Chapter Forty-one "Papa ko na naman? Seryoso ba sila? Bakit?" ani ko. Hindi ko napigilang mapasigaw. Nasa couch sina Governor Andreras. Nanonood ng TV. Pinanonood ang balitang gumising sa akin. Agad tumayo si governor at lumapit sa akin. Saka ako kinabig at niyakap. Iyak ako nang iyak. Parang batang pinasama ang loob. "Ang unfair naman. Nakakulong na si papa eh. Ginaganyan pa nila." Iyak ko. Nakakapagod umiyak. Iyong luha ko... talagang mababaw pagdating sa mga taong mahalaga sa akin. Pagdating kay papa... pagdating kay Governor Andreras. See, hindi ko na maitatanggi pa. Mahalaga na ito sa akin. "Bakit naman hindi pa sila tumitigil? Iyang mga reporter na iyan, bakit nagbabalita sila ng fake news? Bakit? Wala ka bang pwedeng gawin, gov? Governor ka, 'di ba? Can you please do somethin