magblangko ang lahat.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD