Own Me, Mr. Playboy! Chapter 9 LAMPAS treinta minuto na nilang hinihintay si Piero sa isang bench malapit sa gate ng school nito. Pansin na rin ni Catriona na naiinip na ang kasama niya. Panay kasi ang sulyap nito sa wristwatch sa bisig nito o hindi kaya'y sa cellphone nito. "Alam mo, Trever puwede naman na mauna ka na lang. Ako na ang maghihintay sa anak ko. Shoo ka na at halata namang may lakad ka. Tutal weekend pa naman ang usapan natin." Direktang pagtataboy ni Catriona rito. Inaalala niya rin kasi na baka kailangan pa ito sa kompanya nila. Kaagad namang rumihestro ang ilang linya sa noo nito. "It's fine. I want to meet your son." "Mabuti dahil siya rin naman." "He knows about me already?" May latay ng pagkasurpresa ang tono nito. Tumango naman si Catriona. "Kilala ka na niy