Alice De Rusi Kanina pa walang kibo ang lalaking ito. Dahil ba sa kagat ko kaya hindi na umiimik? Habang ako abala sa pagbabasa ng mga nakahaing mga files sa aking harapan. Kailangan ko pa pag-aralan ang lahat na magiging trabaho ko. I will be handling incoming phone calls and other communications, greeting clients and visitors, as well as managing files, updating paperwork and other documents, and performing other general office clerk duties and errands. Sumasakit ang ulo ko. Ang rami ko pang babasahin hindi pa ako tapos. "Are you done?" sa wakas, nagsalita na rin ang lalaking ito. Akala ko hindi na makapagsalita dahil sa kagat ko. Nilingon ko ito. Hawak-hawak nito ang folder habang nakatingin sa akin. As usual, X na naman ang kaniyang kilay. Pero hindi nawawala ang kaguwapuhan