NAKARATING na ako sa classroom namin at naningkit ang mga mata ko nang makitang nandoon na sina Rain and Asta. “Aha! Na-late ka ngayong araw, Mallory! Naunahan kita ngayon!” mapagmalaking sabi ni Asta sa akin at tumayo pa siya habang nakahawak sa kanyang bewang. Pinang-ikutan ko siya ng aking mga mata at binangga ang kanyang balikat. “Pabayaan mo niyang si Asta, best friend! Mag-kʼwento ka sa akin kung anong nangyari habang nasa byahe ka with kuya Rey!” masiglang sabi ni Rain sa akin. “Aha! Kaya pala na-late ka, ha?” Pinang-ikutan ko pa ulit siya ng aking mga mata. “W-wala naman... I mean, nagulat ako nang pumunta siya sa bahay namin ngayon... M-may alam ka bang pupunta siya sa amin, Rain?” Umiling siya sa akin. “Hindi ko rin alam, best, eh ʼdi sana chinat kita, ʼdi ba? Nagulat lan