bc

Lost City of Hammurabi

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
adventure
fated
independent
self-improved
twisted
bxg
lighthearted
mystery
self discover
special ability
like
intro-logo
Blurb

Ano ang mararamdaman mo kung bigla na lang pag gising mo isang araw ay may kakayahan ka nang kontrolin ang mga hayop at tao sa paligid mo? Ang magpalipad ng mga gamit o hindi kaya ang basahin ang isip ng tao?

Lahat iyan ay mayroon kaming magkakaibigan.

On the day of our 18th birthday bigla na lang nagbago ang mga buhay namin. May mga kakayahan na biglang lumabas at hindi ko lubos maisip na may dala pala itong napaka-bigat na responsibilidad, responsibilidad na hindi ko alam kung kaya ko bang gampanan.

Makakaya kaya namin? Makakaya kaya naming hanapin ang nawawalang lungsod na siyang kailangan naming protektahan sa bingit ng pagkagunaw?

Our goal is to protect and find the Lost City of Hammurabi.

The only question here is, can we do it? Are WE ready to fight?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ale’s POV    “s**t! Faster! Papalapit na sila” humihingal na saad ng lalaking nakaitim na hood. Tumatakbo kami ngayon sa gitna ng madilim na kagubatan na ito, sobrang dilim ng paligid dahilan kung bakit hindi ko makita ang daan na aking tinatakbohan, hindi ko rin makita ang mukha ng aking mga kasama, hindi ko alam kung gaano na kami ka tagal na nagsimulang tumakbo basta ang alam ko lang ay pagod na pagod na ang katawan ko at alam ko na ganoon rin sila dahil rinig na rinig ko ang mabibigat nilang paghinga, halos bumigay na rin ang aking mga tuhod at paa sa pagod. “Aray!” biglang sigaw ng kasama naming babae. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nanlalabo na rin ang paningin ko. Huminto kaming lahat sa pagtakbo at nilingon ang aming kasama na nadapa “s**t!” muling sigaw ng lalaking kasama ko matapos makita ang nagdurogo na paa ng babae, may isang matulis na kahoy ang nakatusok sa gilid ng paa niya! Shit! s**t! s**t! Bakit ngayon pa? Ang lapit lapit na ng mga lobong humahabol sa amin! Dahan-dahan kaming napapaatras habang dahan-dahan rin na lumalapit sa amin ang pinakamalaking lobo sa grupo. Ito yata ang lider nila. Bakas ang pagkabahala sa mukha ng aking mga kasama, napapikit ako ng biglang dakmain ng lobo ang kasama naming babae. “STOP! STAY AWAY FROM HER” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw. Agad namang huminto ang lobo sa pagsugod sana sa aking kasamahan, dahan-dahan itong umatras. Nakahinga kami ng maluwag matapos makitang sinunod ako ng lobo. Lalapitan na sana namin ang babaeng hanggang ngayon ay dugoang nakahandusay hindi kalayoan sa amin nang bigla kaming sinugod ng mga kasamahan ng mga lobo. s**t! Sigaw ko na lamang sa aking isip. Sisigaw na sana ulit ako upang pahintoin ang mga ito nang sa hindi inaasahan ay bigla na lang nag liliparan ang mga bato at kahoy sa aming paligid, tinamaan ang mga lobo. Bigla na lang rin na may lumabas na mga usok sa baba ng katawan ng mga lobo at hindi nagtagal ay bigla na lang natumba ang mga ito. WHAT THE HELL? What was that?         HINIHINGAL akong napabangon mula sa aking pagkakahiga. Ang mga eksena na naman na iyon. Tsk! Ilang gabi ko na ring napapanaginipan ang mga tagpong iyon. Pa ulit-ulit, ngunit parang bago pa rin sa akin ang pakiramdam. Hindi ko alam kung kailan pero alam ko na mangyayari at mangyayari sa akin iyon. Una akong nagkaroon ng “pangitain” kung tawagin ng mga kaibigan kong hayop ay noong ikalabing walong kaarawan ko. Noong una ay akala ko isang nag uulit-ulit na panaginip lang ang mga ito hanggang sa…. *3 months ago* Pangiti-ngiti kong tinatahak ang hagdan papuntang rooftop, bitbit ang regalo na bigay ng mama ko. Kadarating lang ng package na ipinadala niya sa akin. Alam siguro niyang hindi makakarating agad sa akin kapag sa bahay niya ipinadala kaya dito niya sa school pinadiretso. Kaka-18 ko lang last week, nasa ibang bansa ang mama ko kaya medyo late ng dating ang regalo niya. Hindi naman OFW si mama, sadyang tumagal lang ng 1 month ang business trip niya sa Bangkok. Pa sipolsipol kong binuksan ang pinto ng rooftop at nagmadaling pumasok, agad ko rin itong isinara. Humakbang na ako papunta sa aking pwesto nang biglang narinig ko ang boses ng isang babae. “Why can’t you JUST leave her and run away with me huh?! How could you make me fall so hard for you! Tapos ngayon? Iiwan mo na lang ako na parang walang nangyari? Na parang hindi mo sinabi sa akin na ako lang ang mamahalin mo? Na AKO ang pipiliin mo? Bon, kaya naman nating ilaban to ih. Hindi mo naman kailangan na iwan ako para sa kanya. Kaya kong tiisin, kasi ilang taon naman na nating tinitiis diba? Ang gusto ko lang e assure mo na AKO ang pipiliin mo, tulad ng palagi mong sinasabi sa akin. H’wag mo namang gawin sa akin to please?” humikbing saad