NAKARATING na rin kami sa greenhouse na hindi naming nakasalubong si Via. Laki nang ginhawa ko nang makapasok na kami rito. “Letʼs start na, best! Malawak ang greenhouse niyo,” saad ni Rain sa akin at tinulak niya ako palapit kay kuya Rey. “Um, s-sure, umpisahan ko na ang paglilibot sa inyo sa greenhouse namin,” nauutal kong sabi habang kasabay ko sa paglalakad si kuya Rey. “Um, first stop, heto pong Fennel, kuya Rey...” Turo ko sa isang halaman. “Fennel is a flowering vegetable and belongs to the same family as carrots and celery. Heto naman po ay Parsley, herb from the apiaceae family. Also, may rosemary rin po tayo, kuya Rey, heto ay isang herb native to the Mediterranean region. The leaf and its oil are commonly used in food and also to make medicine...” pagpapaliwanag ko sa mga tan