Own Me, Mr. Playboy! Chapter 17 HINDI maayus-ayos ang hilatsa ng mukha ni Catriona habang papalapit sila sa kanilang distinasyon. Paano nga ba siya napapayag ni Trever na sumama rito at dumalo sa kasal ng dati nitong kasintahan? Kung paano ay hindi niya rin alam. “Puwede bang ten minutes lang tayo do'n tapos iuwi mo kaagad ako?” Hindi lihim ang iritasyon sa tono ni Catriona. Hindi talaga siya pabor na makilala ang ex ni Trever. Kung pangalan pa nga lang nito ay naiirita na siya, paano pa kaya kung makaharap na niya ito? Hindi na siya magugulat kung masampal man niya ang naturang babae kapag nakaharap na niya ito. Naikuwento na kasi sa kanya ni Trever ang tungkol sa naging relasyon noon nito sa dating nobya. She trusted her that much to even tell her every details of his history