I: The Beginning

1905 Words
May isang babae na nakatayo at parang may inaabot. Mahaba ang kanyang tuwid na buhok, maputi at makinis ang kanyang kutis, at nakasuot siya ng isang mahabang bestida na labas ang likod at wala rin itong manggas. Inaabot pala ng babae ang kamay ng isang lalaki na nakaupo sa lupa. May mga galos ang balat ng lalaki. Hindi naman makita ang mukha nito dahil natatakluban ng kanyang makapal na buhok. Para bang pinaghihiwalay sila at pilit na inaabot ang isa't isa. --- Isang magandang umaga na naman. Ready na 'ko wearing my school uniform. Tiningnan ko muna sa body mirror dito sa kuwarto ko ang kabuuan ko. Bigla ko naman naalala 'yong weird dream ko last night. Sino ba 'yong mga taong 'yon sa dream ko? I just heaved a sigh. Sasakit lang ang ulo ko kakaisip sa bagay na 'yon. Besides, hindi na rin new for me ang managinip ng weird things and scenarios. But one thing is what I'm sure of. That guy on my dream. Basta may weird akong panaginip, present siya. At nang satisfied na 'ko sa hitsura ko ay bumaba na 'ko para mag-breakfast. Dumeretso na 'ko sa dining table at ready na ang breakfast. Fried rice, egg, and bacon! Yum! "Good morning, Dad!" bati ko kay Daddy after kong umupo. "Good morning, sweetie," bati niya rin sa'kin habang busy sa Ipad niya. "Good morning, baby!" bati sa'kin ni Mommy matapos niyang umupo. "Good morning, Mom!" I'm my parents' only child. Masasabi kong mayaman kami dahil nakatira kami sa isang exclusive subdivision, malaki ang bahay namin, meron kaming drivers, and housemaids. Napasok din ako sa isang private exclusive school. My dad is a company's CEO and my mom is a businesswoman. Kahit gaano pa ka-busy ang parents ko, hindi ako uhaw sa atensyon nila. They have always time for me. Kaya kung iniisip niyo na spoiled brat ako, then you're wrong. Medyo may kaartehan nga lang ako. But who cares? "Aika, sweetie." I looked at Dad when he called me. "I just want to tell you that we're planning to have a travel trip to United Kingdom next month." Nandilat ang mga mata ko, "Really? For real, Dad?" then I looked at Mom, "Mom? For real?" "Yes, baby," sagot ni Mom. "But, in one condition." Natigilan ako and waited for my dad to speak again. "Kailangan mataas ang grades mo this quarter. Dapat mas mataas siya compare to your previous grades. Is that clear?" "Of course, Dad! When did I disappoint you when it comes to studies? This would be just a piece of cake!" I answered with full of confidence. "That's my girl," Dad said with a smile. After namin mag-breakfast ay maayos na 'kong nagpaalam sa parents ko. Mauuna na akong pumasok dahil mas maaga ak kaysa sa kanila. Inihatid na 'ko ni Kuya Ben, my personal driver, sakay ng black Lamborghini papasok ng school. I am already in grade ten. Pagpasok ko ng room, as always, binati ako ng mga classmates ko. "Good morning, Aikaterina!" "Good morning, Aika!" "Morning, princess!" Lahat sila sinuklian ko ng isang bright sweet smile hanggang makaupo ako sa seat ko. Hindi sa pagmamayabang, pero I am the so-called 'princess' ng class namin. Oh well, I can't blame them. I won't be called that way for nothing. -- After such time, finally lunch time na rin kaya't tumayo na 'ko sa upuan ko para lumabas. "Hi, Aika. Saan tayo pupunta?" tanong sa'kin ng bff kong si Mica pagkalapit niya sa'kin. "Sa canteen. Tara?" I said. "I heard that you're going out. Sama ako!" pagsulpot ng isa ko pang bff na si Sarrah. Naka pout pa ang loka. Pa-cute lang ampeg. "Sure. Let's go!" I said sabay hawak sa'kin ng mga bffs ko sa magkabilang braso ko at naglakad papuntang canteen. My life is very blessed. I have loving parents, luxurious