Own Me, Mr. Playboy! Chapter 5 HE WAS quite frustrated and unhappy because he did not meet his expectation— ang mapapayag sa alok niya ang babae. He didn't see it coming. Hindi niya akalaing tatanggihan siya ng isang babae. Hindi lang siya nito tinanggihan, nakatanggap pa siya ng black eye dito kahapon. He's pissed as hell. Nang gabing iyon ay sinadya niyang mag-unwind sa lounge sa isa sa mga pag-aaring megahotel ng isa pa niyang matalik na kaibigan na si Eszio Fabian. Solo niyang pinagdiskitahan ang isang bote ng captain morgan rum. Magpapakalunod siya sa alak ngayon gabi and he also wanted to look for a hot distraction. Ilalabas niya ang init sa katawan niya bago pa siya sumabog sa inis sa babaeng iyon. “Solo flight?” Tinapunan niya ng matamlay na tingin ang lalaking dumalo s