◄David's POV► Kararating lang namin dito sa mansyon. Wala akong nakikita at nakaupo lamang ako sa sasakyan dahil ililipat daw ako ni kuya sa wheelchair. Hindi ko rin alam kung ilan ang mga taong nakamasid sa akin ngayon dito. Ang alam ko lang ay nararamdaman ko ang mga tao sa aking paligid. Alam ko rin na kahit hindi ko nakikita ay nandirito ang aking mga magulang. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil ayokong magalit, ayokong mapahiya sila sa mga tao na nandirito ngayon kaya nagpapanggap lang din ako na hindi ko alam nandito sila. Pero hindi ibig sabihin ay natutuwa ako na nandito sila. Galit na galit man ako sa kanila, sila pa rin naman ang magulang ko. Pero iba din kasi ang tinatakbo ng isipan ko, paano kung hindi nangyari ang aksidente sa akin? Baka tuluyan na nilang nailayo sa