FEBRUARY 9, araw ng Sabado. Ngayon ang araw na pupunta ang organizer namin sa debut ko para sabihin sa amin ang progress ng aking debut na gaganapin sa Silvestre Five Star Hotel and Restaurant. Hindi lamang iyon, ngayong araw din ang pagpunta ng nagtahi ng aking gown, susukatin ko iyon if may need i-adjust sa aking gown na susuotin, dalawa pa man din iyon, isang pink and purple. Bumaba na rin ako nang matapos ang aking morning routine. Inayos ko rin ang aking kama bago bumaba, sa ganoong paraan ay maging productive ang araw ko. “Good morning, miss Mallory, may telephone po para sa inyo,” saad ni ate Kira nang malapit na ako sa huling baitang ng hagdan. Nakita ko ang wireless naming telephone na hawak niya. Nangunot ang noo ko habang nakatingin doon. “Sino po ang nasa likod ng phone na