Kabanata 55

1505 Words

Avannah's P. O. V. Napabalikwas ako nang mapanaginipan ko kung paano ano nalaglag mula sa malaking bato. Itinulak pala ako ni Divine. Ang babaeng baliw na baliw kay ninong. Sa tingin ko, malapit ko ng maalala ang lahat. Ilang araw pa lang kaming nananatili dito ni ninong, may mga naalala na ako kahit papaano. At lahat ng iyon ay napapanaginipan ko. "Honey? Bakit?" tanong sa akin ni ninong nang magising siya. Napahawak ako sa ulo ko. "Naalala ko na kung paano ako nalaglag. Kinukuhaan ako ni Divine nang picture. Tapos nagkunwari siya na nakita ka niya sa dagat kaya napatingin ako. Pagkatapos, doon na niya ako itinulak." Mariing napapikit si ninong. "Huwag kang mag- alala, magbabayad si Divine sa ginawa niya sa iyo. Humanda siya sa akin. Ako na ang bahala sa kaniya." Tipid akong ngumiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD