Chapter Forty-eight Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Parang walang nais matulog dahil lowbat na ako. Oo, lowbat na ako at natatakot silang mag-panic attack ako dahil sa katahimikan. Sige nga lang sila sa kwentuhan habang nasa sala kami. Mabuti na lang din may stock ng kandila kaya naman hindi tuluyang kinain ng kadiliman ang mansion. Sobrang lakas ng ulan. Hihina man ay hangin naman ang pumapalit. Baha na rin kahit nga sa driveway ay may tubig na. "Magpahinga na kayo. Okay lang ako rito." Assurance ko sa kanila. "Dito na lang po muna ang lahat. Sama-sama." Pakiusap ni Meril. Takot din siguro itong kung ano ang mangyari sa akin. "Miss Lucinda, dito po ako sa sahig. Malakas po ako maghilik. Hindi po matatahimik ang paligid n'yo kapag ako ang natutulog." Natawa ako sa isang tauhan