life, bestfriends, good grades, may mahihiling pa ba 'ko? I have everything in my life. And I'm very thankful for having these. Kung itatanong niyo ay 'love life', well... "Hi, babe." bati sa akin ng boyfriend ko paglapit niya sa'kin dito sa puwesto namin ng bffs ko. I just gave him a sweet smile, 'yong abot hanggang tenga. Meet Kevin Ramos, my boyfriend. He's my first boyfriend, at second girlfriend naman niya 'ko. And, not just that, he's also a campus crush and varsity player namin sa basketball. Our relationship was already in two months. Alam kong bago pa lang kami, pero gusto ko forever na kami. And take note, legal kami both sides. "Oh, babe. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. "Not yet eh. Pero, makita lang kita, solve na ko," sagot niya with matching kindat pa. Pinakilig pa 'ko ng isang 'to. "Sweet naman!" kinikilig na sambit ni Sarrah. "Corny kamo!" sabat naman ni Mica. "Bitter!" pang-aasar sa kanya ni Sarrah. Nagtawanan na lang kami. Tatlong beses na kasing naloloko si Mica ng mga nagiging boyfriend niya. Malungkot kami para sa kanya, kaya naman ginagawa namin lahat para lang sumaya siya at makalimot siya pansamantala. But not in a bad way ha. Kung ang iniisip niyo ay drinking and bar hopping, of course not! We're just doing girl hangouts, travelling! Besides, we're still minors. Bawal pa 'yang mga inom-inom na 'yan. Pagkatapos naming kumain habang masayang nagkukuwentuhan ay sabay-sabay na kaming naglakad pabalik sa classroom. "Babe, iniimbitahan ka pala ng parents ko na mag-dinner sa bahay mamayang gabi. Okay lang ba?" sambit ko habang hinahatid niya 'ko sa klase ko. "Of course, babe. Kailan ba kita tinanggihan?" sagot niya ng nakangiti. Napangiti ako sa sinabi niya dahil sa saya, "Seven p.m. ha? Don't be late!" bilin ko sa kanya sabay kiss ko sa cheek niya. Tapos ay pumasok na 'ko sa room. Pagkatapos ay umalis na rin siya dahil magkaiba naman kami ng section. -- Tapos na ang classes ko at sakay na 'ko ulit sa service sa'kin ni Mang Ben. On our way, habang nakadungaw ako sa bintana, napatingin ako sa nilampasan naming convenience store. Bigla yata akong nag-crave sa ice cream. "Kuya, pwede bang i-park mo muna sandali itong kotse? I'll just buy something there at the convenience store. Don't worry, sandali lang po ito," paalam ko. "Sige po, Miss." Then, pinark na niya ito sa parking space sa tabi lang nito. "Uhm, ikaw Kuya Ben? You want something? Nagugutom po ba kayo? Ibibili ko po kayo," alok ko. "Naku 'wag na po, Miss Aika. Nakakahiya naman. 'Wag niyo na po akong alalahanin," nakangiti niyang sagot sa'kin at halata mong nahihiya talaga siya. "Kuya Ben, hindi na po kayo bago sa'kin. Para na po kayong second dad sa'kin, okay?" nakangiti kong sambit. "Salamat po," nakangiti naman niyang sagot. Hindi na bago si Kuya Ben sa amin. Personal driver ko na siya since nasa Kinder palang ako. At sobrang bait niya sa amin. Nakailang palit man ako ng service na kotse, pero ang driver siya pa rin. Bumaba na 'ko sa sasakyan at pumunta sa convenience store. Pagpasok ko pa lang, kumuha na agad ako ng ice cream sa malaking sliding glass freezer. At kinuha ko 'yong solo pack ice cream na rocky road flavor. Tapos, pumunta naman ako do'n sa steamer section kung nasaan 'yong siopao. Bumili ako ng dalawang regular size no'n at isang medium na Gulp. Matapos kong bayaran ang mga ito sa counter, lumabas na 'ko. Pero bigla na lang akong nabunggo ng kasalubong ko. Nalaglag tuloy 'yong ice cream ko na nasa plastic. "Ano ba 'yan," inis kong sambit sabay dampot no'ng plastic na may ice cream. Tiningnan ko 'yong bumunggo sa'kin. Dere-deretso lang ang loko. Ni 'di man lang nag-sorry, ni lumingon man lang. "Bastos," inis kong bulong. Isang lalaking nakaitim na jacket na may hoodie. Matangkad siya at katamtaman ang pangangatawan. Napailing na lang ako sabay irap tapos ay lumabas na ako para balikan si Kuya Ben. --- Sumapit na ang gabi. Nakaupo na kaming pamilya ngayon sa dining area. "Oh, si Kevin? 