DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Faith ang mga mata nang magising ang kaniyang diwa. Sa pagmulat niya ng mga mata, wala siyang ibang maaninag kundi malabo. Malabo ang paningin niya ngayon. Bakit ganito? Anong nangyayari sa kaniya? Sinapo niya ang ulo at mariing ipinikit ang mga mata. May naririnig siyang boses sa kaniyang kapaligiran ngunit hindi niya malaman kung sino ang mga nagsasalita. Wala siyang ideya! Kalaunan ay muli niyang iminulat ang mga mata at mula sa harap niya, nakita niya si Dasha, nakatayo habang pinapaypayan siya. "A-An-nong nan-ngyari?" nagtataka niyang tanong saka iginala ang mga mata sa kapaligiran. Nakita niya pa ang dalawa niyang kaibigan na sina Cecily at Nathania. Sila lang tatlo ang kasama niya ngayon at may pagtataka sa mukha ng mga ito. "Ano bang nangyari? Bakit ako ga