Chapter 26 Hindi na nilakihan pa ni Ziah ang pagkakabukas ng pintuan nang maihatid ni Xander ang dalaga. Nakatayo pa rin siya sa may pinto, naghihintay na papasukin nito. She arched her brows so he chuckled, “Aren’t you going to invite me to come in?” “It’s late,” anito, mukha lang ang nakalabas sa may siwang ng pinto. Baka naman gusto na lang nitong sa peephole siya tingnan, pwede rin naman. Wala rin naman pagkakaiba yun sa ginagawa nito ngayon. Ano ba ang drinadrama drama nito at parang ilag na ilag sa kanya? Kanina pa ito malayo sa kanya at nanggigigil na siya. Kapag siya hindi makapagpigil ay hihilahin na niya ito. “Your duty tomorrow?” he asked her instead and never paid attention to what’s she’s doing. “None. It’s my day off and I’m going to the convent.” Agad na kinaba