Umuwi ng bahay nainis na inis si Keith. Sa lahat ng babaeng naka-date niya ay hindi niya akalain na isang fan ang magpaparamdam sa kaniya ng ganun. First time niyang maka-encounter ng babaeng ni hindi man lang nagkaroon ng interes sa kaniya. Pinagdududahan na tuloy niya ang sarili na baka nawala na nga ang appeal niya sa mga babae, na baka nga nalalaos na siya.
Nang gabing iyon ay hindi siya dalawin ng antok naisip niya ang ka-date niyang si Alexa. May kakaiba sa babaeng iyon na hindi niya maipaliwanag. Inaamin niyang maganda ito, sa edad nitong nineteen ay matured na talaga itong mag-isip. Napaka natural nitong kumilos at hindi man lang na-conscious sa kaniya.
Para siyang siraulong tumatawa na mag-isa kapag naaalala niya kung gaano kalakas kumain ang babaeng iyon, namumutok pa ang pisngi nito sa dami ng pagkain na nakapasak sa kaniyang bibig. Nagpabiling-biling siya sa kama at naghanap ng magandang posisyon para makatulog ngunit hindi talaga siya dalawin ng antok.Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. Tawang-tawa talaga siya kay Alexa.
"Oh, sh*t!" inis na sabi niya. Bakit ba kasi kailangang isipin pa niya ang babaeng iyon.
Binuksan na lamang niya ang tv at nanuod ng pelikula, isa iyon sa mga pampaantok niya, hanggang sa lumipas ang kalahating oras, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
-
Nagulat si Keith nang sa pagdilat ng kaniyang mga mata ay mabungaran niya ang kaniyang manager na si Bambi, nakaupo ito sa sofa chair at nakaharap sa kaniya. Agad siyang napabangon at muntik pang mahulog sa kama dahil sa sobrang pagkabigla.
"Huh! s**t! Bambi, what are you doing in my room?" gulat na tanong niya.
"Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag ko. Kanina pa kita kinokontak," tugon nito.
Hindi naman talaga niya maririnig ang tawag ng kaniyang manager, dahil naka silent ang phone niya at isa pa ay ipinasok niya iyon sa volt para walang istorbo sa kaniyang pagtulog.
Napakamot siya ng ulo. "Ano ka ba? Ang aga-aga pa, bakit ka ba tumatawag?"
"Anong maaga? It's already 1'o clock in the afternoon, maaga pa ba 'yan?" mataray na sabi nito.
Napalingon ang binata sa side table ng kaniyang kama kung saan may nakapatong doon na orasan. Sinipat niya ang oras, tama nga si Bambi, ala una na nang hapon ng mga sandaling iyon.
"So bakit ka nandito? Nakabakasyon ako 'di ba? Pinagbigyan ko na kayo sa date with a fan na 'yan. Siguro naman pwede na akong mag-relax?"
"Hindi pwede, cancel ang vacation mo."
Nanlaki ang mga mata ni Keith. "What? No way, bakit maka-cancel?"
"Nagustuhan ng mga tao ang naging date ninyo ni Alexa, they want to see more of you."
"F*cking No! Ayoko na Bambi, ang usapan ay usapan. Pumayag na akong makipag-date, dapat ay pagbigyan n'yo rin ang vacation leave na hinihiling ko."
"I'm so sorry, Keith Bakit hindi mo na lang kaya isama si Alexa sa vacation mo?" suhestiyon nito.
"Ano? Are you crazy? Kaya nga ako magbabakasyon dahil gusto kong mapag-isa, tapos gusto mo isama ko ang babaeng 'yon, pati ang buong staff and crew ng show. Bakasyon pa bang matatawag 'yon?"
"Listen Keith, kailangang samantalahin natin ang pagkakataon habang mainit pa ang issue. Gustong-gusto ng mga tao how you treated Alexa. Na-realised nila na hindi ka naman pala snob at may puso ka para sa iyong mga fans. Unti-unti nang bumabango ang pangalan mo, ayaw mo ba no'n? Iyon naman talaga ang gusto nating mangyari kaya nga nabuo ang A Date with Keith."
"Kayo lang ang may gusto nun, not me, okay? Basta na nga lang kayo bumuo ng concept na ganiyan na hindi man lang kinukunsulta sa akin."
"Keith, this is your chance na mas lalo pang pabanguhin ang pangalan mo sa publiko."
"Gusto mong gamitin ko ang babaeng iyon para sa career ko, ganu'n ba?"
"Yes, exactly!"
"Teka lang, matanong ko nga, ang babaeng 'yon totoo bang fan ko siya? Totoo bang nanalo talaga siya sa raffle at nabunot or isa lang iyon sa mga talent na kinuha ninyo just to play the role of a fan dating his idol?"
"Of course fan mo siya, legit ang pa-contest na 'yon, walang hocus focus. Live ang electronic raffle at wala kaming kinukuha na talent o kung anuman na sinasabi mo."
"Hmm... Bakit mo naman ba naitanong ang bagay na 'yan?
Umiling si Keith. "Wala lang. There is something with that girl. I doubt it, she's not a fan. She didn't even know me."
"Totoo ang sinasabi ko, Keith. We're doing everything para mapaganda pa lalo ang image mo sa public kaya makisama ka na lang kung ayaw mong tuluyan ka ng maungusan ni Ryle."
Natahimik ang binata, isa na namang pagpapaubaya ang kaniyang gagawin for the sake of his career.
"Okay fine, whatever you want. Sige, sumama na kayong lahat sa Siargao," walang ganang sabi niya.
"Yes, okay, sige, sasabihan ko na si Lou na kontakin si Alexa. Thank you Keith!" Lumapit ito sa kaniya at yumakap. Kita ang kasiyahan sa mukha nito.
Nanulis ang nguso ni Keith. "Umalis ka na nga! Matutulog pa 'ko!" Inihagis niya ang nadampot na unan sapul sa mukha ni Bambi, sabay higa sa kama ng padapa. Inginudngod niya ang ulo sa unan para hindi na niya makita ang nakakabuwisit na pagmumukha ng kaniyang manager.
Pagtanggal ni Bambi nang unan ay halos bumakat ang buong mukha nito sa puting punda. Nagulat ito at napahawak sa mukha, kaya naman pala ang gaan na ng pakiramdam niya ay naubos na ang make
up niya at nalipat na sa unan.
Mabilis siyang lumabas bitbit ang unan. Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya ang isa sa mga kasambahay ni Keith, tinawag niya iyon.
"Ineng, halika!" aniya, agad naman lumapit ang dalaga rito.
"Bakit po, Sir?" kiming tanong nito.
Umangat ang kilay ni Bambi. "Putok na putok ang make up ko, Day! Naka-micro mini skirt pa 'ko at stilleto shoes tapos tatawagin mo 'kong, Sir! Bulaga ka ba?" mataray na tanong nito.
"Hindi po, Si-sir... ay Ma'am pala," tarantang sagot ng kasambahay.
"Hmp! Whatever! Kunin mo 'to, palitan mo ng punda, huwag mong ibabalik sa kwarto ni Keith 'yan ng hindi napapalitan ng bagong punda, naiintindihan mo?" masungit na utos nito.
Alanganing kinuha ng kasambahay ang unan na inabot ni Bambi.
Napaawang ang bibig nito ng makita ang bakas ng mukha ng manager sa punda.
"Naku, Sir! Bakit humiwalay po yung mukha ninyo sa ulo n'yo? Paano pong napunta sa unan?" inosenteng tanong nito.
Halos umusok ang ilong ni Bambi sa inis sa kaniyang kaharap.
"Pwde ba gawin mo na lang ang inuutos ko sa'yo, bakit ba ang dami mong tanong?" Namumula na ang mukha nito sa inis.
"Ah, sige po, ibabalik ko na po ito sa kwarto ni Sir Keith." Tarantang iiwan na sana nito si Bambi kaya lang ay mabilis itong hinatak ng manager sa braso.
"Teka nga, anong ibabalik? Huwag mong ibalik, palitan mo muna ng punda, gaga!"
"Ay oo nga po, Sir. Sige po papalitan ko muna ng punda."
Natampal nito ang sariling noo sa labis na pagkadismaya. "Sir na naman! Hay, ewan ko sa'yong babae ka! Makaalis na nga!" Pamartsang lumakad ito palabas ng bahay.
Naiwang napapailing naman ang kasambahay. Nahihilo siya sa pakendeng-kendeng na lakad ni Bambi.