ni ate ghurl. Dahan dahan kong sinilip ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang nakatalikod na lalaki at babae. Bakit pamilyar sa akin ang eksenang ito? “Jane! Ano bang nangyayari sayo? Una pa lang ay alam mo na kung anong relasyon namin ni Anne, alam mo na hindi ko siya maiwan-iwan dahil sa kasundoan ng pamilya namin, ang sabi mo OKAY LANG! na naiintindihan mo kasi maskin ikaw, ipinagkasundo rin ng pamilya mo kay Bryan. Tuwing magkasama kayo ng lalaking iyon, may naririnig ka ba sa akin? Hindi ba’t wala? Kasi sinusubukan kitang intindihin at ang sitwasyon mo! Pero bakit hindi mo magawa sa akin ‘yan ngayon? Kaunting pang intindi lang naman ang kailangan ko. Sana maibigay mo ‘yon!” Halatang naiinis na ang lalaki ngunit pinipigilan lamang ang sarili na masigawan ng todo ang babae Sino ba ‘tong mga to? AT ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pamilyar na pamilyar sa akin ang eksenang ‘to? Parang nag rerewatch ako ng paborito kong series dahil pakiramdam ko alam ko na kung ano ang susunod na sasabihin at gagawin nila. “Pag intindi? HA! Sinubokan ko naman Bon! Tang ina! Hindi mo alam kong paano kong kinumbinsi ang sarili ko na intindihan ka! Pero nakakagago lang na habang ako ay pilit na iniintindi ang sitwasyon mo, nandoon ka at nakikipaglandian sa pisting Anne na ‘yan! Ang galing niyo nga ih! Nakabuo kayo agad. Pamilya mo rin ba ang nagdesesyon na buntisin mo ang babaeng ‘yon? ANG GALING AH?! Ang dating sa akin ay parang kasalanan ko pa? Isa lang naman ang gusto ko ih. Ang sumama ka sakin kasi “AKO” naman ang mahal mo at iwan ang babang ‘yon na wala nang ibang ginawa kung hindi sirain ang relasyon natin!” Galit na galit na sigaw ni ate ghurl. Madamdaming komprontahan to mga ses. Totoo naman rin ang sinabi ng babae, nakakagago ngang talaga ang ginawa ng kuya n’yo. “Babe, listen. Lasing kami noon galing party, alam mo ‘yan. Wala ako sa wisyo nang may mangyari sa amin. Hindi ko sinasadya.” Pagpapaliwanag pa ni kuya. “Ih iyon naman pala ih! Sinabi ko naman na diba? Iintindihin ko ang sitwasyon mo, titiisin ko, pero bakit kailangang humantong ka sa desisyon kung saan kailangan mo akong iwan?” Umiiyak na saad ng babae. Pumipiyok na ang boses niya. Muli ko silang sinilip, at tulad ng inaasahan ko, nakasandal ang babae sa wall ng rooftop, hanggang bewang niya lang ito. s**t! Parang alam ko na kung saan patungo ang usapang ‘to. Ang mas ikanagulat ko pa ay nang makilala ko ang mag jowang nag aaway ngayon. Si Jane! Ang nag iisang kaibigan ko sa paaralang ‘to. Ano bang nangyayari sa kanila?! “Kasi ipapakasal na nila kami!” Umiiyak rin na sigaw ni Bon sa kaibigan ko. Napatulala na lang si Jane habang patuloy pa rin sa pag agos ang luha sa mga mata niya. “Ayaw kong masira ka pa lalo, ayaw ko na masira ang buhay mo kaya habang maaga pa ay taposin na natin kung ano man ang meron tayo. Gusto kong kalimotan mo na ako at piliin mo na lang na mahalin rin si Bryan. Iyon ang alam ko na mas makakabuti sa ating dalawa. Sana maintindihan mo ko Jane. Intindihin mo sana na ginagawa ko to para sayo. Ayaw ko na isang araw sisihin mo ako dahil hindi ko naibigay sayo ang relasyon na deserve mo. You deserve better, you’re better off without me” Iyak ng lalaki, bakas sa mukha niya ang sakit, para bang pinipilit niya na lang ang sarili na bitiwan ang mga salitang iyon. Umiling iling si Jane, umiiyak pa rin ito, dahang dahan siyang umakyat sa harang ng rooftop at doon tumayo. Hindi siya napansin ni Bon dahil nakatalikod na ito sa kanya, sa takot ko na baka mangyari ang nasa panaginip ko ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumigaw. “Jane! H’wag mong gawin ‘yan!” Natatarantang sigaw ko. Napalingon ito sa akin, at malungkot na ngumiti. Ibinalik niya ang paningin sa lalaking kaharap na ngayon ay nagmamakaawa na sa kanya. “Jane, Love, h’wag please? Hindi ko kaya. Paano na lang ako kapag ginawa mo ‘yan? Bumaba ka na dyan, please?” Halos hindi na maintindihan ang binibigkas ng lalake kasi iyak talaga siya ng iyak. “Love, kung hindi rin lang ikaw ang makakasama ko pagtanda, ayoko na lang mabuhay. Bagamat naiintindihan ko ang gusto mo, ayaw tanggapin ng puso ko na makikita kitang bumuo ng pamilya kasama ang ibang babae. Para na ring unti-unti akong pinapatay ng mga senaryong pumapasok sa isip ko. Sana maging masaya ka. I love ayou so much. Please be happy for me.” Parang nag slow-mo ang oras na iyon habang unti-unting humahakbang paatras ang kaibigan ko.     NO!  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
72.7K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
42.3K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
42.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
134.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
117.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook