Chapter 2

1030 Words
Pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko, magmula nang araw na iyon ay lahat ng napapanagipipan ko ay sinusulat ko sa aking sticky notes, dinidikit ko ito sa wall ng study table ko. Nagpakawala muna ako ng isang malakas na buntong hininga bago ako umalis mula sa aking higaan. Inayos ko na ang sarili ko dahil baka first day na first day ng klase ih ma late ako. Matapos ng nangyari sa kaibigan ko ay parang natakot na akong makipag usap at makipag kaibigan sa mga kaklase ko. Ako ang kaibigan niya, at alam ko kung anong mangyayari pero hindi ko man lang siya natulong. Masyado kong binabaliwala ang napapanaginipan ko noon na naging resulta ng pagkawala niya. Bumaba na ako matapos kong ma ready ang mga gamit at sarili ko. Sumalubong sa akin ang nag t-tea na si mommy. “Good morning Ma” bati ko. Tumingin lang siya sa akin at tumango. Hindi niya pa rin matanggap ang naging desisyon ko. Tss! Hindi na ako muling kumibo pa at kumain na lamang ng breakfast. Sana lang maging maayos ang stay ko sa bago kong paaralan. Kahit wala akong kaibigan basta payapa lang pananatili ko roon ay ayos na ako.   Selene’s POV   Nakayuko kong tinatahak ang pasilyo patungo sa aking classroom, bago man ako dito ay alam ko naman na rin ang daan kaya hindi ko na kailangang mag tanong pa. Nahihiya rin akong magtanong, mukhang may kanya-kanya rin kasing mundo ang mga tao dito. Nang nasa harap na ako ng room namin ay huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Kaya mo to Sel! Huwag ka na lang mag salita para hindi nila sabihing wieirdo ka. Itinaas ko pa ang kamao ko at mabilis na hinila ito papuntang liko. AJA! “A-Aray!” Agad akong napalingon ng may biglang sumigaw sa likod ko. Nakita ko ang isang lalaki na naghihimas ng kanyang tiyan. Bakas ang inis sa mukha niya. “So-sorry po” Nakayukong hinging umanhin ko. Natamaan ata siya ng siko ko. Kinakabahan ko panng inangat ang tingin ko sa lalaki. Kunot ang nuo niyang nakatingin sa akin. “Tsk! Tabi!” Mahina ngunit may diin na saad niya, kaya dali-dali akong tumabi. Pumasok siya sa classroom na papasokan ko na sana. Kaklase ko siya? Tanong ko sa sarili. Sumunod na lang rin ako sa lalaki. Pagkapasok ko ay kakaunti pa ang mga studyante sa loob. May iba ay nagkukwentohan, habang ang iba naman ay nakayuko lang sa desk. Iginala ko ang aking paningin sa kabuoan ng classroom. Nakita ko namang bakante ang mga upoan sa likod kaya doon na ako pumwesto. Nasa kabilang dulo ng upoan ang lalaking nasiko ko kanina. Naglalaro atasiya sa kanyang cellphone. Kinuha ko na lang ang sketch book at lapis ko at saka nagsimulang gumuhit doon, iyon lang ginagawa ko habang naghihintay sa aming guro.   Ale’s POV   Kahit anong pagmamadaling gawin ko ay late pa rin talaga ako. Tsk! Pagpasok ko ay saktong pagtayo ng kaklase ko ata? Getting to know each other pa ata ang peg. Yumuko ako sa prof namin, sinenyasan naman niya akong maupo. Ginala ko ang paningin ko upang maghanap ng bakanting upoan at saktong may bakante pa katabi ng ng nagsasalita kaya doon na ako dumiretso. “Hi! I’m Nyx Than Vitalis, 18, from Olympus Academy. My hobby is to observe my sorroundings and the people around me, I’m not weird, that’s just my personality. I guess my dream is to be a psychologist? hihi It’s great to meet you all. I hope we can get along.” Iyon lang at umupo na ang katabi ko, ngumiti pa ito pagkalingin sa akin. Tumikhim muna ako bago tumayo. “Good morning everyone. I’m Alessa Ariti from Rakter Academy, 18, uhm—my hobby is to talk with animals? If that’s considered as a hobby. I’m a pet lover, so obviously my goal is to become a veterinarian. Please to meet you all.” Bahagya pang nakangiti na saad ko. Pagkatapos ay umupo na rin. Nginitian pa ako ng lalaking naunang magpakilala at kumaway pa. Nginitian ko lang siya. At tumingin na sa harap. Wala namang masyadong nangyari sa buong klase ko sa umaga, puro pakilala lang sa mga prof namin. Nalaman ko rin na iilan lang sa amin ang mga bago sa school na to, sampo lang ata kami, o less than that? Nang lunch break na ay agad kong tinapos ang aking pagkain upang makapaglibot libot pa ako sa bago kong school. Makalipas ang ilang minutong pag libot-libot ay nakarating ako sa likod ng aming building, namangha ako sa ganda ng harden. Mabulaklak ang mga nakatanim na bulaklak at napaka green ng bermuda. Nakakita ako ng isang malaking puno kaya nakapagdesisyonan ko na doon na muna tumambay. Sinandal ko ang aking sarili sa malaking ugat ng kahoy. Napakasariwa ng hangin at maganda ang tanawin. Hindi mo maiisip na nasa paaralan ka pa dahil sa ganda ng landscape. Nice choice ka siz! Medyo nagulat pa ako ng may biglang lumundag sa akin na pusa. Saan naman kaya galing to? “Taga dito ka ba?” Tanong ko sa pusa. “Opo, dito na nga rin ako lumaki ih. Meowww!” Sagot sa akin ng pusa. Kung nagtataka kayo kung bakit ko naiintindihan ang pusang to, ay h’wag na kayong magtaka kasi isa to sa mga kakayahan na binigay sa akin noong ikalabing walong taon ko. Noong una ay nag freak out pa ako kasi, sino ba namang hindi? Bigla bigla ko na lang naiintindihan ang mga hayop sa paligid ko. Pero kalaonan ay nasanay na rin ako. Hinimas himas ko ang balahibo ng pusa at nakipagkwentohan pa sa kanya. “Ang swerte mo naman, at malaya kang nakakagala sa magandang lugar na ito araw-araw. Total ay dito ka na lumaki, bakit hindi mo ako e tour sa buong school? Bago lang kasi ako dito.” Saad ko sa pusa. “Bakit ka pa sa pusa magpapatour kung pwede naman na sa akin?” Laking gulat ko na lang nang may biglang lumondag sa harapan ko. HIAAAA!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD