Own Me, Mr. Playboy!
Chapter 2
"PIERO, anak. Pakibilisan naman po riyan at baka ma-late na si Mama sa job interview." Katamtamang sigaw ni Catriona mula sa labas ng kanilang bahay.
Kapagkuwan ay lumabas ang matamlay na anak nito sukbit ang backpack. Malaki ngunit walang masyadong laman.
"Ma, a-absent na lang ako." Ki aga-aga ay nag-aalburuto na naman ang anim na taong gulang na anak nito.
"Na naman?" Napangiwi na lamang si Catriona. Ni-lock na niya ang kinakalawang nilang gate bago pa makumbensi na naman siya ng anak sa kagustuhan nitong lumiban sa klase.
"Piero, naman. Dalawang araw ka nang absent tapos ngayon ayaw mo na namang pumasok. Maayos na naman ang pakiramdam mo. Teka nga, may hindi ka ba sinasabi sa akin? May atraso ka ba sa school mo kaya ayaw mong pumasok, Piero?" Pag-iimbestiga ni Catriona sa anak.
Naging tensyonado ang bata. "W-wala. Wala naman po, Mama."
"Sigurado ka?"
"Mama, hindi ba malili-late na kayo sa lakad n'yo?" Pag-iiba sa usapan ng paslit. Smart kid.
Tumango si Catriona. "Sabi ko nga."
Dumiretso na kaagad sila sa sakayan ng diyep at minalas pang naipit sila sa mabigat na traffic. Pinagpawisan nang matindi si Catriona at unti-unti nang binubura ng pawis niya ang make-up na inilagay niya sa kanyang mukha kanina.
Napaangil si Catriona nang pagbaba nila sa diyep ay may bumunggo sa kanyang babae ngunit hindi siya nito pinansin at tumakbo lang sa kung saan.
Nang hindi sinasadyang mapayuko siya ay may nakita siyang mga litrato sa paanan niya. Tatlong piraso ito. Out of curiosity ay pinulot niya ito, nagbabakasakaling may nakasulat doon na numero na puwedeng niyang tayaan sa lotto.
Ngunit hindi numero ang nakita niya kung hindi isang lalaki. Kagyat na nalukot ang kanyang noo nang makita na may markang ekis ang mukha nito na gawa sa pulang ink. Gano'n din sa ikalawang litrato ngunit sa ikatlo'y wala nang tinta na nakamarka doon.
Adoration flashed in her eyes when she saw how gorgeous the man in the picture is. His physical appearance is heart-stopping. Sa tuwina ay naalala niya na may anak pa pala siyang ihahatid. At lalong naalala niya na may job interview pa siyang pupuntahan. Kailangan pa man din niyang makahanap ng bagong trabaho dahil hindi na niya matiis ang pangungulit sa kanya ng Boss niya sa pinapasukan niyang restaurant ngayon kaya aalis na siya roon bago pa magkagulo. Isa pa, matumal na rin ang nagpapagawa sa kanya ng kurtina at sofa cover.
Nakahinga lang siya ng dalisay nang nasa bungad na sila ng public elementary school na pinapasukan ng kanyang anak.
Humukod siya ng kaunti upang humingi ng halik sa anak. "Goodbye kiss na kay Mama."
Namula ang paslit at atubiling dinampian siya ng halik sa pisngi nang mabilisan. "Behave ka lang, ha? 'Wag ka nang magpapaiyak ng kaklase mong babae. Nagkakaintindihan ba tayo, Piero?" Bilin niya sa anak.
Gasgas na gasgas na ang linyang iyon dahil sa araw-araw na nilikha ng Diyos ay hindi niya nakakaligtaang sabihin iyon sa anak.
Pumihit na ang anak at akmang papasok na sa gate ng school nang makita nito ang guro niya na papunta sa kanila. Nagtago ang paslit sa likod ni Catriona na animo'y may pinangingilagan.
"Cat, sandali. Aalis ka na ba?"
"Ah, Bernadette. Ikaw pala. Oo, e. May job interview pa kasi ako na hahabulin." Naging kaibigan na rin ni Catriona ang guro ng anak niya na kaedaran lang din niya.
"Ha? Gano'n ba? Hindi ba nasabi sa'yo ni Piero na ipinapatawag ka ngayon sa principal office?"
Na naman?
Lukot ang noo ni Catriona na tinignan ang anak na nakakubli pa rin sa likod niya.
Hindi nga nagkamali ang kanyang kutob. May ginawa na naman si Piero.
"MISS Carias, alam kong nagsasawa ka na sa mukha ko dahil halos tatlong beses sa isang buwan kung binibisita mo ako rito." Malambing na pahayag ng matandang principal.
Hindi lang ho nagsasawa, malapit ko na ring isumpa ang pagmumukha ninyo, sabat ng isip ni Catriona.
Feeling niya kasi ay nagkakabuhul-buhol ang bituka niya sa tuwing napapasulyap siya sa maluwag na pustiso ng principal. Parang second hand na kasi ito, isip niya.
"Kahit ibig ko mang makita ka palagi rito sa office ko ay hindi ko pa rin puwedeng palampasin ang ginawa ng anak mo. Na naman. Alam mo bang-"
"Hindi ko po alam kaya nga ho ako nandito para alamin." She bitterly cut his statement.
Sumandal naman ang uugud-ugod na principal sa kulay dugo nitong upuan. Catriona resisting the urge to walk out.
"Well, nilagyan lang naman niya ng patay na daga ang bag ng kaklase niya."
Napasapo na lang sa kanyang noo si Catriona.
Hay, Piero. Ano bang gagawin ko saiyo?
"Napagkasunduan ng faculty staff na i-suspend muna ang anak mo sa loob ng dalawang linggo. At Miss Carias, sana naman sa pagbalik ng anak mo ay mapatino mo na siya. Sayang naman ang ganda mo kung hindi mo magawang idisiplina ang iyong anak."
Nanigas ang panga ni Catriona sa narinig. Tila malakas na ipo-ipo ang dating no'n sa kanya na halos pati kaluluwa niya'y mabubuwal.
"I'll keep that in mind, Sir." Tumayo siya at matamang hinarap ang principal. "Alam ko ho kung pa'no ang tamang pagdidisiplina sa anak ko. Sadyang malupit lang ho sa amin ang mundo kaya hindi maiwasang makaramdam ng sama ng loob ang anak ko. Aalis na ho ako. Kukunin ko na lang kay Bernadette ang report card at academic papers ng anak ko at nang mailipat ko siya sa ibang iskwelahan kung saan may principal na kaaya-aya ang pagmumukha." Hindi niya mapigilang bastusin ang principal. Nadala lang siya ng matinding emosyon.
Paglabas niya ng opisina ng principal ay kaagad siyang nilapitan ng anak. His innocent dark night eyes were apologetic. Hindi pa man ito humihingi ng sorry sa kanya ay kaagad nang naglaho ang tampo niya sa anak.
She really loves her son na kahit pagalitan ito ay hirap siyang gawin. Naisip niya minsan na kaya siguro lumalaking pasaway ang anak dahil masyado niya itong ini-spoil.
O baka naman nasa dugo talaga ng bata na maging malapit sa gulo? Gano'n din kaya ang Ama niya? She sighed with that thought again.
"Mama, sorry." Piero's little hands snaked around her waist. Dinala niya ang anak sa bench na nasa gilid ng corridor.
"Pag-uusapan natin 'to sa bahay mamaya, okay?" Banayad na sabi nito sa kanyang anak.
"Mama, ayoko na po rito. Ilipat niyo na lang po ako sa school ni Leeyah." Tukoy ng bata sa kababata nito.
"Piero, 'di ba sinabi ko na sa'yo na malayo na ang school ni Leeyah. Nasa ibang bansa na kasi siya."
"E di sundan natin sila."
"Piero, anak.." Ramdam na ni Catriona ang pagpitik ng ugat sa ulo niya dahil kapos siya sa oras upang ipaliwanag sa anak ang mga bagay-bagay.
"Sige, susundan natin si Leeyah sa ibang bansa pero sa isang kondisyon." Pag-aalo ni Cat sa anak at lumiwanag naman ang natural na maangas na mukha nito.
"Yahoo! Ano po iyon, Mama?"
"Basta ipangako mo sa akin na mag-aaral kang mabuti at huwag na huwag ka nang gumawa ng gulo, okay?"
Sumaludo naman ang bata. Ngunit ilang sandali pa'y sumeryoso ulit ang ekspresyon nito. "Hindi naman iyan totoo, Mama e." Ngumuso ang bata.
"Ha? Hindi. T-totoo iyon, anak." Jusko! Ang hirap hagurin ng utak nitong batang ito. Talaga naman!
"Hindi iyon totoo. Noon sabi mo ibibigay mo sa akin ang picture ng Papa ko kapag nakapasok ako sa top five pero wala ka namang ginawa."
"Ah e.." Napakamot sa batok si Catriona. She was running out of reasons when her hand voluntarily traced the photo paper inside her pocket. "Oh God! Nakalimutan ko. Noon ko pa pala gustong ibigay sa'yo ang picture ng Papa mo."
Inabot niya sa anak ang picture na napulot niya sa kalsada kanina, iyong isang walang markang tinta. At naging sapat iyong dahilan upang lumundag sa tuwa ang anak niya.
Sometimes, lying causes us happiness.
Bahala na si Hulk! She doesn't care anymore kung nag-i-exist ba sa mundo ang lalaking nasa litrato o hindi. Basta ang mahalaga ay napasaya niya ang kanyang munting pasaway na anghel.
Iniwan muna ni Catriona ang anak sa kaibigan dahil kailangan na niyang humabol sa job interview. Kailangan niyang masungkit ang trabahong iyon dahil bukod sa malaking sahod ay pangarap rin niyang makapagtrabaho sa isa sa mga pinakamalaking kompanya sa Maynila na producer ng mamahaling alak sa iba't ibang panig ng mundo. Ang de Souza Distillery Company.
Alas nuebe ang itinakdang oras ng interview ngunit pasado alas dies na siya nakarating sa nasabing gusali.
"Miss, close na nga kasi ang interview at sa katunayan niyan ay pinaalis na nga ang lahat ng aplikante kaya huwag ka nang mag-aksaya ng oras na pumasok pa dahil kami po ang malilintikan kay Ma'am Abigail."
Mahigit sampung minuto nang pinagtatabuyan si Catriona ng mga guwardiya pero hindi pa rin siya nagpatinag at sinubukan pa rin niyag makapasok kahit dalawang guwardiya na ang humaharang sa kanya.
She desperately needs the job. Or kahit anong job dahil kung hindi ay baka sa lansangan na sila pulutin ng kanyang anak.
"Mga bossing, saglit lang naman ako at susubukan ko lang na iabot kay Mr. CEO ang application form ko. Baka nagkakamali lang ho kayo. Malay niyo ako na po iyong hinihintay ni CEO." Pagmamakaawa pa rin nito na halos lumuhod na sa harapan ng dalawang guwardiya.
"Naku, Miss. Kung ako saiyo may umalis ka na lang at sa iba ka na lang maghanap ng trabaho. Huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo rito. Masasaktan ka lang." Ani naman ng isang guwardiya.
"Alam ko. Alam ko po iyon pero wala namang mawawala kung susubukan ko, hindi ba? Kaya please lang mga bossing, padain niyo na ako. Utang na loob. Maawa po kayo sa akin dahil may anak po akong kailangang bihisan, pakainin, pag-aralin at bibigyan ng pang-renta sa computer shop para maglaro ng mobile legend at COC. Nagmamakaawa ho talaga ako sainyo."
Napapailing na lamang ang dalawang bantay sa desperation na ipinapamalas ni Catriona. Ni wala na siyang paki sa ibang dumadaan na nagiging witness kong gaano siya kadesperada sa kanyang ginagawa.
"Naku, Miss. Pasyensya ka na talaga at kung ako saiyo, aalis na lamang ako kaysa magsayang ng oras dito para lang sa wala. Hindi mo rin magugustuhan kung madadatnan pa kayo ni Ma'am Abigail dito."
Sino ba kasi ang Abigail na ito? Kamalas naman oh!
Natahimik ng ilang sandali si Catriona at nang makakuha ng tiyempo ay mabilis siyang tumakbo at nilusutan ang dalawang guwardiya. Nakipaghabulan siya sa mga ito roon sa malawak na lobby hanggang sa makita niyang bumukas ang isang elevator. She jumped inside it. No, she jumped into the man who was inside it. Then the elevator door closed in time at hindi na siya napigilan ng mga guwardiya.
TREVER was in daze of shock when a woman literally jumped into him. Hindi siya naging handa sa pag-atake nito kaya nama'y natulak siya nito sa pader ng elevator and to his luck ay naging masama ang bagsak ng likod niya roon.
"Hell with you?" He hissed under his austere breath.
Hindi umimik ang babae, bagkus ay nagulat na lamang siya nang bigla itong humagulhol. Huli na no'ng nalaman niya na nakasubsob pala sa dibdib niya ang mukha nito. He can't see her face ngunit alam niyang mabango ito.
His petty anger instantly disappeared. Mabango kasi ito at parang mina-magnet ang kaluluwa niya sa matamis nitong amoy. Nakakahalina.
"Ehem, M-miss?" Salita niya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang ialis sa katawan niya ang babae.
He was hoping na sana maganda ito para worth it naman. He smirked by that thought.
Bigla ay inalis ng babae ang mukha nito sa kanyang dibdib. Gusto niya itong pigilan sa hindi malamang kadahilanan.
He stood deadpan when he met the firing brown eyes of the woman. But what surprised him for real is that his instinct didn't disappoint him at all. The woman looked awesomely gorgeous, tall and has a pretty flawless skin. His eyes buried into the woman's attractive cleavage na nagpangisi sa kanya.
Wew! His weakness.
"Bakit ganiyan kayong mayayaman?" Natigagal siya nang pagkakuwa'y dinuro siya ng babae. Galit itong nakatitig sa kanya at naiiyak pa rin.
"Huh?"
"Wala kayong puso! Iyong pobreng taong nagbabakasakali lang na makakuha ng matinong trabaho, pinapalayas n'yo pa. Wala kayong awa. Hindi niyo man lang ba naisip na may batang umaasa sa aplikanteng tinataboy ninyo? May anak po akong kailangang bihisan, pakainin, pag-aralin at bibigyan ng pang-renta sa computer shop para maglaro ng mobile legend at COC tapos sasabihin ninyo na umalis na lang ako? E hayup pala kayo, e."
"W-wait, Miss? Anong kinalaman ko sa problema mo?" He asked a little bit bemused.
Umayos ng tayo ang babae at nagulat na lamang siya nang bigla itong ngumiti. Parang kidlat na nagbago ang ekspresyon nito. "Ah wala naman. Nagpa-practice lang ako sa sasabihin ko do'n sa nagngangalang Abigail na nagpapalayas daw sa mga aplikante."
Woah! She must be one of those fine ladies who wanted to be a secretary of that Roman fag, de Souza.
Trever was referring to his bestfriend named Zurick de Souza who also happens to be the current CEO and President of de Souza Distillery Company kung saan ay siya naman ang tumatayong COO.
Trever is a heir of the prominent shipping line Epsilon. Nga lang ay may iringan sa pagitan nila ng kanyang Ama na si Timothy de Gracia kaya ngayon ay nagtitiis na lamang siya sa posisyon niya sa company ng kanyang matalik na kaibigan.
"Sana lang maabutan ko siya at nang maipamukha ko sa kanya kung gaano siya kasama."
"You knew her, don't you?"
"Hindi pa. Bakit, alam mo ba kung saan ko siya makikita?"
"Yep. In CEO's office." Hindi mawari ni Trever kung bakit naaaliw siyang sumagot sa babae.
"Dalhin mo ako doon." Walang piltrong utos ng babae. Ngayon lang siya nautusan ng gano'n sa tanang buhay niya ng ibang tao.
Looks like the woman doesn't know who he is. Poor her.
He shrugged. "Okay. Here we go."
"Bakit nga pala nandoon sa office ng CEO ang Abigail na iyon? Nanay ba siya ng CEO?"
He almost frown disappointingly cause the woman seemed not interested to his presence which is so uncommon. Women could hate diamonds just to be with him but this woman? Well, siya tuloy ang naging interested dito.
"No, she's not the CEO's mother." He intentionally flashed his killer smile but again, wala itong epekto sa babae.
This is freaking new!
Tila nainsulto ang ego at charisma niya. Ang manhid!
"Kung gano'n, sino iyong atribidang Abigail na nagpalayas sa mga aplikante?"
"The CEO's fiancee." He answered dryly pero ang mga mata niya ay panaka-nakang sumusulyap sa malulusog nitong cleavage. Tila nag-init ang katawang-lupa niya sa tanawing iyon.
Oh man!
"The what? Fiancee? Niloloko mo ba akong tarantado ka?"
"What? What the fvck did you just addressed me?"
"Wala iyon. Na-carried away lang ako. Sorry. Hehehe."
NAGBAGO na ang isip ni Catriona na tumuloy nang malamang fiancee pala ng CEO ang Abigail na iyon. Nawalan na talaga siya ng pag-asa. Mabuti na lang at may nangyaring maganda sa araw niya ngayon.
Iyon ay ang makasama at makayakap sa napaka-guwapong lalaking lihim na bumubuhay sa pagnanasa niya. Ayaw niya lang ipahalata na halos maihi siya sa kilig sa tuwing ngumingisi ito sa kanya.
Bumabangon ang lahat ng temptasyon sa kalooban niya gawa ng presensya ng naturang lalaki. Sandali niyang ipinilig ang ulo.
He looks familiar.
Bumukas ang elevator. The man who has thousands pound of s*x appeal stared at her nang hindi siya lumabas ng elevator.
"The CEO's office. Come on!"
"H-ha? Ah.. mauna ka na, Sir. Naalala ko na may ibang lakad pa pala ako. Bye." Pasara na sana ang elevator ngunit maagap itong napigilan ng lalaki.
Shucks! Bakit masyadong guwapo ang nilalang na 'to?
"Come with me."
"Ha?"
Doon naman dumating ang hinihingal na dalawang guwardiya. Natakot si Catriona at ibig na niyang lisanin ang lugar na iyon na sana ay kanina pa niya ginawa kung hindi lang matigas ang ulo niya.
"Sir Trever, nakuha po namin ito sa nahulog na gamit ng babaeng iyan."
May inabot ang isang guwardiya sa tinawag nitong Sir Trever. Pangalan pa lang ay parang lumuluwang na ang waist garter ng underwear niya.
Napansin ni Catriona na ito iyong litratong napulot niya na iyong isa'y nasa anak na niya.
Teka...
Pagkakuwa'y lumundo ang dibdib niya sa takot nang galit na tumitig sa kanya pabalik ang guwapong lalaking harap-harapan niyang pinagpapantasyahan sa isipan niya.
Portuguese Spanish! Kaya pala pamilyar kasi ito iyong guwapong lalaki sa litrato.
Damn. He really exists.
"Bring that woman to the nearest police station. Now!"
At sa puntong iyon ay labis na nagulantang ang mundo ni Catriona.