Binigyan ng oxygen si Anj habang binabaybay ng ambulansya ang daan papuntang ospital. Nasa tabi niya si Teddy na pinagpapawisan sa sobrang pag-aalala. At kahit hirap makahinga si Anj pinilit nitong inabot ang kamay ni Teddy saka ito nagpakita ng ngiti. Mahigpit na hinawakan ng binata ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa ospital. Hindi na pinapasok si Teddy sa loob ng emergency room at kahit pa gusto niyang pumasok. Nag thumbs up sign si Anj bago magsara ang pintuan ng E.R.
"Hey." Mahinang tungon ni Teddy nang makapasok na siya sa E.R. Nakangiting kumaway si Anj pagkakita nito sa binata. May oxygen parin siya sa kanyang bibig at may mga nakaturok na gamot sa kanyang ugat. "Are you feeling better?" Tumabi si Teddy sa gilid ng dalaga.
Bahagyang inalis ni Anj ang oxygen saka ngumiti sa binata. Hindi pa kayang magsalita ni Anj dahil medyo namaga pa ang kanyang lalamunan. Pero kinuha nito ang kanyang phone para makapag comunicate sa kasama.
Concern ka talaga sakin eh. =) okay na ko. Balikan mo na ung americana mong fren
Umismid lang si Teddy pagkabasa sa text ng dalaga. "Selos ka?"
Umiling si Anj. "Ahhh. Oo nga pala kasi may bago kang kaibigan." Naiiritang sabi ni Teddy.
"Bukas nalang tayo magusap. Pagaling ka." Padabog na lumabas ang binata sa E.R..
Nakaramdam ng kilig si Anj dahil pakiramdam niya may concern si Teddy para sa kanya. Maikli pero magaang ngiting kumawala sa kanyang mga labi ang naging patunay niyon.
~
Naglakad lang pabalik si Teddy sa resort. Paraan niya na rin ito para alisin ang inis sa loob niya. Naalala ulit niya 'yong nakasamang lalaki ni Anj at iyon ang kinaiinis niya. Noon kasing maharap at magka-usap pa sila ni Anj, tumitingin din 'yong lalaki kay Teddy na para bang nagmamayabang.
"How is she?" Hinihingal na tanong ni Hale na tumakbo mula resort. Sinalubong niya si Teddy na kakapasok palang ng resort.
"Why do you wanna know?" Masungit na tugon ni Teddy.
"I felt quite reponsible for what happened. I gave her the dessert. Didn't knew she was allergic to it." Paliwanag nito. Kumunot ng noo ni Teddy at ngungitngit ang ngipin. "Just wanna know if she's okay man." Umurong ng kaunti si Hale nang makita ang reaksyon ng kausap.
"She's okay." Nagsimula ulit maglakad si Teddy at nilagpasan na si Hale. Ginawa niya ito dahil halos masugat na ang kamao niya sa sobrang pagkuyom. Alam niya sa sarili niya na baka masuntok niya ito kaya siya na ang umiwas.
"Good. I'll go check on her." Aalis na sana si Hale pero nagsalitang muli si Teddy.
"Dont ever go near my girl again." May diin sa bawat salitang binitawan ng galit na binata.
Nanliit ang mata ni Teddy sa galit na parang matalim na kutsilyong nakatuon sa mga mata ni Hale. Hindi na kumontra pa si Hale, itinaas nalang nito ang kanyang kamay sa ere bilang pagsuko.
Buong gabing unimon ng alak si Teddy. Hindi nito maialis sa kanyang isipan ang pagalala kay Anj. Gusto niyang puntahan ito pero nagaalinlangan siya. Hindi nito maiwasang matanong ang sarili, kung bakit nga ba siya nag-aalala kay Anj. At kung may kakaibang nararamdam naman ito para sa dalaga.
Kakaiba para sa kanya ang ganitong pakiramdam. Hindi ito katulad nang nakaraan niyang pag-ibig. Saya at lungkot ang nararamdaman niya kasabay ng matinding kaba sa dibdib. Mayroon itong kagustuhang pasayahin ang dalaga at tulugan ito sa kanyang problema. Hinihingi ng katawan niya na palaging mapalapit sa dalaga.
Kinaumagahan, hindi na nakapasok pa sa loob ng beach cottage si Teddy at sa labas nalang ito nakatulog. Ginising siya ng malakas na bugso ng hangin kasabay ng mataas na sikat ng araw. Nakakalat sa buhagin ang mga bote ng alak na wala ng laman.
"Good Morning." Masayang bati ni Anj na nakatayo sa harapan ng binata.
Nagulat si Teddy at inakala pa nito na nanaginip lang siya. Maraming beses pa itong kumurap bago tuluyang mapatunayang nandoon na nga si Anj sa kanyang harapan.
"Sandaling oras lang akong nawala, namiss ko agad ang dagat." Nagstretching pa ito ng kamay at paa. "Namiss ko din yung pangungulit mo." Sandaling tumigil ang dalaga kasabay ng malambing na ngiti. "Kaya eto, agad akong nagpa-discharge."
"Okay ka na ba?" Napatayo ang binata saka tinignan ang balat at leeg ng dalaga.
"Oo. Okay na ako. May gamot pa akong iinumin for today but I feel perfectly fine."
Tumalikod ang dalaga para muling lumanghap ng sariwang dagat hangin. Nagulat na lamang ito nang maramdaman ang mainip na bisig ng binata sa kanyang tiyan na mahigpit na yumakap sa kanya. May mga mahihinang hikbing naramdaman ang dalaga kaya naman yumakap narin ito sa mga brasong nakayap sa kanya. "Wag kang O.A okay na ako."
Hindi kumalas ang binata sa pagkakayakap niyang iyon. Lumipas ang ilang minuto napagtanto ni Anj na parang hindi na gumagalaw si Teddy at lumuwang na ang yakap nito sa kanya. Unti-unting bumigat ang katawan ng binata. Nakatulog pala itong muli.
At dahil mabigat si Teddy, wala ng nagawa pa ang dalaga kungdi hayaan nalang mahiga si Teddy sa buhangin. Humingi nalang ito ng tulong sa mga turistang dumaan upang maipasok at maihiga siya sa kama. Minabuti ni Anj na iwanan na muna si Teddy doon upang pareho silang makapagpahinga. Umuwi ito sa kanyang hotel room para na rin makapagpahinga at makaligo.
Sa paglusong nito sa malamig na outdoor shower. Panay ang rehistro ng mukha ni Teddy sa bawat pikit niya. Sinubukan nitong sabunin ang kanyang mga mata pero hindi parin ito mabura. Nakakaramdam din ito ng kakaibang kurot sa kanyang puso. Kurot na hindi masakit, kurot na parang nakakakiliti.
"Nagkakagusto na ba ako sa kanya?"
"Ano ba itong nararamdaman ko?"
Mga tanong na lumiligid sa kanyang isipan. Tanong na ang tanging sagot ay maririnig kung siya ay magtatanong.
~
Nagising si Teddy pagsara ng pintuan ni Anj. Naramdaman nitong humawi ang kamay ng dalaga sa noo niya bago ito umalis. Gusto pa niyang makasama ang dalaga. Gusto pa niyang naramdaman ang palad na humahaplos sa kanyang mukha. Gusto niyang pigilan ito sa pag-alis. Gusto nitong makatabi ang dalaga. Ngunit pilit siyang tinatalo ng kanyang nagmamatigas na damdamin.
Hindi na nakatiis si Teddy. Matapos itong maligo agad itong nagtungo papuntang hotel.
Hindi na rin nakatiis pa si Anj. Maging siya'y agad bumababa sa hotel room nito para balikan ang binata.
Nagkasalubong ang dalawa sa labas ng hotel. Malayo palang sila sa isa't isa ramdam na nila ang kaharap. Nagkasalubong sila sa matulin na daan na nakapagitna sa mga puno ng buko. Ang mga hagikgik nh nga batang naglalaro ang humuni sa kanilanh paligid kadabay ang pagpalo ng hangin. Ang prisensya ng bawat isa ay nagpakalma sa kanilang mga nagwawalang damdamin. Sa pagtama ng mga matang puno ng pag-aalala, nakaramdam ng kaginhawaan ang dalawa.
"Oh, sa'n ka pupunta?" Unang tanong ni Teddy.
"Um, may sasabihin sana kasi ako." Nahihiyang tanong ng dalaga.
"Ano 'yon?" Excited na tanong ng binata.
"Bakit ka muna nandito? Sa'n ka pupunta?" Malambing na tanong ni Anj.
"Ah. Kasi pupuntahan sana kita, may sasabihin sana ako." Nauutal na tugon ni Teddy.
"Ganun ba? Sige mauna ka na." Nakagiti pero kinakabahan na pagsabi ni Anj.
"Hindi sige, mauna ka na." Kinakabahan ding sagot ng binata.
Hindi na nakasagot pa si Anj. Tanging naririnig na lamang nito ang lakas nang kabog ng puso niya. Hindi na rin nagawa pang magsalita ni Teddy dahil para itong nakalunok ng bola at ayaw lumabas nang mga salita.
Nakaramdam na ng paunti-unting awkwardness ang dalawa. Mabuti na lamang at may batang tumakbo at pareho silang binangga. Doon lamang sila ulit nagkaroon ng panibagong lakas ng loob para magsalita.
"Ah Teddy, bukas nalang." Tumalikod at kumaripas ng takbo si Anj pabalik sa hotel. Habang naiwang nanghihinayang si Teddy para sa pagkakataon.
Mabilis ang lakad ni Anj papasok sa hotel, hindi parin mawala ang kaba nito. Nagtago ito sa likod ng pader, hawak-hawak ang kanyang pusong tumatakbo sa bilis.
"Anj?" Mabilis na nilingon ni Anj ang lalakeng tumawag sa kanya. "Anj! Nakalabas ka na. How are you?"
"Hale?!" Nagulat si Anj pero mabilis naman itong nakabawi. "I'm okay now."
"Really? You look tensed. You're sweating." Puna sa kanya ni Hale na itinuro pa ang noo ng dalaga.
"Oh this? I jogged." Kunwaring sagot ni Anj habang pinupunasan ang pawisan nitong noo.
"I'm sorry about what happened."
"Its not your fault." Ngumiti ng kaunti si Anj sa binata.
"I want to make it up to you. Can I buy a drink?"