FEBRUARY 10, ngayon ang araw ng mga organizer para sa debut ko. Isang araw na rin nang mangyari ang first kiss ko, hindi ko pa rin makalimutan, hindi ko tuloy alam kung paano haharapin si kuya Rey, nahihiya ako. Anyways, ngayon pala ay pipili na rin ako ng pagkain na ihahanda, susukatin ang gown at mga activities na pʼwedeng gawin sa mismong debut ko. Pipiliin ko sa activities ay ang 360 degrees camera at iyong photo booth para may souvenir sila mismo sa 18th birthday ko. Need ko rin mamili ng aking souvenir mismo pʼwera sa kinuha naming make it own perfume from Scent It All, sa second souvenirs ko ay pumayag na si mom na ang lamp shade na lamang na may rattan sa gilid. Pinagawa ko na sa pinsan ni Chloe. Sa dalawang gown na gagamitin ko ay nakapili na ako kaya wala na akong iintindihin doo