6 - Penmate

1467 Words
Hindi na nakasagot pa si Anj sa mga huling sinabi ni Teddy sa kanya dahil narin pinaupo na sila ng flight stewardess. Naunang bumalik sa upuan si Anj nakita nalang niya na pumasok si Teddy sa banyo. Hindi malaman ni Anj kung maawa o magagalit ba siya sa binata dahil sa mga nalaman niya. Sobrang naawa ito dahil naramdaman ni Anj ang sakit na binase niya sa expresyon ng mukha at garalgal sa boses ng binata. Pero nananaig din ang galit dahil nandoon parin ang pakiramdam na nabastos siya. Sa pagpasok naman ni Teddy sa banyo. Walang humpay ang pagpigil nito sa bugso ng kanyang damdamin. Ayaw niyang makita ng kahit na sino na nasasaktan siya at pinaka ayaw niyang maramdaman sa kanyang sarili na nagiging mahina siya. Para sa kanya ang pag luha ay isang kahinaan at sinyales ng pagsuko. Malapit lang ang upuan ni Anj kung saan naroroon ang mga banyo ng eroplano, kaya naman narinig nito kahit papaano ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Napasinghap nalang si Anj ng makitang lumabas si Teddy at naglakad pabalik sa upuan nito. Hindi makuha ni Anj kung anong emosyon ang nasa mukha ni Teddy. Hindi nito makita ang saya gayun din ang lungkot. Tahimik lamang itong umupo sa may likuran ni Anj ngunit kasabay nito ang malalim na paghinga ng binata. Sa paglipad muli ng eroplano, hindi mapakali si Anj sa upuan nito. Maya't maya itong nagbabalak na lumingon sa kanyang likuran. Habang tumatagal lalong dumarami ang mga tanong sa kanyang isipan. Katulad nalang nang kung kamukha niya nga yung babaeng sinasabi ni Teddy, kung anong nangyari sa kanila, kung bakit siya pupunta ng Maldives. Lumalabas ang pagka chismosa ni Anj kung pag-ibig ang pag-uusapan lalo na kung lovelife ng iba. "Is there something bothering you madam?" Tanong ng stewardess nang mapansin si Anj. "Uh no. I'm fine." Biglang sagot ni Anj. Ngumiti ang babae sa kanya at tumalikod, pero hindi pa man ito nakalayo tinawag siyang muli Anj. "Miss, could I get some wine or beer please?" Galak na tumango ang stewardess at umalis upang kunin ang request ni Anj. Nang marinig naman ni Teddy ang request ng dalaga. Sinipa nito ang upuan sa kanyang harapan. Sinadya niyang lakasan ang pagkakasipa dito para makuha ang atensyon ni Anj. Pero hindi lumingon sa kanya ang dalaga. Nakakita ng tyempo si Teddy na makalapit kay Anj nang umalis para mag banyo ang matandang lalake katabi ng dalaga. Mabilis pa sa alas kwatro nakaupo si Teddy sa tabi ni Anj. "Oh! Anong ginagawa mo dito?!" Taas kilay na tanong ng dalaga. "Kailangan talaga wine? Beer?! Juice nalang!" Demanding ang tono ng pananalita ni Teddy. "Aba?! Bakit? Sino ka ba para pagbawalan akong uminom?" Masungit na bulalas ng dalaga. "Ako lang naman ang asawa mo." Nakita ni Teddy sa gilid ng mata nito na pabalik na ang stewardess na inutusan ni Anj. "At buntis ka! Baka makasama sa baby natin yan!" Nilakasan ni Teddy ang boses nito sakto lang para marinig siya ng stewardess. "Baby? Is she pregnant? I'm sorry. Let me just get you another drink." "Let me have that." Tinuro ni Teddy ang dalang alak ng stewardess. Ibinigay naman niya ito sa binata at umalis muli. "Ahhh. This is good." Anito matapos ubusin ang laman ng baso na para bang iniinggit si Anj. "Ha.Ha.Ha Funny." She said sarcastically. "Umalis ka na nga dyan. Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sa'kin." She said pouting her lips. "Ano bang pwede kong gawin para patawarin mo ko?" Napaisip ang dalaga. Pumasok sa isipan nito na pahirapan ang binata para makabawi man lang siya. Pero naawa naman ito kaya nag isip nalang siya ng iba. "Tell me everything." She finally said after a long pause. "Alin?" Ani Teddy. "Yung tungkol sa babaeng mahal mo." Hindi agad sumagot si Teddy. Hindi naman siya papayag na siya lang ang may kundisyon. Dahil sa una palang si Anj naman ang pinaka dahilan kung bakit sila biglang naging mag asawa. At kung bakit nangyari lahat ng nangyari. "Palitan tayo ng kwento. I'll tell mine, you tell yours." Confident na sabi Teddy. "Sige ba. You think I can't? Kung gusto mo umpisahan na natin ngayon eh." Paghamon ng dalaga. Papayag na sana si Teddy ngunit nagbalik na ang matandang lalakeng katabi ni Anj kaya bumalik nalang ito sa upuan niya. Nilabas nito ang kanyang tablet at dinala sa notepad app. He started writing. Mahal mo pa siya? Ipinasa nito ang tablet kay Anj. She gave him a stern look matapos nitong makita ang tanong. Maybe. I'm not sure!! Kaw ba? Ibinalik nito ang tablet sa binata. Oo. Pero wag nalang. Your most special moment with him? Halos matapon ang juice na kakabigay lang sa kanya ng stewardess nang mabasa nito ang tanong ni Teddy. Tumingin ito sa kanyang harapan giving him a questioning look. !!!! Really!!?? Are you trying to make me cry again?! Matapos isulat ng dalaga iyon napaisip siya kung ano nga ba ang sagot sa tanong ng binata. Wala itong mahagilap na espesyal na alala kasama ang ex nito. Natagalan bago ito nakasulat ulit. None. Binura nito ang una niyang sinulat at ipinalit ang maikling sagot na iyon saka binalik sa binata ang tablet. Bakit mo siya minahal? Acceptable reason. Isang tanong nanaman na nagpaisip kay Anj. Ano nga ba ang dahilan? Wala itong maisip na malalim na sagot. All she knew is he likes him dahil gwapo siya, matangkad, macho at mabulaklak magsalita. Naisip ni Anj na iyon nalang ang isulat pero alam niyang hindi iyon tatanggapin ni Teddy. 'Coz he made me fall for him. Nakalimutan na ni Anj na magsulat ng tanong para kay Teddy dahil masyado itong na focus sa mga sagot niya. Bakit ka niya iniwan? Unti unti ng natatamaan ng lungkot si Anj sa mga tanong na pinapasa sa kanya ni Teddy. Napapakamot na ito ng noo at napapabuntong hininga na. Nakuha na rin niyang maubos ang juice na dinala sa kanya ng stewardess. Hindi na daw sya masaya! Mas mahal na daw nya ung bading! At hindi daw siya bagay para sa'kin. Masyado daw akong maganda para sa kanya. Bago nito ibalik ang tablet kay Teddy sumulat ulit siya. P.S jowk lang ung huli. ^_^ P.P.S bat ikaw lang nagtatanong? Eto tanong ko. Kamukha ko nga ba siya? O ine etchos mo lang ako? Napangiti kahit papaano si Teddy. Napapabilib siya sa angking tapang ni Anj. Dahil sa kabila ng sakit na dinulot sa kanya ng pag-ibig nakukuha parin niyang mag joke. Magkahawig kayo. Matipid na sagot ng binata. Bat kayo nag break? P.S sinong mas maganda? Haha okay lang kung ayaw mong sagutin =) Tumagal bago naibalik ni Teddy ang tablet sa dalaga. Hindi kasi nito alam kung paano niya sasabihin ang sagot na kung saan agad maiintidihan ng dalagang kausap niya. At medyo natawa din ito sa pagalawang tanong ng dalaga. Hindi kami nag break dahil hindi naman kami. Pagkabasa ni Anj sa sagot ng binata mukhang na excite ito sa kwento at agad na nakasulat ng kasunod na tanong para kay Teddy. Waaaahh!! M.U lang kayo? Pero na fall ka? Grabe ha. So, iniwan ka nalang niya bigla ganon?! Oo lang ang naging sagot ni Teddy na medyo naiinis na sa mga tanong dahil alam nito kung saan papunta ang mga tanong ni Anj. Ipinagpalit ka ba sa iba? Or iniwan ka lang? Excited na binigay ni Anj ang tablet sa binata. Naghintay ito ng sagot ngunit lumipas ang ilang minuto hindi bumabalik sa kanya ang tablet. Kaya naman lumingon ito sa binata. "Hoy! Ano na? Sagot! Dali!" "Ayoko na." He mouthed. "Epic. Di mo naman pala kaya. Tss." Padabog na humarap muli si Anj sa upuan niya. At pabulong bulong dahil sa inis. Hindi gusto ni Teddy ang pakiramdam na siya ang nasa hot seat mas gusto nito na siya ang interrogator. Kaya ito tumigil sa pagsagot. Pero nang makita niyang nakasimangot si Anj napangiti ito. Hindi niya alam kung nag eenjoy lang ito sa nakakaaliw na attitude ni Anj o nasisiyahan siyang inisin at amuhin muli ito. Kaya nagsulat na ito bago pa pagkamalang baliw si Anj atsaka ito agad ibinigay sa dalaga ang tablet. Wag ka ng sumimangot. Baka maging bugnutin ang baby natin nyan ;) at sagot sa tanong mo, oo iniwan nya ko. P.S medyo pango ang ilong mo pero sige mas lamang ka ng isang paligo. Umaliwalas ang mukha ng dalaga pagbigay ng tablet sa kanya. Lalong lumapad ang ngiti nito nang matapos niya ang nakasulat. Parehas nilang naramdaman na parang nawalan sila ng tinik sa dibdib sa pag share ng kanilang mga suliranin sa pag-ibig. Narealise ni Teddy na kaya naman pala niyang sabihin ang lahat basta wag lang harapan. Samantalang si Anj naman mas lumawak ang isip nito tungkol sa naging pagtrato sa kanya ng ex niya. Lumipas ang mga oras at minuto, nag anunsyo na ang piloto, "Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Malé International Airport. Please make sure one last time that your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD