Chapter Twenty-five "Sorsiah, hindi mo ba pwedeng gawaan nang paraan? Sabihin mo busy ako. Biglaang meeting---" "Gov. Weekend bukas. Pahinga ko, gov. Ibigay mo na sa akin ito. Ikaw na ang dumiskarte." Kakamot-kamot sa ulong ani ni Sorsiah. Nag-uwian na ang mga tao. Ilang staff na lang itong narito at nagliligpit. Kinukulit ni Governor Andreras ang secretary nito na gumawa ng excuse sa ama kapag tumawag sa secretary. "Governor, pumunta ka na kaya?" ani ko. Sumingit na sa usapan dahil mukhang handa nang maglupasay si Sorsiah dahil gustong gambalain ng boss n'ya. "No." Tanggi nito. "Sumaglit ka na, Governor Andreras." Saka ako tumingkayad dito at bumulong. "Hihintayin na lang kita sa bahay." Iyong titig nito ay parang nanghihingi ng assurance. Tumango lang ako rito at marahang hinaplo