'Di pa ba siya darating?" tanong sa'kin ni Mommy. Bigla naman kaming nakarinig ng tunog ng doorbell. Napangiti ako, "O, baka siya na 'yan!" excited kong sambit. Tumayo ako para salubungin siya sa pinto. Hindi nga ako nagkamali. Si Kevin nga. "Good evening, babe," nakangiting bati niya sa'kin sabay abot ng isang bouquet of flowers. "Thank you. Halika na." At inakay ko siya papuntang dinning area. "Good evening po, Tita," sabay beso niya kay Mom. Ningitian naman siya nito. "G-good evening po...sir." Hala, bigla yata siyang na-tense kay Dad. Natawa na lang ako. "Good evening, hijo. Maupo ka na," ma-awtoridad nitong sambit. Kaya naman mukhang mas kinabahan pa si Kevin. Naupo na siya sa tabi ko. Nang magkatingnan kami ay napangiti na lamang kami sa isa't isa. "Don't be tensed, hijo. Hindi ako nangangagat," biro naman ni Dad. Napangiti naman kami kaya't medyo mukhang naging kalmado na si Kevin. "Let's eat," aya ni Dad. Masaya naman ang naging dinner namin. Marami kaming napag-usapan pero mas marami about Kevin's background- personal and family. Syempre, gusto pa siyang makilala ng parents ko. Then the rest, about na sa school, at syempre 'di mawawala ang pangaral at mga paalala sa huli. "Kevin, Aika is my only child. She's my princess and I love her more than anything else. So, please be good and take of her. Okay?" bilin ni Dad sa boyfriend ko. My dad is smiling gently so we all smiled at each other too. Ramdam ko ang pagmamahal ng daddy ko for me and I'm so thankful for it. "Pangarap ko na ma-witness na maikasal ang anak ko at ako mismo ang maghatid sa kanya sa altar someday." "Dad..." "Sweetheart, bata pa si Aika," sabad naman ni Mom. "I know, sweetheart. I'm just saying..." katwiran naman ni Dad. Nagkatinginan na lang kami ni Mom sabay ngiti. "Someday, ha? Someday. Not now, not soon. But someday. My Aika was too young for that thing. Aral muna, okay?" pahabol pa ni Dad. Natawa naman kaming lahat nang bahagya dahil do'n. Basta talaga sa mga gano'ng usapin, nagiging emotional si Dad. "Don't worry, Tito. You can trust me. I promise," tugon naman ni Kevin kay Dad with a smile. "But for now. Gusto ko munang maging first dance ng anak ko sa debut niya when she turns 18," sambit pa ni Dad sabay tawa. "I can't wait for that special day, Dad. Though, matagal pa 'yon. But still, I'm excited kapag naiisip ko siya. Basta Dad, pink dapat ang gown ko, ha?" I said. "Of course. Anything for you," sagot naman sa'kin ni Dad. We both know our limitations naman. Alam naming mga bata pa kami at may tiwala sa amin ang parents namin. And I'm happy because of that. Kaya hindi ko 'yon sasayangin. After that dinner, nagpaalam na nang maayos si Kevin sa parents ko tapos ay hinatid ko siya sa gate. "O pa'no. See you na lang sa school, okay?" sambit niya. "Okay," sagot ko. "Good night, babe. I love you," sabi niya then he kissed me on my forehead. "I love you too. Ingat ka. Text ka pag nakauwi ka na, okay? Bye!" sabi ko naman. Tapos ay lumabas na siya ng gate. I waved my hand at sumakay na siya sa kotse niya with his driver at umalis. After I closed the gate, nasulyapan ko 'yong dumaan sa harap namin. He looks familiar. Tinitigan ko pa siya habang naglalakad papalampas sa'min. The guy with the black hoodie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD